(Ayesha POV)
Isang linggo si Daddy sa hospital. Sa isang linggo namin doon ni Mommy, palagi siyang nakakatanggap ng calls mula sa isang di kilalang tao at ilang ulit din nagpabalik-balik ang mga tauhan nito sa hospital.
Humigpit ang seguridad sa mansiyon at nadagdagan ang guwardiya ni Ayesha.
Pauwi na sila sa mansiyon na yun at hindi pa nila gaanong nakakausap ang Daddy nito. Pagtataka, takot at galit ang nararamdaman ni Ayesha simula ng pangyayaring iyon. Tila ba nakaukit na sa kanyang isipan na delekado ang pagiging Attorney.
"Ayesha, go to your room now and take a rest, okay? You have school tomorrow." Saad ng kanyang Mommy matapos silang makapasok sa bahay at saka naman umupo ang kanyang Daddy sa sala.
"Okay Mom. Dad, take your medicines and you should also sleep na." Tinanguan ito ng Daddy niya saka nito hinalikan ang kanyang magulang bago pumanhik sa taas upang magawa niya ang kanyang mga assignments at para makatulog narin.
Kinabukasan, naglalakad siya sa school hallway ng mapansing umiiyak si Alexa sa isang bench malapit sa classroom nila.
"Lex, why are you crying?" Tanong nito sa kanyang kaibigan na sinamahan ito sa pag-upo.
"Dad is missing. Hindi siya umuuwi sa bahay ng tatlong araw until now." Isangmalungkot na sabi niyo na hindi na din makahinga sa kakaiyak.
"Shhhh. Baka busy lang sa work si Tito Alex. Tska baka hindi mo nakikita kapag umuuwi siya kasi baka tulog ka na or wala ka sa house niyo." Nagpakita ng sinseridad sa pagsasalita si Ayesha para kahit papaano mabawasan ang kanyang pangungulila sa Daddy nito.
"No. Kapag umuuwi ako sa bahay nasa may garden ako hanggang 11 pm. Saka na lang ako papanhik sa loob tuwing magdi-dinner na kami. Hinihintay ko siya, Ye. Tuwing nasa kwarto ako, doon ako sa may pintuan naghihintay para pagpapanhik siya sa taas maririnig ko footsteps niya or yung door ng kwarto nila. Pero, no, it's been 3 days since I lasy saw my Dad." Iyak parin nito.
"Tinanong mo na ba si Tita Fel? Come on Lex, you're so gross already. Look at your beautiful face! It's ruined already! Stop crying na please." Pag-aalalang tono at sabi ni Ayesha saka ito hinagkan. Umiiyak narin ito dahil naaawa siya sa kaibigan, tila hindi ito tatahan sa pag-iyak.
"I overheard Mom last night talking on the phone. I think si Daddy yung kausap niya. Mom said on the phone na kailangan ng umuwi ni Dad because of me and Kuya Neil na hindi makakain masyado at si kuya na palaging wala sa bahay. Sinabi rin niya doon na itigil na niya yung ginagawa niya kasi marami ang masasaktan. Ye, I really don't know what's happening. I want Dad to go home." Alexa.
"I don't know what to say Lex. But be strong okay? Love na love kayo ng Daddy mo. Baka bukas or mamaya makauwi na yun. Smile na. Sige ka, papangit ka niyan." Ngiti ang isinalubong ni Ayesha kay Alexa kahit na pugto na din ang mata nito. Napawi din ang lungkot ni Alexa dahil sa ginagawa ni Ayesha.
"Come on, we're 15 minutes late already. What to do? Skip or..." Hindi pa naitutuloy ni Ayesha ang sasabihin ng magsalita agad si Alexa. "Skip! Let's go malling and have some fun nalang!" Sabi ni Alexa na parang walang nangyari kanina.
"Then come on! Sayo ngayon ha?" Mapanlokong tanong ni Ayesha.
"Sure. Pero next ikaw naman ha? Wait. Text kaya natin si Jake?" Alexa. Naglalakad na sila papunta sa back gate ng skwelahang yon. Dahil ayaw ni Ayesha na makita nito ang mga bantay niya na nasa parking lot sa harap. Pati rin ang driver ni Alexa. Gusto nila na ma-enjoy ang araw na ito dahil ngayon lang naman sila lalabag. Hindi sila makakapag-enjoy kung may bantay sila at for sure hindi papayagan ang mga ito lalo na si Ayesha. Tsaka wala ng ganoong ginagawa sa skwelahan dahil nalalapit na ang graduation. Nagpe-prepare na nga rin ang faculty and school kasi 3 weeks na lang before graduation.

BINABASA MO ANG
Lost in the middle of nowhere (LITMON)
RandomWhat will I do? I don't even know who I am. Kailangan ko pa bang malaman kung sino ako? O, magi-stay na lang ako sa kung ano ang buhay ko ngayon at kung sino ako? Ngunit gabi-gabi binabalikan ako nang nakaraan. Hindi ko maintindihan, gulong gulo ako...