Chapter 11

0 0 0
                                    

(Antonio Luis De Vega POV)

Umuwi ako sa bahay na wala sa direksiyon ang pag-iisip. Lupaypay ang balikat, garalgal ang boses at magang-maga ang mga mata.

"Hon, what happened? Bakit ka nagpatawag ng napakaraming body guards? What's happening? Where's Ayesha?" Sunod-sunod na tanong ng babae matapos makapasok sa mansiyon nila.

"Dad, I thought susunduin mo si Ayesha? Where is she? Come on let's eat muna. Nakapaghanda na sila Nanay Nida." Walang kamalay-malay na sabi ni Hannilyn.

Wala akong masabi. Wala ni isang salita ang gusto kung sabihin. Ayaw bumuka ng aking bibig. Tanging panginginig ng katawan at parang nag-uunahan na tambol ang naririnig at napapakiramdaman ko sa dibdib ko.

My daughter. My little princess. My everything. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko mapapatawad kung sinong gahaman ang gumawa sa kanya nito!

Isa lang ang taong pumasok sa isip ko, si Mr. Asuncion.

Hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam at parang nasu-suffocate ako!

"Hon, our baby. My princess Ayesha..." Saad nito at napaupo sa malamig na sahig. Nataranta ang asawa nito pati na ang kanila pang dalawang anak.

"Where's my daughter?! Where's Ayesha, Anton! Asan siya? Anong nangyari sa kanya?!" Hindi na niya napigilan ang sarili at humagulgol narin ito sa tabi ng asawa. Habang nakatayo naman ang dalawa at inakay ni Hans ang kapatid na si Hannilyn na ngayo'y umiiyak narin at gulong gulo sa mga nangyayari.

"I really don't know, hon. I am not sure. But based on the scene sa tapat ng classroom nila kanina, it's just like, she had been kidnapped by someone." Walang tigil parin ang pag-iyak nito habang nage-explain.

"What? No it can't be! Call the police! My princess.. My princess... Hang on there baby. We will get you..." Hagulgol ng asawa at biglang napahiga sa sahig at nawalan na ng malay.

Iginaya nila sa kwarto at saka naman pumunta sila sa sala para mag-usap.

"Dad, what's happening? This is not true, right? Come on let's call Ayesha. Baka naman naglakwatsa lang yun kasi hindi mo siya pinapayagang lumabas sa bahay Dad. Baka hindi nagpaalam. Kuya, tawagan mo si Neil at Alexa pati rin si Jake, for sure sila ang magkakasama." Pagpapakalma ni Hannilyn sa kanyang sarili. Pero umiiyak parin ito at nanginginig ang mga kamay na ngayo'y hawak-hawak ni Hans sa tabi nito. Habang nasa harap naman nila ang kanilang Daddy.

"Nadatnan ko si Neil sa guard house kanina nung nasa school nila ako. Hinahanap rin niya si Ayesha. Dahil may usapan sila na magkikita sila sa Park malapit dito sa subdivision. Pero walang dumating kaya nagbakasakali siya na nasa school pa to. Tinawagan ko ang cellphone ni Ayesha pero ang Mommy niyo ang nakasagot, naiwan daw nito sa kwarto niya. Nung tinignan namin ang logbook sa guardhouse. May perma dun si Ayesha na pumasok siya, pero walang nakasulat dun na oras kung nakalabas na ba ito. Kaya minabuti naming puntahan ang classroom nila kasama ko ang adviser niya. Nang makarating kami dun sobrang gulo ng mga benches sa tapat ng malaking classroom. Nahulog ang mga paso at nabiyak ang mga ito at nagkalat ang mga buhangin. Nandoon rin ang sanang kukuhanin ni Ayesha na susuotin niya sa Graduation. At ... At..." Tumigil ito at hinawakan ang kanyang dibdib na sumusikip.

Lost in the middle of nowhere (LITMON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon