(Ayesha POV)
Bago ako umuwi pumunta pa ako sa ICU. Pero hindi ko na nadatnan si Mommy doon kaya tinanong ko kay Nurse Jezel kung san pumunta si Mommy.
"Sabi po ni Doctora kanina bago mailipat ang Nanay niyo po sa private room, punta lang daw po siya sa office niya para kunin ang mga gamit niya saka na ito pupunta sa room ng Nanay mo bago umuwi daw po Ma'am." Mahabang sabi ni Jezel habang mag inaasikaso sa harap ng conputer dito sa may nurses station.
"Nakalabas na po si Nanay sa ICU? Magaling na po ba siya? Anong room siya dinala?" Masaya at sunod-sunod na tanong nito.
Nag smile ang nurse sa kanya. Tumango at binaba ang hawak na papel sa kamay, "Opo Ma'am. Magagaling ang Doctor dito sa Hospital ninyo. Baka nga daw po bukas makakalabas na." Masaya namang sagot nito sa dalaga. "Sa 1201 po ang room ng Nanay niyo." Pag kompirma nito.
"Thank you Nurse Jezel! See you pagbalik ko dito!" Tumakbo agad papasok sa elevetor si Ayesha at masayang-masaya ito.
Dahil alam niyang nasa mabuti ng ko disyon ang Nanay nito. Dahil mas hindi ito mapapanatag pag sa ICU pa ito. Iba't-ibang negatibo kasi ang pumapasok sa isipan niya na kesyo ICU e malala na ang sakit ng mga to.
Hindi na nito kinatok ang pintuan at nadatnan niya roon ang kanyang Mommy na tumatawa kasama sina Tatay Gary at ang kanyang Nanay na ngayon nakaupo na sa bed nito at nakikisama sa pagtawa. Nandoon rin sa kabilang bahagi ng napakalaking kwarto roon ang kanyang Kuya na may kausap sa telepono.
"Aba'y dahan-dahan naman Nak." Sabi ng kanyang Nanay. Hinagkan ni Ayesha ang kanyang Nanay saka ito umiyak.
"Ayesha. Apo. Nasasakal ako. Hindi ako makahinga..." Pag-iinarte ng matanda sa dalaga. Bigla namang napabitiw si Ayesha at napahawak sa kanyang labi at saka, "Mommy! Hindi daw po makahinga si Nanay! Tawagin niyo ang mga Doctor! Mommy!" Hindi magkandaugagang sigaw ni Ayesha at maiiyak na ito sa kaba at takot.
"Kalma baby sister. Pano hindi makakahinga si Nanay eh sobrang higpit naman ng yakap mo sakanya!" Panlokong sabi ng Kuya Hans nito.
Inirapan niya lang ang kanyang kuya. Pumunta ulit si Ayesha sa tabi ng kanyang Nanay at umupo ito.
"Nay, nag-alala ako sayo. Sabi ko kasi sayo huwag ka masyadong magtrabaho. Ngayon na alam na namin na may sakit ka sa puso, dapat everyday may walking tayo tsaka bawal kang mapagod sa bahay. Madami naman mga kasamahan natin doon. Isupervise mo lang sila. Nay, naman kasi eee..." Pag-alala ni Ayesha sa Nanay nito at hinawakan pa ang kamay ng matanda.
BINABASA MO ANG
Lost in the middle of nowhere (LITMON)
SonstigesWhat will I do? I don't even know who I am. Kailangan ko pa bang malaman kung sino ako? O, magi-stay na lang ako sa kung ano ang buhay ko ngayon at kung sino ako? Ngunit gabi-gabi binabalikan ako nang nakaraan. Hindi ko maintindihan, gulong gulo ako...