Chapter 10

0 0 0
                                    

(Ayesha POV)

"Sino po yan? Manong guard? Manong, may tao po rito. Patulong naman po oh!" Sigaw ko nung may marinig akong kalaskas. Parang may papalapit kasi rito sa kinaroroonan ko. Kinakapa-kapa ko pa yung wooden bench dito sa side ng door ng classroom namin para sana umupo muna pero nasagi ko yung paso ng bougainvillea at nabasag.

May humablot ng kamay ko pagkaraan ng ilang segundo. Hindi ko alam kung sino pero bigla akong kinabahan.

"Manong guard kayo ho ba yan? Sandali... Nasasaktan po ko sa pagkakahawak niyo sa kamay ko.. Araayy..." Daing ko dahil napakahigpit ng pagkakahawak sakin.

"Huwag kang maingay. Manahimik ka na lang." Isang baritonong boses ang narinig ko. Napakalamig at katakot-takot. Pagbabanta ang tuno ng kanyang boses kung kayat mas na nakaramdam ako ng takot at kaba saking katawan.

"Sino po ba kayo? Guard! Tulong! Tulong po! Bitawan niyo ko..." Pagpupumiglas at paghiyaw ko.

Minabuti kung pinakalma ang sarili ko habang pinipilit akong hablutin. Nagpupumiglas ako habang humihiyaw. Nabitawan ako ang paper bag na aking hawak at bigla akong nakaramdam ng mainit na likido sa aking kamay pababa sa aking daliri, pagkadaan ng ilang segundo nakaramdam ako ng sakit at hapdi sa aking pulsuhan. Wala ang aking relo. Nahugot siguro dahil sa pagpupumiglas ko.

"Sandali... Yung relo ko. Manong please, kailangan ko yun! Ano ba bitawan niyo ko! Saan niyo ba ako dadalhin!" Sigae ko parin habang naglalakad kami, kinaladkad na nga niya ako e. Alam kung sa mga oras na iyon, sobrang gulo ng hallway dahil sa lahat ng madadaanan namin, tadyak ang abot ng mga pasong may halaman sa taong ito.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Tanging dasal at pagmamakaawa ang nagawa ko habang impit na umiiyak.

Ng makarating kami sa, san ba to? Sandali, sa likod to ng school. Binitawan ako ng lalaki at bigla namang nagkaliwanag. Isang lalaking malaki ang pangngataean at tanging black na panyo ang nasa bibig nito ang nakikita ko. May hawak na baril at may kausap sa telepono.

"Ano po ba ang kailangan niyo sakin? Please pakawalan niyo na ako dahil nag-aalala na sakin si Daddy." Panay ang iyak nito. Hagulgol. Nakaupo siya sa sahig at tinignan ang kamay nitong duguan.

Bigla niyang naisip si Jaz. Oo nga pala't magkikita sana sila ngayon. Ano ba ang sasabihin niyon sakin?

"Okay boss. Nandito na po sila. Sige po." Sabi ng lalaki sa telepono. Isang van ang bumusina at nagsilabasan ang mga lalaking katulad rin ng isa rito na kumuha sa kanya.

"Sabi ni big boss diretso daw tayo sa Probinsiya. Susunod daw sila. Kumusta yang batang yan? Wala bang nakakita sa inyo kanina?" Sabi ng isang lalaki na sa pagkakaalam ko'y lider-lideran rin ng mga ito.

"Wala boss. Malinis ang pagkakakuhawa ko sa kanya." Sabi naman ng kumuha kay Ayesha.

"Osige. Tara na. Kunig niyo na ang bata at lagyan niyo ng tela sa bunganga." Sabi ng kanilang lider saka pumasok sa van.

"Huwag po! Huwag po! Ibalik niyo ko kay Daddy! Ano bang kailangan niyo? Maawa po kayo sakin." Iyak nito.

"Kailangan namin sayo? Ikaw lang naman ang anak ng tarantadong lawyer na yun! Alam mo ba kung anong pinaggagawa ng lintik na tatay mo sa boss namin? Ha?! Nagkamali siya ng binangga bata!" Sigaw naman ng kanilang lider na ngayong nasa harap na ni Ayesha.

"Ginagawa lang ni Daddy ang nararapat. Kilala ko ang Daddy ko at hindi siya tatanggap ng kaso na masama rin lang naman ang kalalabasan neto!" Sigaw rin pabalik ni Ayesha. Tumayo ito sa pagkaka-upo.

"Nararapat? Nang dahil sa nagmamagaling mong tatay, unti-unting nawawala ang pinakaiingatan ng aming big boss. Kaya tumahimik ka na at sumama ka na lang samin!" Sigaw ng lalaki at hinampas ito sa kanyang mukha. Masakit at dumugo ang ibabang bahagi ng labi ni Ayesha at medyo natumba ito. Napangiwi at napahawak na lamang sa labi at tuloy tuloy ang pag-iyak.

"Walanghiya kayo! Ililigtas ako ni Daddy! Ang sasama niyo! Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa kin!" Naglalakasan na lamang si Ayesha. Dahil sa panahong iyon, lakas ang dapat na manalantay sa katawan niya dahil kung ipapakitang takot ito, mas lalao nilang sasaktan.

Hinawakan nito ang kwintas sa kanyang leeg at mas lalo itong napaiyak dahil naalala niya ang kanyang pamilya.

"Sabing tumahimik ka na lang e!" Sabi ng isang lalaki saka ito sinikmuraan ng ilang ulit hanggang sa mawalan ng malay si Ayesha.

Nilagyan nila ng takip sa bibig nito saka itinali ang magkabilang kamay nito.

Lost in the middle of nowhere (LITMON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon