Chapter 6

2K 53 1
                                    

Rain's POV

Pangalan na lamang ni Noah ang nasabi ko bago mamatay ang tawag.

'Napasabunot ako sa buhok ko, ito na yun malaya na ako konting hakbang nalang eh.'

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Kailangan ako ni Manang."

Hindi ako nagdalawang isip na bumalik sa bahay ni Noah upang iligtas ang matanda.

Dumiretso ako sa hideout nila, madilim ang buong lalakaran ngunit hindi ako nakaramdam ng takot, mas natatakot ako sa magiging reaksyon ni Noah kapag nagkita kami.

Si Manang kaagad ang nakita ko kaya't nilapitan ko ito, nakatali ang dalawa niyang kamay, wala akong pakialam sa tao na naroroon sa halip pilit kong tinatanggal ang tali sa kanyang kamay.

"Bakit ka pa bumalik iha?" Nanghihina niyang tanong sakin.

"Hindi po kakayanin ng konsensya ko na magdusa ka dahil sakin Manang, patawad po nadamay ka pa sakin."

"Alam mo ang tungkol kay Noah?"

Napatango naman ako sa kanya."Kitang kita po ng dalawa kong mata kung paano patayin ni Noah ang kawawang lalaki, dito mismo sa kinatatayuan natin."

"What a dramtic scene!" Napatingin kami kay Noah na nasa likuran ko na pala.

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Noah, Noah please. Paalisin mo na si Manang. Nandito na naman ako eh."

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Im not crazy to do that."

"Wag natin siya idamay dito. Kung gusto mo ako nalang ang parusahan mo, masyado na siyang matanda para saktan mo."

"Okay then! Turn around." Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya, dahan dahan akong tumalikod. "You want this huh? Remove your clothes." Sinunod ko naman ang sinabi niya, kasalukuyan akong naka-bra at nakapantalon na lamang.

Tinaas niya ang longsleeves niya at binigyan siya ng latigo ng isa sa mga tauhan niya. "You are pushing me to my limit women!" Kasabay ng paghampas niya sa likuran ko.

"Ahhh... Ahh.." Umiiyak na sigaw ko, tinanggap ko ang lahat ng sakit sa bawat paghampas niya, nakasampung beses siya sa paglatigo sa likuran ko. Nanghina ako at biglang napaluhod. "Noah! Im sorry."

"Keep your pretty mouth shut!" Lumapit siya sakin at yumakap sa likuran ko. "You know what, dinamay mo na siya. Francine ano ang ginagawa sa mga traydor?"

Nilabas ni Francine ang baril niya at tinutok kay Manang.

"Wag Francine, please wag."

Nagmamakaawa akong tumingin kay Noah. "Noah wag si Manang, ako nalang wala siyang kasalanan dito. Please! please!"

"Its a little bit too late for that. Sana sa una palang hindi kana kasi nangialam." Tumango siya kay Francine, kasabay ng pagputok ng baril.

"Manang!" Tinulak ko si Noah at nilapitan ang matanda. "No! no! Wake up po, please huminga ka lang, please." Pinikit ng matanda ang mata niya kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.

"No! Wake up. Noooo!" Umiiyak na sabi ko, tumutulo na rin ang sipon ko ngunit wala akong pakialam. "Mamamatay tao ka!" Akmang susugudin ko si Noah nang magsalita ito.

"Bring her to the cage." Maotoridad na sabi niya.

Hinawakan naman ako ng tauhan niya. "Bitawan niyo ako, wag niyo kong hawakan. Mamamatay tao kayong lahat. Bitawan niyo ako."

My Sweet Submissive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon