(Ayesha POV)
Tanging busina ng mga sasakyan at ungor ng mga sasakyan ang naririnig ko. Amoy ko din ang usok ng sigarilyo dito sa loob ng van na ito.
Sumisikip ang dibdib ko. May asthma ako at mas lumalala ito pag nakakaamoy ako ng usok ng sigarilyo.
"Ummm. Uhmmm. Uhmmm. Ummrghh." Saad ko. Hindi ako makapagsalita dahil nakatakip ang bibig ko. Wala rin akong makita dahil tinakpan rin nila ang mata ko nung nagpumilit akong tumakas sa kanila.
"Ano ba?! Hindi ka ba tatahimik ha?!" Sabi ng katabi ko at saka ako sinampal ng pagkalakas-lakas.
"Uhhhmmm. Urrrggghhhm!" Hindi ko na kaya! Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Para rin akong mamamatay dahil sa tindi ng pagkakabuhol ng panyo sa bibig at mata ko.
"Tanggalin mo nga muna yang takip sa bibig niya. Baka nauuhaw yan. Heto tubig. Pag yan namatay dito, tayo pa kakarga at malilintikan. Lalo pa't sinabi ni boss na huwag yan papatayin." Sabi naman ng isang lalaki na tansiya ko'y nasa may likod nila ito ng sasakyan.
"Hi.. Hindi. A.. Ako.. Makahi.. Nga. Kailang..an ko ng in..ha..ler." Sabi ko. Hindi ko na kaya. Ang bigat ng paghinga ko at parang may nakabalandra sa ilong ko sanhi ng pakonti-konti kung paghinga.
"Hoy bata! Huwag mo kaming maloko-loko ha!" Sabi naman ng nasa tabi ko at akmang tatakpan na naman ang bibig ko. Amoy na amoy ko parin ang usok. Lalo na ng ilapit ng lalaki ang kanyang kamay sa ilong ko.
"Pl...eaa..pleaaase laaa.nggg poo ma..nong.. Hin..di po ako ahh. Ahh nagsisi..nunga..ling..." Sabi ko parin. Hawak ko ang aking dibdib. Hindi ko masyadok mahigpitan ang hawak dahil nakagapos ang dalawa kong kamay.
"Hoy! Bilisan mo at tignan mo kung mayroong store diyan! Drugstore o ano!" Sabi ng katabi ko.
Binuksan nila ang mga bintana. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng mahagip ng katawan ko ang malamig na simoy ng hangin.
"Tanggalin mo nga muna yang takip sa mata niya." Sabi ng isang lalaki na hindi kalayuan sakin.
Tinanggal naman nila ang pagkakatakip sa mata ko. Iginaya ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko ang dalawang lalaki na nasa harap, dalawang lalaki sa tabi ko at isa naman sa likod. Nakatakip ang half ng kanilang mukha kaya hindi ko sila mamukhaan.
Hindi parin ako makahinga. Mukhang nasa may City kami dahil kitang kita ko sa labas ang naglalakihang buildings at sobrang liwanag. Sakto naman ng magsasalita na sana ulit ako ng mag-stop ang sasakyan sa harap ng drugstore.
Lumabas ang lalaki na nasa harap. Naghintay kami ng ilang minuto. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang aking Pamilya.
Siguro'y alam na nila na nawawala ito at nag-aalala na sila sa kanya.

BINABASA MO ANG
Lost in the middle of nowhere (LITMON)
RandomWhat will I do? I don't even know who I am. Kailangan ko pa bang malaman kung sino ako? O, magi-stay na lang ako sa kung ano ang buhay ko ngayon at kung sino ako? Ngunit gabi-gabi binabalikan ako nang nakaraan. Hindi ko maintindihan, gulong gulo ako...