Chapter 3

1 0 0
                                    

(Jaz Neil Asuncion POV)

Everyday akong nagbi-bisikleta dito. Gustong-gusto ko yung paligid kesa sa kabila which is sa area namin. Dalawang area kasi ang subdibisyon na to. Nahati to sa dalawa pero ilan lang ang nakakaalam na konektado ito sa kabilang subdivision kasi kakahuyan at maraming nakabalandrang putol na kahoy dito, kung kayat hindi talaga mapapansin ang area na yun.

Baka nga ako lang ang nakakaalam nun. Well sabi ko nga araw-araw akong nagjo-jogging dito o minsan nakabisikleta ako. Routine ko na ito sa buhay ko, minsan din pati sa hapon.

I am Jaz Neil Asuncion. Anak ako ni Mr. And Mrs. Asuncion. Malamang di ba? Loko akong anak, basagolero, puro pa-cool, pero matalino naman ako. Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko pero minsan oo, aminado ako dun. Kailangan e, nakakasuka na din kasi. Para akong nasasakal na palaging binabalandra ni Daddy na kesyo mag-aral daw ako ng mabuti kasi ako daw magmamana ng Company namin. Tsaka Business related daw dapat kunin ko pagtuntong ng College. Damn! Magha-high school pa lang ako tsaka ayoko ng Business Management na 'yan! Ang gusto ko sa buhay maging Architect! Pero anong magagawa ko? Hawak ni Daddy ang buhay ko.

Hindi naman siya ganun ka strikto sa amin, siguro sa kapatid ko, I mean kambal ko na si Alexa, dun ko masasabi na mahigpit sila sa kanya. Siguro sa kadahilanang babae ito. Pero mahal kami ni Daddy kaya ganun lang siguro siya kasi kung ano yung ikabubuti namin ang iniisip niya, sila nina Mommy.

I am 12 years old. Katwe twelve ko kahapon. Walang party kasi wala si Daddy. Hindi ko sure kung nasaan siya, siguro nasa office niya? Tsaka si Mommy busy, ilang araw na siya sa hospital dahil may mino-monitor daw siyang pasyente niya na ilang araw lang naoperahan sa ulo. Yung kapatid ko? Ayun, ilang araw na ding nagkukulong sa kwarto niya. Siguro todo review yun kasi malapit na finals namin. Ewan ko ba dun, naglalaban si Alexa at yung malditang babae na yun na si Ayesha pangit sa pagka-valedictorian. Ako sa 5th honor lang. Dahil si Jake yung isa nilang bestfriend na abnoy yung 3rd honor namin. Baka mag-iba sa Graduation? Ah basta. Mga abnoy ang tatlong yun. Oo! Kasama ang kambal ko kasi imbes na ako dapat yung kasama, mas gusto naman niyang kasama yung Yesha at Jake na yun!

Pero bilib ako kasi kahit na sila yung naglalabansa posisyon na yun, hindi parin nabubuwag pagkakaibigan nila. Hindi ako naiinggit! Bakit ako maiinggit eh nandiyan na nga yung baby lamborg ko, kotse yun. Kahit san ako pumunta, kasama ko yun kaya okay na ako dun. Meron naman akong barkada pero di ko minsan kasama mga yun kasi puro sila lakwatsa. Mapapagalitan kasi ako pag ginawa ko yun, baka nga rin kunin ni Daddy si Baby Lamborg ko pag nagkataon, so hinay-hinay muna ako.

Heto na nga, si Yesha pangit ba yun?

Binagalan niya ang pag pedal nito sa bisikleta saka ito tinitigan si Yesha. "Oo. Si pangit yun! Nagjo-jogging e ampangit naman ng katawan niya" Pandidiri ni Jaz sa babaeng nakikita nito sa di kalayuan.

Nakita ni n Jaz kung paano to tumawa kasamang dalawang matanda at kung paano nito itrato ang dalawa.

Sumikip ang dibdib ni Jaz na parang may nag-uudyok sa kanyang lumapit ito sa kanya. Pinagmasdan niya ito sandali hanggang sa makaalis ang dalawa at tanging yung dalawang bodyguard na lamang niya ang kasama nito.

"I-approach ko siya? Magha-hi? Ano ba Jaz!" Nagpatuloy sa pagba bike si Jaz pero bigla itong napatigil at sa mga bodyguard ni Yesha ito nagtungo bigla.

"Manong macho. Bakit sobrang saya ata ng alaga niyo?" Tanong ni Jaz sa dalawang bodyguard ni Yesha. Nakatalikod ito sa kanya kaya siguro hindi niya ito makikita.

"Sir ganyan po si Ma'am tuwing umaga. Masayahin na bata yan at sobrang positibo ang pananaw sa buhay kaya siguro ganun na lang ang mukha ni Ma'am Yesha, maaliwalas at maamo." Sagot naman ng isang guwardiya na tinanguan at nginitian naman ng isa.

"Palagi ko yan nakikita dito. Well, every weekdays nakikita ko rin siya kasi classmate ko yan. Para namang hindi ayon ang sinabi niyo sa hitsura niya sakin tuwing nakikita ko siya." Lito at takang sabi ni Jaz sa dalawang matanda.

Sasagot na sana ang dalawang bodyguard ne to pero bigla na lang napatingin si Jaz sa left side nito at sa gawi ni Yesha. Nakita nitong tinitignan ni Yesha at minumukhaan siya nito. Kaya nagbawi siya ng tingin at akmang saskat ito sa bisikleta at paandarin ng magsalita si Yesha.

"Hoy Jaz! Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito? At anong sinasabi mo sa bodyguards ko!?" Sobrang galit at inis na sabi ni Yesha kay Jaz.

"Ayun! Confirmed! Hindi naman totoo yung sinabi niyo about sa amo niyo mga kuyang macho e. Sabi ko na nga ba." Natatawa at parang iniinis na patinig nito kay Ayesha.

"Anong pinagsasasabi mo? Hoy! Kuya Marco anong sinabi niyan sa inyo?" Isang maawtoridad na tanong ni Yesha sa kanyang bodyguard.

Pero imbis na ang dalawang bodyguard nito ang sasagot, bigla namang sumabat si Jaz Neil na mas lalaong ikinagalit ni Yesha. "Well, sabi nila mabait ka raw at masayahin. Pero alam ko na, nasabi lang nina kuyang macho yun kasi baka magalit ka at sisentahin mo sila kung negative ang sagot nila. Siguro napilitan lang sila at nagsinungaling na lang para di sila mawalan ng trabaho dahil sa totoo mong ugali. Napakamaldita mo! Para ka namang maganda niyan, eh kita mo nga pajogging jogging ka e ang pangit pangit mo naman. Haynako Yesha!" Mapanlokong asar nito kay Yesha. Gusto lamang niyang asarin at badtripin si Yesha. Para kasing nae-enjoy niya ang pang-aasar nito, sa araw-araw na nagkikita sila sa school. Siguro mga sampong beses o mas marami pa ang ilang pang-aasar ko sakanya. Mas gumaganda kasi siya tuwing naiinis ito at nacu-cute'an ito tuwing parang uusok na ang ilong sa galit at parang 90 years old na sa lukot ng noo nito.

Alamniyang susugurin siya nito pero huwag siya kasi pinaandar na niya ang kanyang bisikleta at saka namang dating ng kanyang sundo.

Napatawa siya ng konti at kala mo'y abo't langit ang ngiti nito.

Masaya ito at parang iba ang pakiramdam pag si Yesha na ang sasagi sa araw nito.

I think...

Lost in the middle of nowhere (LITMON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon