3 MONTHS AGO
Pumunta sila ng mga kaibigan niyang si Karen at Melanie sa isang Rodeo sa Bulacan na sinalihan ni Stephen upang suportahan ito. It was 2pm when the show started. Nasa bench sila na pinakamalapit sa field upang makuhanan niya ng litrato si Stephen.
Stephen has always been active in different kind of activities. Dala niya ang DSLR camera na binigay nito sa kanya galing sa Japan nung pumunta ito doon sa isang conference. Wala siyang interes sa photography ngunit napamahal ito sa kanya nang dahil din kay Stephen. She always took a shot of him as the subject. Madami nga siyang nakuhang stolen shot na halos lahat ay maayos ang pagkakakuha.
In the first 15 minutes of the show, the crowd were cheering.
Halos lahat ng tao ay nagtayuan habang naghihiyawan. Samantalang siya ay busy sa kakakuha ng larawan. Lalong lumalakas ang hiyawan ng mga tao. Sinabayan pa ito ng palakpakan.
Naramdaman na lang niyang may kamay na humahawak sa kanyang puwet. Ang akala pa niya'y si Melanie na nasa likod niya ngunit parehong si Mel at Karen ay wala sa likuran niya. Tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa nang nararamdaman niya ulit ang isang kamay na humahawak sa kanyang puwet. Hindi muna siya kumibo. Sa oras na gagawin ulit ito ng manyakis sa likod niya ay sisiguraduhin niyang masasampal niya ito.
Malapit ng mapatumba ng isang grupo ang baka at lalo pang umingay ang mga tao sa paligid. Nakikiramdam muna siya. Ayaw niyang lumingon agad. Gusto niyang mahuli ito sa akto ng pagtsa-tsansing. Maya-maya'y naramdaman niyang may lumapit na tao sa likod niya. Liningon niya agad ito at sinampal.
"Walanghiya ka! Bastos!" sigaw niya dito. "Lumapit ka pa talaga hah!" patuloy niya sa pag-aakusa.
"Wala akong ginawa Miss," sambit ng lalaking umiilag sa kanyang mga sampal.
Meron din itong dalang camera na isinabit sa leeg nito.
"Idideny mo pang hinipuan mo ako ng dalawang beses. Bastos!" At patuloy siya sa pagsampal dito.
"Teka lang." Pinigilan nito ang kamay niya at hinawakan nito ang mga iyon. Huminto siya sa ginawa at binawi ang kamay sa pagkakahawak. "Hindi kita hinipuan. Ngayon lang ako narito."
"Kunwari ka pa. Sino ba namang kriminal ang aamin sa ginawa niyang krimen." Inismiran niya ito saka siya sumigaw. "Mag-ingat kayo sa taong ito. Baka hipuan rin kayo." Sabi niya ng malakas para marinig ng mga tao. Saglit na tumigil ang mga tao na malapit sa kanila at tumingin sa lalaki.
"Miss wala akong ginawang masama sa'yo."
Tiningnan niya ito ng matiim.
Maya-maya ay may lumapit na mga tanod sa lugar. Sinabi niya dito ang ginawa ng lalaki. Tumanggi ito sa akusasyon niya kaya kinuyog ito ng tatlo pang lalaki palabas. Nakita pa niyang pinagsusuntok ng mga ito ang lalaki sa labas ng Rodeo Field.
Kitang-kita niya sa di kalayuan kung paano ito tumingin sa kanya.
"Naaalala mo na ba ako?" pukaw ng lalaki sa kanyang diwa.
Nasa loob sila ng opisina niya. Nakaupo si Monica sa kanyang mesa. Panay ang sulyap niya sa lalaking kaharap. Nakaupo ito habang tinitingnan ang kabuuan ng kanyang opisina. He took off his hat. Ginulo nito sandali ang hindi masyadong makapal na buhok. He wore a type of haircut that won't outstand in a crowd yet she thought he looked good on it. Mas lalong lumitaw ang kagwapuhan nito sa ayos na iyon.
BINABASA MO ANG
Love At First Shot (Accidentally In Love)
RomanceAnother love story that can certainly give you hope and inspiration. Love can be very hurtful and can break your heart into pieces. It can make you stop feeling it. But just when you thought about it, a new kind of love appears either by accident, b...