Chapter 1

4.2K 92 17
                                        

Rain's POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Tahimik na ang kapaligiran dahil mag-aalastres na nang madaling araw at hindi pa rin ako hinahatak na antok.

Ewan ko ba! Hindi ko pa rin makalimutan yung pangako nung lalaking nakausap ko sa VIP room noong isang linggo.

Alam ko naman na hindi na dapat ako umasa na ilalayo niya sa ganitong klase ng pamumuhay dahil kung may balak talaga siya, dapat noong gabi pa na yun sinama niya na ako.

Manloloko talaga ang mga lalaki, syempre maliban nalang sa ama ko.

Ang sarap balik-balikan ng pagkabata. Yung wala kang iniisip na iba kundi kung paano ka makakatakas papunta sa plaza para makipaglaro ng chinese garter, yung wala kang ibang obligasyon kundi ang matulog sa hapon, at yung ang problema mo lang ay kung saan ka magtatago kapag naglalaro kayo ng tagu-taguan.

Naalala ko pa noon, sinasama pa ako ni papa sa sabungan tapos uuwi kaming gabi kaya nagagalit si mama. Puro pingot ang inaabot ni papa kay mama ngunit konting lambing lang ni papa okay na sila ulit. Marupok kasi si mama.

----------

Ngunit, hindi ko na namalayan ang mga nangyari pagkalipas ng ilang buwan. Nalulong si mama sa sugal kaya unti-unti siyang nagbago. Parati na siyang galit at irritable lalo na kapag natatalo. Hindi niya na kami naaasikaso ni papa dahil palagi na siyang wala sa bahay.

Nagumpisa nang magbago ang buhay ko nang isang araw, pagkagaling ko sa paaralan at excited na ipapakita sana kay papa ang perfect kong score sa exam nang ako ang mas nasurpresa sa nadatnan ko. Ang daming pulis sa labas ng bahay namin.

Nabaril daw ang papa ko dahil napagkamalang gumagamit ng droga. Nahuli daw siya ng amo niya sa pinagtatrabahuhan niyang hotel na aktwal na gumagamit ng droga sa oras ng trabaho. Pero kilala ko ang papa ko. Hindi niya kayang gawin yun. Sa katunayan nga ay wala nga siyang bisyo eh. Sadyang adik lang siyang manood ng sabong sa plaza.

Hindi ko na din nakita si mama matapos mangyari ang bangungot na iyon. Makalipas ang ilang taon ay nabalitaan ko nalang na pumanaw na daw si mama dahil sa isang malubhang sakit at doon ko na din nakilala si Sugar na siyang dahilan kung bakit naging isang malaking impyerno ang buhay ko.

Naging malungkot at mahirap ang naging buhay ko habang lumalaki. Naiinggit ako sa iba dahil may kumpleto silang pamilya. Naiinggit ako dahil masaya sila sa mga buhay nila at malaya nilang nagagawa ang mga gusto nila. Hindi katulad ko na tila nakakulong sa isang maliit na selda.

"Rain, Rain. Gising." Pang-gigising ni Erin. Isa siya sa naging kaibigan ko. She's just 21 at sinubok na kaagad ng mapaglarong kapalaran katulad ko.

"Erin puyat ako kagabi. Hayaan mo muna ako makatulog please." Inaantok na sabi ko.

"Pero may kailangan kang malaman. Bangon na diyan."

"Ano ba yun? Ang aga aga eh. Ano na naman ang chismis mo? Di ba yan pwede mamaya?"

"Tungkol sayo ito gaga."

Bigla nalang bumukas ang mata ko. Tungkol sakin? Ano na naman ba meron sakin?

"Ano yun?"

"Narinig ko si Sugar na may kausap na matandang lalaki. Yung muntik ng mang gahasa sayo sa VIP. Yung manyakis na mabaho ang hininga."

My Sweet Submissive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon