Rain's POV
"Francine." Pagtawag ko sa kanya nang makapasok siya, walang reaksyon ang kanyang mukha kaya hinayaan ko nalang itong magsalita.
"This is your ticket, ito rin ang hotel na tutuluyan mo for two years. Basahin mo rin maigi ang contract before you sign it."
"Kahit naman basahin ko ito o hindi, wala namang mababago diba? Lahat ng nakalaad dito ay hindi ako sang-ayon. Pero may magagawa ba ako?"
"Wala. Sundin mo nalang ang gusto ni Noah." Napayuko ako ng sabihin niya yun. "I have a meeting to attend. Bye, see you in 2 years. Good luck."Huminga siya ng malalim bago ako talikuran.
----------
Dumating na ang araw ng pag-alis ko, kasalukuyan akong nakaupo sa kama.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, halos hindi ko na nga ito mahabol.
May nangyari na naman samin kagabi ni Noah, pero pagkatapos niyang makaraos umalis na siya kaagad at lumipat sa kwarto niya.
Hindi ko naman siya masisisi dahil isa lang naman ako sa mga babaeng ginagamit niya kapag gusto niyang makaraos.
Tok tok tok
"Come in." Mahinang sabi ko sa kumatok.
"Mam aalis na daw po kayo." Sabi ng isa sa katulong dito sa bahay.
"Oo bababa na rin ako. Saglit lang pala ate, nasaan si Noah?"
"Hindi ko po alam, maaga po silang umalis kasama si Mam Francine." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito dahil wala naman akong mapapala sa isang Noah Carpio.
"Salamat."
----------
Tahimik lang akong sumusunod sa tauhan ni Noah, nang makarating kami sa airport, bigla nalang tumulo ang luha ko.
Tila may nakatingin sakin ngunit hindi ko alam kung sino. Siguro si Nanay at tatay ito, nalulungkot sila kasi iiwan ko sila dito sa pilipinas. Hindi man lang kasi ako nakapagpaalam sa kanilang puntod.
'Pero babalik naman ako after two years eh, hintay hintay lang din at dadalawin ko kayo ulit nanay at tatay.' Bulong ko sa aking sarili habang inaalis ang nakakagulo sa aking isipan.
Hindi na ako tumingin pa sa likuran.
"Ill see you Noah, ill see you soon."
Kasabay ng paghakbang ay kalimutan ang nakaraan at palitan ng kasalukuyan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.

BINABASA MO ANG
My Sweet Submissive
General FictionMY SWEET SUBMISSIVE "Yeah, dance Macy." Ginalaw ko lalo ang bewang ko uoang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon. Habang masayang nagsisigawan ang mga lalaki sa loob ng Bar, ako naman ay umiiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko, hindi ganito an...