(Antonio De Vega POV)
Nakarating ako sa office ng 5:57 PM. It's 10-15 minutes away from the school of my baby girl Ayesha. Nakarinig ako ng ingay sa may lobby habang papasok sa building.
Nadatnan ko doon ang secretary ko kasama ng tatlong police. I was about to answer my phone ng may marinig kaming malalakas na tunog ng baril.
"Jenna ano yun! Sino ang tao sa taas, eh close na ang office!" May halong kaba na sigaw nito sa kanyang secretary.
"Attorney, I'm sorry. Linooban tayo kanina. Ico-close na namin sana ang office kasama ko yung guard pero may bigla na lang magpaputok ng baril at nabaril si Jayson. Nadala na siya sa hospital. Pinagbantaan ako ng mga armadong lalaki na papatayin nila ako kung magsusumbong ako hanggat di nila nakukuha ang gusto nila. Hindi ko mabilang kung ilan sila, Attorney. Di ko rin namukhaan dahil naka-mask silang lahat at naka-black. Binalutan ako ng black na panyo sa mata ko at di ko na alam ang nagyari dahil bigla na lang akong ginising si Mang Jeff." Mahabang page-explain naman ng kanyang secretary na hawak-hawak ang laylayan ng kanyang blouse, umiiyak, halatang kinakabahan at natatakot.
"Eh anong ginagawa niyo! Tignan niyo kung sino yun!" Singhal nito saka sila pumanhik sa taas. Naiwan ang sectretary niya sa lobby kasama ng isa pang bodyguard sa building na yun.
"Sir, base sa mga nakikita ko ngayon, tangka tlaga nilang looban ang inyong opisina. May suspect ba kayo kung sino ang maaring gumawa nito?" Sabi ng isang police. Nagsidatingan narin ang iba pang patrol ng police at ang kanilang hepe.
"I'm not sure. Pero kailangan kung tignan ang mga files sa volt ko. Kung maaari lang." Kabado narin ang matanda.
Sobrang kalat sa opisina. Nagsilaglagan ang mga ibang files sa sahig. Yung mga salamin ng tables ng mga workers nito basag lahat. Pati ang sliding door at window.
Pumunta sila sa isang kwarto. Isa itong private room, nandun ang malaking volt saka mga pinaka- importanteng files sa mga cases na hinawakan niya pati na ang mga latest na hawak niyang kaso.
Nagtungo sila sa office na yun. Madadaanan nila ang office at table ng Attorney. Sa likod nito may mga book shelves. At gulat na lang ng Attorney na wasak ang book shelves, punit-punit ang kanyang mga mamahaling libro sa Law. Basag ang mga figurines, tables at transparent window nito.
Tumakbo siya papunta sa private room na yun. Bumagsak ang kanyang dalawang balikat saka ito sumigaw. Bukas na bukas ang volt at sira na ito. Sobrang gulo ito ng pumasok siya.
BINABASA MO ANG
Lost in the middle of nowhere (LITMON)
RandomWhat will I do? I don't even know who I am. Kailangan ko pa bang malaman kung sino ako? O, magi-stay na lang ako sa kung ano ang buhay ko ngayon at kung sino ako? Ngunit gabi-gabi binabalikan ako nang nakaraan. Hindi ko maintindihan, gulong gulo ako...