Chapter 7

1 0 0
                                    

(Ayesha POV)

"Dad, come on! Male-late tayo nyan sa mass e." Sabi ni Ate Hannilyn habang papasok na sa grandiya.

"Yes yes!" Sigaw naman ng Daddy.

Mamaya narin ang uwi nila Nanay Nida galing hospital. Hindi na namin masusundo kasi pupunta kaming church. Tsaka, yung kotse ko naman hawak ni Tatay Gary so malamang dun na sila sasakay pauwi.

Papalabas kami ng sasakyan ng makita ko si Jaz Neil at Alexa na naglalakad papuntang simbahan, sa likod nila ay ang kanilang magulang.

*Hi Le!" Bati ni Ayesha kay Alexa.

"Hello Ye! Simba rin kayo with your fam?" Pabalik na tanong ni Alexa.

"Ah yes. Kauuwi rin ni Ate. Kayo ba? Dalawa lang kayo ni Jaz? Hi, Jaz, di ka nasalita ngayon?" Lingon ni Ayesha kay Jaz na nasa tabi ni Alexa.

"Wala sa mood. Inaantok pa ata. Btw, kasama namin si Mommy and Daddy. Oh, ayan na pala sila e! Ayan narin sila Mommy mo Ye." Pagno-notaryo ni Alexa sa kaibigan. "Sige una na kami Ye. See you around." Saka sila umalis at sakto ding dating nila Mommy.

Parang ang weird. Kasi kadalasan, sobrang saya ng Mommy ni Alexa at babati ito tuwing nakikita ako. Pero ngayon? Walang imik, ni hindi nga ito tumingin sa gawi ko. Pati ang Daddy ni Alexa.

Pinabayaan ko na lang, baka di lang nila ito napansin.

Dito kami sa may gitna, nandito kasi yung table para sa offer mamaya. Sila Alexa nasa harap namin, dalawang row before kami.

Ang ganda ng sermon ni Father. Sabi nito, "Huwag ipahamak ang kapwa, mas lalong huwag gumawa ng masama. Bagkus, mahalin natin sila at ituring na pamilya. Nakagawa man ito ng mali sa atin, sana'y hindi ito ang batayan o rason para bumaba ang ating pagkatao. Alalahanin natin, na ang Diyos ay isang mapagmahal na ama, na kailan ma'y walang hinagad na iba kundi ang kaligtasan at ikapapayapa ng madla. Ngayon, kung may balak kayong gawing hindi maganda sa iba, itigil muna at huwag ituloy. Hindi mo pa nagagawa pero pinatawad Ka na Niya. At tayo, na nabuhay sa sala, tayo'y manalangin at hilingin at kapatawaran sa ating mahal na Ama."

Sobrang ganda. Ikapupulotan ng aral sa buhay. Nilingon ko ang aking Daddy na mataimtim na nakapikit, ang aking Mommy na pokus ang pakikinig, si Ate na nakayuko at si Kuya na nakatingin sa harap. Ang aking pamilya, mahal na mahal ko sila.

Lost in the middle of nowhere (LITMON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon