Chapter 1: Stephen's Betrayal and the Stranger named 'Sly'

977 27 2
                                    

"I'm at 'Casa el Martini' Mexican Restaurant. Meet me here. I'll wait for you. Stephen"

Isang text from an unknown number ang natanggap ni Monica galing sa kanyang boyfriend na si Stephen. Alam niyang any time ay magpo-propose ito dahil sa mga future plans nito sa kanilang dalawa. Mahal niya ang binata. Dumating ito sa buhay niya in a perfect time. Ito ang naging dahilan kung bakit siya nakapag 'move on' on her previous relationships.

At the age of 25, she already experienced the sweet and bitter tastes of love. Sadness and happiness. Tears and laughters. Even those simple things a person couldn't expect to happen.

Her first boyfriend was a married guy when she was 18. Nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo nang makilala niya ito. Kakatapos lang ng Christmas-New Year vacation nila. Humalili ito sa kanilang P.E teacher na nag-maternity leave. They were 'on' for 6 months bago niya nalamang kasado pala ito. Palibhasa'y pitong taon ang agwat ng kanilang edad. It was her first heartbreak and she couldn't print out the hurt she felt when she learned it. On the contrary, mabuti na ring nalaman niya ng mas maaga bago pa niya ibinigay ang sarili dito.

Three months after she broke up with her PE teacher slash her first boyfriend, she met Jonathan. He was a total gentleman. Wala itong bisyo. Hindi gumigimik. Hindi masyadong lumalabas ng bahay. Every girl would be very delighted to know him. He courted her for two months at sa apat na buwan nilang magkasama ay 'di pa sila naghahalikan which she really appreciated. Napakabait nito sa kanya kaya nung nakipaghiwalay ito at sinasabi sa kanya na susundin daw nito ang matagal na nitong gustong gawin ay hindi na niya ito pinigilan. Gusto nitong magpari at masayang-masaya siya para dito.

After he broke up with her, she met Simone. A young architect she met when she and her Mom went to Italy for vacation. He's half-Austrian and half-Filipino and his parents lived in Vienna ­­-- his father's hometown. It was summer of 2007 when they went there. He was born and raised in Austria and moved in Italy after he graduated college. The last time he visited his mother's country was when he was 12 years old. They stayed for three weeks at kahit na bumalik na siya sa Pilipinas ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. One month after she went back home from Italy, Simone came to the Philippines to personally woo her. She was touched and found it so sweet kaya after two weeks ay sinagot niya ito.

Masasabi niyang nakagaanan niya agad ito ng loob dahil sa likas na katangian nitong hinahanap niya sa isang lalaki. Aside from his good physical look, sadyang napakabait nito. Maalaga, madasalin at mapagmahal. Sa tatlong buwang pamamalagi nito sa Pilipinas ay lalo niya itong na-appreciate at minahal. Wala siyang masabing hindi maganda ukol dito dahil halos lahat na bagay na ipinapakita nito ay pawang nakakatuwa. Bumalik si Simone sa Italy pagkatapos ng bakasyon niya sa Pilipinas. They still continued their communication ngunit tila naging mailap na ito. Palagi na lang itong busy sa trabaho. Tinatawagan niya ngunit hindi naman sinasagot ang kanyang mga tawag. A couple of months after, she got a wedding invitation from Italy. Nagulat siya at nasaktan noong nalaman niyang ikakasal na ito at inimbitahan pa siyang dumalo. Ngunit kahit ganun, naging madali ang pagtanggap niya sa nangyari dahil sa isang personal na sulat na ibinigay nito sa kanya. He was marrying his first love in Italy. Hindi boto ang mga magulang ng babae sa kanilang relasyon dahil masyado pa itong bata sa pagkakaroon ng relasyon. The girl went to the States without telling him. And when she got back, siya ang unang pinuntahan nito. Hindi pa rin daw nagbago ang pagtingin niya dito at ganun din ito sa kanya. Hindi man siya nakarating, pinadalhan niya ito ng regalo para sa kanilang dalawa.

Sa ika-apat na taon niya sa kolehiyo'y nagkaroon siya ng mga manliligaw. Karamihan sa kanila'y estudyante ng paaralang kanyang pinapasukan at ang iba nama'y sa kalapit na unibersidad pumapasok. She's been very active to all activities she's engaged in. Siya ang tumatayong presidente ng buong MassComm class. Bawat activity ay naroon ang buong student council ng kanilang kurso. Isa na doon si Patrick Reynoso. Ito ang tumatayong Bise Presidente niya. Mayaman, matalino, guwapo at higit sa lahat hayagan ang pagpapakita ng damdamin nito sa kanya. She tried to ignore him but he was very persistent to win her heart.

Love At First Shot (Accidentally In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon