Rain's POV
Naalimpungatan ako nang makarinig ng isang sigaw.
Tiningnan ko ang orasan at 2am pa lamang, nakatulog pala ako kaagad pagdating namin dito sa bahay dahil na rin siguro sa pagod.
Tumayo ako sa kama at dahan dahan na lumabas ng kwarto.
'Asan kaya si Noah? Siya ba yung sumigaw o guni-guni ko lang.' Tanong ko sa aking sarili.
Magkasabay naman kaming umuwi ngunit hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa sobrang galit, hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya kaya hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso sa kwarto ko upang magpahinga.
Naglakad ako papunta sa kusina upang kumuha ng tubig, ngunit nakarinig ako ng mga lalaking naglalakad sa labas ng bahay ni Noah.
Dumiretso sila sa may pool area, malaki ang bahay ni Noah na tila isang mansion. Hindi na ako magtataka dahil sobrang yaman ba naman niya.
Sinundan ko ang mga naka-itim na lalaki, pumasok sila sa isang pinto na aakalain mong shower room lamang sa may tabi ng pool.
Pina-una ko ang mga lalaki at ilang minuto ay sumunod na rin sa kanila. Madilim ang kapaligiran at may hagdanan ito pababa.
Bakit may underground ang bahay ni Noah? May tinatago ba ito? Ang alam ko sa pelikula lang ang mga underground ah, dun kasi nagtatago ang mga sindikato o may masamang ginagawa.
Nakaramdam ako ng takot nang may boses akong narinig.
"Boss, wala akong ginawa. Tama na boss!" Sinundan ko ang boses ng lalaki.
Laking gulat ko na makita ang duguang lalaki, nakatali ang dalawa niyang kamay sa maliit na poste.
Nakayuko ang mga tauhan ni Noah, nandun din si Francine at Carlo na nakatingin lamang at hindi umiimik.
Pumasok sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Francine sakin.
'Hindi mo pa siya lubusang kilala.'
'Kaya ka niyang paikutin gamit ang kanyang mga darili, kaya ka niyang patayin.'
Napansin ko na nanlilisik ang mata niya sa galit, may hawak siyang latigo at walang awa na pinaghahampas sa lalaki.
Napahawak ako sa aking bibig at tahimik na umiyak.
Awang awa ako sa lalaki. "Tama na boss, may pamilya pa ako. Kailangan ako ng pamilya ko."
"Sana inisip mo muna yan bago mo ako traydurin."
"Wala naman po akong sinabi."
"You sure? Kung hindi natrack ni Carlo ang pinaggagawa mo sigurado akong nahuli na tayo."
"Boss patawad."
Pinigilan ni Carlo si Noah. "Stop it."
"You! All of you. Ito ang mangyayari sainyo if you betrayed me." Sigaw ni Noah.
Bumunot siya ng baril at tinutok sa lalaking duguan.
Bang.
"Ahh." Gulat na sabi ko nang barilin ni Noah ang lalaki.
Mukhang hindi naman nila ako narinig kaya mabilis akong tumakbo upang makalabas dito.
"Alisin niyo na yan dito." Boses ni Francine.
Pinunasan ko ang luha ko ng makalabas ng hidden underground, tumakbo ako papunta sa kwarto ko.
Dahan dahan kong sinara ang pinto at nag-iiyak na sumubsub sa kama.

BINABASA MO ANG
My Sweet Submissive
General FictionMY SWEET SUBMISSIVE "Yeah, dance Macy." Ginalaw ko lalo ang bewang ko uoang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon. Habang masayang nagsisigawan ang mga lalaki sa loob ng Bar, ako naman ay umiiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko, hindi ganito an...