(Jaz Neil POV)
Nakarating kami sa Hospital nila. Di na ako hinintay ni Ayesha. Bigla na lang bumaba sa kotse ko di pa ako nakakapag-park. Yung babae talagang yun nakaka-stress! Aba'y hinayaan ko na. Hahanapin ko na lang siya doon.
"Nurse Angel. Asan po si Mommy." Tanong ko sa Nursr na kakilala ko. Di ba nga magkaibigan si Mommy tska yung Mommy ni Ayesha at parehong nagtatrabaho rito.
"Ay Neil ikaw pala! Hintayin mo na lang si Doctora sa office niya. May pinuntahan lang." Balik naman nito ng Nurse.
"Ay sige po. Maglalakad-lakad na lang ako. Itetecs ko na lang siya na tawagan ako kung nasa office na siya. Thank you Nurse Angel. See you again!" Masayang naglakad si Jaz. Di naman nito alam ang pupuntahan pero napunta siya sa may ICU. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya roon at nakita niya si Ayesha na sobra ang iyak at yakap niya ang Mommy niya na-naka white gown pa ito pang doctor.
Nagtago siya sa may gilid ng Nurse station doon. Tinitignan si Ayesha na ngayon mag-isa na dahil pumasok sa ICU ang Mommy niya. Gusto nitong puntahan at yakapin. Pero hindi niya magawa.
Biglang naglakad si Ayesha. Kita ang mugto na mata nito at lungkot at lukot na mukha.
Naawa si Jaz sa nakita. Sinundan ito ng tingin hanggang sa makapasok si Ayesha sa private elevator na tanging sila lang ang pwedeng sumakay doon dahil may ibang private elevator naman for emergency, for patients at yung mga nagtatrabaho dito na nurses, doctors at marami pa.
Nang sumara na ito. Naglakad ito papunta sa gitnang elevator at saka tinignan ang floor kung saan siya pupunta. Hindi niya alam na may 18th floor pa pala rito. Iba kasi ang nakalagay na sign dito sa may pindotan. Akala niya hanggang 17th floor lang kasi simula 15th floor to 17th floor, iba't-ibang offices na ang mga yun. Nagtaka ito at bigla nalang humakbang papunta sa elevator at pinindot ang 18th floor na may ibang sign.
Namangha si Jaz Neil sa nakita. Hindi ito ordinaryung garden. Napakaganda nito. Rooftop na ito at nakikita niya sa glass na nakapalibit sa building na yun ang mga ulap na ngayon at papadilim na. Inilibot nito ang tingin at sa may sulok. Nakita niya si Ayesha na umiiyak sa may duyan katabi ng mini pool.
Hindi niya alam ang gagawin. Sabi nito sa sarili baka magalit si Ayesha pag nakita nito dito lalo pa't private na private ang area na ito. Pero humakbang siya patungo sa dalaga.
"Ayesha..." Nag-aalangang sabi nito at medyo natatakot kasi baka magalit.
"What are you doing here? Paano ka nakapunta dito e hindi public space to!" Medyo galit na sabi nito.
"I'm sorry for interrupting you. Tsaka di ko naman alam na may ganito dito, kala ko hanggang 17th floor lang kasi hanggang dun lang naman ako pumupunta. Tsaka malamang nakapunta ako rito kasi nag-elevator ako." Kalmado nitong sabi at naupo sa may harap ni Ayesha. Yun bang duyan na may magkaharap na upuan saka gawa sa bakal? Ah basta ganun.
"Sinundan mo ko? Bumaba ka na. Gusto kung mapag-isa. And btw, huwag ka ng babalik dito 'cause this is my territory." Walang ganan sagot nito kay Jaz.
"Okay ka lang? Hindi ako bababa hanggang di kita kasama." Sagot ni Jaz saka prenteng higa pa nito.
"Ano bang kailangan mo. Iinisin mo na naman ako! Jaz wala akong oras sa mga kalokohan mo ngayon, so please." Pagmamakaawa ni Ayesha at saka tumingin sa malayo ang dalaga.
"Di naman kita iinisin. Yesha, be strong. Gagaling agad si Nanay Nida. Swear!" Masaya nitong sabi. Gusto niyang makitang mag-smile ito. Ayaw niyang nakikita itong sad at ganunang itsura. May kung anong naramdaman si Jaz habang tinitigigan si Ayesha na hindi na nagsalita.
BINABASA MO ANG
Lost in the middle of nowhere (LITMON)
AlteleWhat will I do? I don't even know who I am. Kailangan ko pa bang malaman kung sino ako? O, magi-stay na lang ako sa kung ano ang buhay ko ngayon at kung sino ako? Ngunit gabi-gabi binabalikan ako nang nakaraan. Hindi ko maintindihan, gulong gulo ako...