Chapter 4

0 0 0
                                    

(Ayesha POV)

Mabilis ang nagdaang araw. Tapos na ang finals namin. Ngayon nandito kami sa main Auditorium para sa general practice namin ng graduation ceremony. Saturday ngayon at sa Monday na yung graduation.

Katabi ko si Alexa. Sa nagdaang araw, hindi kami masyadong nagpapansinan. Hindi naman siguro about sa honor roll, kasi ako yung Valedictorian at siya naman ang Salutatorian. Expected na naming dalawa to at saka nagbibiruan pa kami nun na manlilibre kung sino magiging Valedictorian. Hindi kasi big deal samin dalawa kung siya or ako yung maging 1st. Pero hindi ko alam kung ba't kami ganto.

Nakikinig ako sa speech kuno ng Principal namin ng biglang magsalita si Alexa at hinawakan pa ang left hand ko.

"Ah... Hmm... Ye? O-okay ka lang ba? Di ka nasalita diyan?" May pag-aalala sa boses at parang may mali.

"Okay lang ako Le. Sana matapos na 'to. Gusto ko ng umuwi. Magbe-beauty rest pa tayo" May kung ano sa boses nito. Nag-aalanganing magbiro at medyo napatawa kasi sobrang awkward ng atmosphere sa kanilang dalawa.

"May gusto ka bang sabihin Le? Lately kasi ang tahimik mo. Ikaw okay ka lang ba?" Ani ni Ayesha sa kaibigan.

"O-oo, oo naman! 2 days na lang ga-graduate na tayo at hello high school student na tayo! Mas makakalakwatsa tayo!" Nagtawanan silang dalawa at nag-apiran pa. Nang biglang sumingit si Jake sa tabi ni Alexa. "Hoy. Nasa tabi niyo ako. Ano na namang kalokohan yang binabalak niyo? As if naman makakatakas kayo sa mga guwardiya niyo na kulang na lang isang buong barangay ang nangangailangan sa dami ng alipores niyo" Singhal ni Jake sa dalawang babae. Napatingin namang dalawa sa may gilid ng upuan nila ang mga guwardiya nila na tahimik na nakatingin sa kanila. Napasapo na lang sa ulo ang dalawang babae at binatukan ang kaibigang lalake. Nasa ganung pwesto sila nang tumikhim si Jaz Neil sa may tabi naman ni Jake.

"Ehem... Gusto niyo atang ipahiya yang mga sarili niyo. Nasa harap tayo, kita niyo nakatingin si Ms. Terror sa inyo. Ang dadaldal kasi, di na nahiya. Mga abnoy!" Bwisit na sabi at napairap pa si Jaz sa kanila at nakipagtitigan ito kay Jake na kulang na lang sasakalin ito at ibabalibag sa tabi.

"Kuya naman. Napaka mo talaga! Hayaan niyo na nga yan. Ikaw ang abnoy! Wala ka lang maka-usap diyan. Kausapin mo si Yesha gusto mo?" Tumingin si Alexa sa kaibigan at saka naman tumingin sa kuya niya na ngayon para nang nakakain ng sobrang daming sili sa red ng mukha nito. Tumayo si Jaz at pumunta sa Adviser nito at may sinabi.

"Hala ka Le! Nag walkout na kambalelong mo! Lagot ka niyan!" Kinakabahang sabi ni Ayesha kay Alexa.

"Hayaan mo yun. Ang torpe torpe! Kapatid ko ba yun? Tanong ko nga minsan kila Mommy." Sabay irap ito at napapa-snap pa sa daliri at tumitingin sa kisame.

Natawa naman si Yesha at Jake. "Pag-uwi mo Alexa. For sure world war 3 aabutin mo sa kuya mo." Sabi naman ni Jake na natatawa.

Napatigil ang mga ito ng magsalita ang kanilang adviser. "Listen. This is very important." Tumigil ang lahat at nakinig sa announcement. "Sections B hanggang C, mauuna kayong kumuha ng toga niyo, kay Mr. Suarez niyo kunin sa building 4. Nandun ang mga adviser niyo, make sure na set ang kunin niyo okay?" Napa-oo naman ang mga ito at saka nagsalita ulit, "Section A. Mga anak sakin niyo naman kunin yung damit niyo. Please be in our room at exactly 3:00 this afternoon. Sorry matatagalan kasi may importante pa akong kunin by 1 pm. Okay lang ba?" Tanong ng guro. Napa oo naman ang mga ito at saka dinismiss ang mga ito kasi magtatanghalian narin at halos lahat gutom na dahil hindi na sila nakapag-break kanina dahil tuloy-tuloy ang praktis.

By 3:00 PM, sabay sila Ayesha, Alexa at Jake pumunta sa classroom nila. Ang iba ay nagsimula ng mag-suot ng kanilang toga para tignan kung sakto sa kanila. Naroon din ang kanilang guro.

"Ayesha? Sorry nak hindi mo pa makukuha yung toga mo today. Yun kasi yung nilakad ko kanina eh sabi ng pinagpagawaan ng damit mo kasi customized yun for Valedictorian, di pa daw tapos. Bukas daw ng 5 PM makukuha." Sabi ng guro saka ito naglakad papunta kay Ayesha.

"Okay lang Ma'am. I will be the one to pick up na lang. Anong address po?" Tanong ni Ayesha sa guro na hindi mapakali at tingin ng tingin sa cellphone nito.

"Ah hindi na nak. Ako na ang kukuha nun kasi may lakad din ako sa kabilang kanto. Para di kana bumiyahe medyo malayo pa naman yun dito sa School. Ganto na lang, itetecs kita. Siguro by 5 PM para kunin mo sakin dito sa classroom. Iche-check ko pa yung venue eh." Walang alintanang sabi nito kay Ayesha.

"Okay ma'am. Mauna na po ako kasi didiretso ako sa hospital. Na-hospital kasi si Nanay Nida." Nag-aalalang sagot nito.

Tumango ang guro at nagpaalam si Yesha sa mga kabigan nito. Dumiretso naman si Yesha sa parking lot kung saan nandun ang driver nito na si Mang Gary. Pero wala siyang nadatnan doon at tanging bodyguard lang nito.

"Manong saan si Tatay? Kailangan kung pumunta sa hospital." Medyo may taas na boses na sabi nito.

"Ma'am mauuna na daw po siya kasi pinatawag daw po nito ang asawa niya. Hintayin po natin yung isang driver papunta na daw dito ma'am." Sabi ng isang bodyguard nito.

"We should go there now! Magta-taxi na lang..." Hindi natuloy ni Ayesha ang sasabihin dahil biglang may pumaradang sasakyan sa harap nila. Alam nito na si Jaz ang may-ari sa mamahaling sasakyan.

"Halika na. Ihahatid kita. Nandoon rin si mommy." Sabi ng binata saka pinagbuksan ng door sa sasakyan.

"Ma'am hindi po kayo pwedeng sumakay sa iba. Mapapagalitan kami sa Daddy mo. Parating narin naman ang sasakyan na pinadala ni Mang Gary." Nag-aalanganing sabi ng isang bodyguard nito.

"Sundan niyo na lang ako sa hospital. Ako na mage-explain kay Daddy." Naaawa siya sa mga bodyguard nito kasi talagang mapapagalitan sila sa Daddy niya kahit pa mag-explain ng mag-explain si Ayesha dito.

Hindi na nila napigilan ang pag-andar ng sasakyan at pagharurot ne to. Sa biyahe walang nag-iimikan. Tanging ang malakas na music lang ang naririnig. Hanggang sa...

"Ang lakas ng music mo. Ang pangit pa. Pwede, paki stop na lang?" Medyo iritado g sabi ni Ayesha at binalingan ang katabing lalake.

"Okay..." Sabi ni Jaz kay Ayesha.

Nagtataka si Ayesha kung bakit ganun. Kasi mostly, hindi papatalo sa bangayan si Jaz Neil kay Ayesha.

Hindi na lang nagsalita si Ayesha at tumingin na lang sa bintana habang patuloy na binabaybay ang daan patungong De Vega Hospital.

Lost in the middle of nowhere (LITMON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon