Rain's POV
Gumiling ako sa harapan ng matandang lalaki.
"Like that, like that baby." Nahihirapang sabi niya at halatang gustong gusto na akong maikama.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya, kinuha ko ang dalawa niyang kamay at tinali ito sa likuran.
"Wow! This is so exciting."
"Ssshhh, wag ka masyadong maingay baka marinig tayo ng mga tauhan mo." Nang-aakit na sabi ko.
Gusto kong mandiri, ngunit sadyang nasanay nalang ako, maya't maya naman ay bubulagta na itong matanda sa sahig.
Hahalikan niya sana ang aking braso, nang iniwas ko ito. "No! Not yet, maglalaro muna tayo." Nilagyan ko siya ng piring sa mata. "Just relax."
"Bilisan mo na, gusto gusto na kitang matikman." Nagmamakaawang sabi ng matanda.
"Ito na, konting sakit lang to." Bulong ko.
*Gun Shot.* Kasabay ng pagtulo ng dugo niya.
Silent gun ang baril na ginamit namin, tumama sa ulo ng matandang lalaki ang bala ng baril kaya't nakakasiguro kaming patay kaagad ito.
Inayos ko ang aking sarili, tinanggal ko ang wig ko at kolorete sa mukha, tumingin muna ako sa paligid, sinigurado kong walang bakas na matatagpuan ang mga pulis o ang detective na magiging ebidensiya laban sa grupo namin.
Sinuot ko ang airpod. "Carlo paano ako makakaalis sa lugar na ito?"
"Wait, ill check."
"What? Carlo naman sana kanina ka pa nagcheck. Dont tell me padadaanin mo na naman ako sa bintana. The last time na dumaan ako sa bintana muntikan na akong mamatay dahil sa palpak mong plano."
"Shit! Theres no choice, sa bintana ka talaga dadaan. May limang tauhan na nakabantay sa labas ng pintuan, wala naman akong madetect na ibang daan kapag hotel right?"
"Shit! Ayoko dumaan sa bintana." Naiinis na sabi ko.
"Bahala ka! Mahuhuli ka nila."
"Tsk! Ako nang bahala." Tinanggal ko ang airpod at nilagay sa bag.
"Isip, isip Elizabeth." Mahinang bulong ko sa sarili.
*Door bell*
"Gotcha." Napangiti ako nang maisip ang gagawin kong pagtakas.
Inayos ko nang higa ang matanda, tinakpan ko ito ng kumot at pumasok sa cr.
"Sir Vustavio, here's your food." Sabi ng binatang lalaki na may dalang cart na punong puno ng pagkain. "Mr. Vustavio."
Akmang lalapitan niya si Vustavio nang...
"Excuse me!"
Nagulat naman ang binata at humingi ng paumanhin. "Sorry po madam, nagorder po ng food si Mr. Vustavio."
"Okay! Pakilagay nalang sa kabilang lamesa please. Sorry nagshashower pa kasi ako." Sigaw ko. Nilaksan ko ang bukas ng tubig upang mas kapani-paniwala.
"Madam, nalagay ko na po, aalis na po ako."
"Wait! Uhmm... can you get my towel, sa may sofa please." Utos ko sa binata.
"O--okay po." Nauutal na sabi niya, inabot ng binata ang tuwalya, sinadya kong hawakan ang kanyang kamay.
"May tip akong iniwan sa kabilang lamesa, pakuha nalang please."

BINABASA MO ANG
My Sweet Submissive
Ficción GeneralMY SWEET SUBMISSIVE "Yeah, dance Macy." Ginalaw ko lalo ang bewang ko uoang sabayan ang musikang tumutugtog ngayon. Habang masayang nagsisigawan ang mga lalaki sa loob ng Bar, ako naman ay umiiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko, hindi ganito an...