Chapter 4

2.3K 51 0
                                        

Rain's POV

Kanina pa ako nakatayo dito sa harapan ng pinto, gusto kong salubungin si Noah galing trabaho.

Maya maya narinig ko na ang pagpark ng sasakyan niya, hudyat na dumating na siya.

Sinalubong ko siya at humalik sa pisngi. Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa kwarto niya.

Nasayang lang pala ang effort ko na hintayin siya kasi mukhang wala siya sa mood.

Minabuti ko nalang matulog sa sarili kong kwarto.

----------

Kinabukasan, habang kumakain kami ni Noah biglang dumating si Francine ang babaeng dumalaw kay Noah kahapon.

"Goodmorning Noah. Its nice to see you again, namiss kita ng sobra." Malanding sabi ng babae, ikinagulat ko pa nang hinalikan niya si Noah sa labi.

Hindi ako nasaktan sa paghalik ng babae kay Noah, nasaktan ako dahil hindi man lang umiwas si Noah, hindi man lang siya nagreact sa ginawa ng babae, parang wala lang sa kanya.

Hindi niya man lang naisip na nandito ako sa harapan nila.

Dahan dahan ako tumayo, hindi na ako nagpaalam sa kanila, halata naman kasi sa kanilang dalawa na gusto nilang mapagisa.

Nakaramdam ako ng hapdi sa aking puso.

Alam kong hindi pwedeng mainlove kay Noah, at alam ko rin kung saan lulugar sa pamamahay na ito.

Hapon na nang lumabas ako ng kwarto, nabungaran ko si Francine na dahan dahan din na lumalabas sa kwarto ni Noah.

Tumingin siya sakin at ngumiti, magulo ang buhok niya at lagpas lagpas ang lipstick. Halatang kagagaling lang nila sa pagtatalik, walang hiya sila ang hahalay nila.

Lalampasan ko na sana siya nang magsalita ito.

"Sorry ha! Naistorbo ka ba namin ni Noah? Sobra niya kasing wild thats why hindi ko napigilan ang pagungol ng malakas."

Humarap ako sa kanya. "Bakit mo pa kailangan sabihin yan, nagpapapansin ka ba?"

"No i'm not, bakit naman ako magpapapansin sayo."

"Kasi kulang ka sa pansin, alam mo hindi mo kailangan ikwento ang lahat ng ginawa niyo ni Noah, kasi ganun din naman ginagawa namin. Sa maikling panahon na nakasama ko si Noah dito sa bahay, o sa kwarto, alam na alam ko na ang kaya niyang gawin." Nang-iinggit na sabi ko sa babae, bakas naman sa mukha nito ang sobrang pagka-inis.

"Pwes dun ka nagkamali, hindi mo pa kilala si Mr. Noah ng lubusan. Kaya ka niyang paikutin gamit ang daliri niya, kaya ka niyang sirain, saktan at patayin." Nanlilisik ang kanyang mga mata habang sinasabi ang katagang yan, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.

"Francine." Si Noah ang nagsalita, nagbago ang expression ng mukha ng babae at ngumiti ito.

"I need to go home na, ill be back nalang soon. See you."

Hindi siya nagpaalam sakin at inisnaban lang ako bago bumaba ng hagdanan.

Umiwas ako ng tingin kay Noah at bumalik nalang ng kwarto.

----------

Kinagabihan, minabuti kong hindi na kumain ng hapunan dahil wala naman akong gana.

Natulog nalang ako upang mawala sa aking isipan ang sinabi ni Francine.

Nakaramdam ako ng may humahalik sa aking leeg, nakita ko ang mukha ni Noah.

"Noah anong ginagawa mo?" Tinakpan niya ang bibig ko kaya nakaramdam ako ng takot, may kinuha siya sa likuran niya at tinutok sakin.

My Sweet Submissive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon