Rain's POV
Kasalukuyan akong nagma make-up ng mukha dito sa kwarto. Naglagay ako ng makapal na foundation at mapulang lipstick.
Sinuot ko na rin ang backless gown kong kulay itim, mataas ang slit nito kaya kitang kita ang makinis kong hita. Tinaas ko lang ang aking buhok na tila messy bond upang makita ang maputi kong leeg.
Ngayon ang tinakdang araw upang mapatay si Vustavio Jr. ang pinuno ng black omega. Nakaayos na ang lahat mula sa pagdating namin sa party hanggang sa pagdala sakin ni Vustavio sa hotel room niya.
Nilagay ko ang airpod sa aking tainga at tinakpan ito ng kaunting buhok, sinuot ko ang singsing na may hidden camera na binigay ni Carlo.
Humarap ako sa salamin at huminga ng malalim, isa nalang ang kulang sakin, yung tunay na ngiti na matagal ko ng hindi nararamdaman.
Hawak ko ang pouch nang lumabas sa kwarto, dahan dahan akong bumaba sa hagdanan.
Nakita kong napatingin si Carlo at Noah sakin, ngumiti si Carlo na tila nabighanin sa kagandahan ko.
Ngunit na kay Noah ang atensyon ko, napaka-gwapo nitong tingnan lalo na't sa suot nitong itim na tuxedo para itong isang prinsipe na naghihintay, walang reaksyon ang kanyang mukha habang masinsinang nakatingin sakin.
"You look so beautiful ate." Nakangiting sabi ni Carlo, napatawa pa ito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. "Sorry, i need to answer this call."
Tumango lamang ako kaya kami nalang natira ni Noah dito sa sala. "Sakin ka nalang sumabay." Sabi niya at naglakad papalayo sakin.
"Ate I will bring my car kasi didiretso na ako sa hotel room. Ihahatid ng driver si kuya kaya sa kanya ka nalang sumabay."
"Sige Carlo, see you there." Pagpapaalam ko at dumiretso sa sasakyan ni Noah.
Lamborghini ang dala nitong sasakyan na kulay gold, halatang bago pa ito dahil sa sobrang kintab.
Walang imikan sa sasakyan habang kami ay nagbabyahe. Mabilis kaming nakarating sa hotel kung saan gaganapin ang party.
Akmang bababa na si Noah nang pigilan ko ito. "Aayusin ko lang yung necktie mo."
Humarap naman siya sakin, amoy na amoy ko ang showel gel na ginamit niya na tila nakakapang-akit. "Okay na." Sabi ko at napakagat ng labi. Ang lakas ng tibok ng puso ko na tila lalabas na ito sa ribcage, i want to kiss him so bad, mabuti nalang at napigilan ko ang aking sarili.
Nauna siyang bumaba bago ako. Nagulat ako nang hatakin niya ang bewang ko upang kami ay magkadikit. "Stay closer to me." Bulong niya.
Sabay kaming pumasok sa loob ng hotel, hindi ko mapigilang mapahanga sa sobrang ganda ng venue, halatang mahal ang ginastos nila dito. Marami ring ibat ibang mukha sa aking paningin na talaga namang masasabi mo na may binatbat sa buhay.
Halos pagandahan sila ng night gown na suot at palakihan ng diyamanteng nakasabit sa kung saan saang parte ng kanilang katawan.
"Guys, nakita ko na si Vustavio Jr. papasok na siya diyan, madadaanan niya kayo, may kasama siyang dalawang babae." Nagkatinginan kami ni Noah nang makita namin ang target. "Ito na ang pagkakataon na sundan siya Rain."
Binaklas ko ang pagkakahawak sa braso ni Noah.
Akmang maglalakad na ako para sundan si Vustavio nang hawakan ni Noah ang aking braso at bumulong sa bandang tainga. "Careful."
At iniwan akong mag-isa, huminga ako ng malalim at pilit na inalis ang kaba sa aking dibdib.
'I can do this.' Bulong ko sa sarili. Alam ko naman na ligtas ako dito, sa dami ba naman na kinuha nilang tauhan na nakabantay sa bawat kilos namin.
Naglakad ako papalapit kay Vustavio, kumuha ako ng wine at nagkunwariang banggain ito.
"Shit! F*ck! What the hell." Sigaw niya.
"I'm really sorry Sir, i didn't see you." Hinging paumanhin ko kunwari.
Tila naman nabighanin siya sa ganda ko. "Oh! I--its okay. Whats your name beautiful?"
"I'm Lou. What about you handsome?" Nang-aakit kong tanong.
"I'm Vustavio Jr., son of the famous leader in Brazil." Pagmamayabang niya. "Uhm... Are you with someone else? You wanna join me? You know drink some tequila and a little chitchat. "
"Yes! I would love to." Kinagat ko ang aking labi. "But I think it would be cool when we talk in private. You know, just you and me alone." Bulong ko sa kanya.
Ngumiti naman ang manyakis, akala niya makakaisa siya sakin ahh. Neknek niya!
Sabay kaming naglakad paakyat sa hotel room niya, marami rin siyang tauhan ngunit patago lang din itong sumusunod samin.
Nang makarating kami sa loob ng kwarto, inabutan niya ako ng one glass ng martini.
"Wow! I love this drink. Where did you buy this?"
"In south africa, its a little bit expensive but its worth it."
Umupo ako sa malaki niyang sofa at nagcross leegs, pinakita ko talaga ang makinis kong hita. Tinaas ko kunwari ang aking kamay upang gamitin ang hidden camera ng singsing ko.
"Ate Rain, may nadi-detect akong drugs sa ilalim ng kabinet niya. Sa left side, pwede mo yun kunin bilang ebidensya sa kanya."
Gusto kong sagutin si Carlo, ngunit baka makahalata si Vustavio.
"Vustavio, can i used the bathroom?"
"Offcourse! Go to the left side."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Naglakad ako papunta sa bathroom, nang makarating duon ay kaagad kong ni-lock ang pinto. "Carlo bakit pa natin kailangan kunin ang mga drugs na yun, kung papatayin din naman natin siya?"
"Ate nagsasaliksik na rin kasi ang mga kapulisan, possible daw na hindi tungkol sa drugs ang pagpatay sa matandang Vustavio dahil wala naman silang nakita o napatunayan na may drugs ito."
"And?"
"Kapag napatay natin siya at nahulihan ito ng drugs sa hotel room niya, possibleng ma-close ang kaso nila. Na isa si Vustavio sa nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, hindi lang sa brazil kundi sa ibat ibang sulok ng bansa. Maa-absuwelto din ang grupo natin dahil hindi na nila kailangan pang mag-imbestiga."
"Okay fine. Lalabas na ako, kanina pa ako dito baka makatunog na yun, sabihin mo nalang sakin ang gagawin ko." Lumabas ako ng cr at umupo ulit sa sofa.
Kasalukuyan siyang nagsasalin ng vodka sa wine glass niya.
Napalunok ako ng lumapit ito at dahan dahang hinimas ang braso ko. "You are so beautiful Lou. I will not be surprised that many men will be attracted to you even my own father."
Tila hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Alam niya na, shit hindi pwede ito! 'Isip Rain, isip.'
"What the hell are you saying?" Sabi ko at kaagad na tumayo ngunit wrong move dahil biglang nanlabo ang paningin ko. "Nahihilo ako."
"Shit! Oh god, nanganganib ang buhay mo." Sigaw ni Carlo.
"Nahihilo ako Noah." Pabulong na sabi ko at biglang bumagsak sa sofa.
"Fu*k Elizabeth." Narinig kong sigaw ni Noah bago ko maipikit ang aking mata.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.

BINABASA MO ANG
My Sweet Submissive
Fiksi UmumMY SWEET SUBMISSIVE "Yeah, dance Macy." Ginalaw ko lalo ang bewang ko uoang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon. Habang masayang nagsisigawan ang mga lalaki sa loob ng Bar, ako naman ay umiiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko, hindi ganito an...