Chapter 8

0 0 0
                                    

(Jaz Neil POV)

Excited na kinakabahan, na masaya na natatakot. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Corny ba?

Pinaghandaan ko ang araw na ito. Ngayon ko kasi aaminin kay Ayesha na bakla ako. Joke lang! Sa gwapo kung to babakla ako? Uy asa.

Aaminin ko sa kanya yung nararamdaman ko. Simula kasi nung nagkasama kami sa hospital hindi na ako matahimik. Parang nakikita ko yung iba't-ibang side ni Ayesha. Na sobrang masayahin, mapag-alala at mapag-mahal.

Sa araw noon na yun, hindi na ako makatulog. Feeling ko nagayuma ako sa itsura at personalidad niya.

Sobrang unique niyang tao. Na kahit loka-loka siya, iba ang itinatago niyang personalidad. Bihira mo lang makita yun sa kanya. At yun ang nagustuhan ko sa kanya. Na hindi pala siya ganun lang, may ibu-buga pa pala siyang mag grabe at nakaka-inlove.

Tamo. In-love kako. In-love na nga tlga siguro ako. Oo maganda siya, pero extra factor na sakin yun. Kasi ang mas naka-inlove'an ko sakanya ay yung siya, siya na totoo sa sarili at siya na hindi nagpapanggap. Yun yun!

Kaya ngayon, papunta ako sa park malapit sa subdivision naming dalawa. May dala rin akong bouquet of white and pink roses. Ginamit ko si baby lamborg ko para mabilisan. Excited na kasi ako masyado, tsaka yayain ko siya mag-dinner mamaya.

Nandito na ako, hawak-hawak yung flowers. Hindi ko magawang umupo kasi mas lalo akong kinakabahan. Tinignan ko ang relo ko at 3 minutes bago mag 6 na ng gabi.

Maghihintay pa ako dahil baka traffic na ngayon tsaka 15 minutes naman ang biyahe nito pabalik, kasi sa school siya pumunta. Sabi naman nito sa sarili.

Pinakalma niya ang kanyang sarili at hindi niya namamalayan alas siete na. Sinubukan niyang tawagan ito pero walang sumasagot. Nakaka sampung tawag at tinadtad narin niya ng tecs.

Bigla itong kinabahan. Baka may nangyari ng masama sa kanya sabi nito sa sarili. Hindi na ito mapakali at palakad-lakad na siya.

"7:15, okay. Pag wala pa siya dito sa oras na yan pupunta na akong school." Sabi nito sa sarili. Sobra ang kaba at nanginginig na nga rin siya sa takot.

"Alexa. Please call Ayesha. Hindi pa kami nagkikita. Baka may nangyaring masama sakanya." Tecs ni Jaz sa kanyang kapatid na si Alexa.

"Okay. Gonna call you back na lang kuya. Tsaka kumalma ka. Tensed ka masyado. Baka na-traffic lang yun." Tanggap nito galing kay Alexa.

"No. 5:30 ang usapan namin. Eh Alexa, 7:00 PM na!" Reply ulit ni Jaz.

"Oh hello. Natawagan mo ba?" Pagsagot nito agad sa tawag mula kay Alexa.

"Si Tita ang naka-usap ko. Naiwan daw ni Ayesha yung cp niya sa kwarto niya. Kasama daw naman niya ang Daddy niya. Kaya kumalma ka brother." Sabi nito.

Hindi na siya nagsalita at ibinaba na ang tawag. Kahit na ganun ang narinig mula sa kapatid, hindi parin siya mapanatag.

Naging doble ang kaba at takot nito. Kaya minabuti na lang niyang pumunta sa school nila.

Lost in the middle of nowhere (LITMON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon