Kasalukuyang nagbabasa ng kanyang paboritong magazine si Monica sa loob ng kanyang opisina sa flower shop. It's a lifestyle magazine in Asia which features influential and famous Asian personalities. It also introduces young businessmen, politicians, athletes and different people who continue to create name on a path they chose to take. She once dreamed to be featured in this magazine. Isa pang dahilan kung bakit naging hilig niya ang pagbabasa ng magazine na iyon ay dahil sa isang artikulo ng isang photographer kung saan ibinibida nito ang mga kwento sa likod ng bawat litratong kinukunan. Iniisip niya na hindi regular contributor ang photographer dahil may ilang buwang hindi nakikita ang article nito. Nonetheless she's still a fan of the photographer probably because she appreciates not just the art of photography but its hidden beauty.
Habang nagbabasa siya'y pabaling-baling ang tingin niya sa kanyang cellphone. Sa totoo ay naghihintay siyang magreflect ang pangalan ni Wesly sa kanyang cellphone screen. Kanina'y tumawag ang Daddy niya ngunit hindi niya nasagot. Nang tumunog ang cellphone niya, nadismaya siya nang makitang hindi pa rin pangalan ni Wesly ang nakarehistro sa incoming message sa phone. They went back to Manila from Camarines Sur three days ago and since then he never called or texted her. Pagkatapos ng nangyaring sagutan nila'y hindi na ito masyadong nagsasalita. She didn't try to initiate a talk with him dahil hindi rin niya alam kung paano ito kakausapin. Ginugol na lamang niya sa pagtatrabaho ang tatlong araw na nagdaan upang hindi niya maisip ang nangyari sa kanilang dalawa.
Ano nga ba ang nangyari sa kanilang dalawa? Wala naman sigurong dahilan upang pag-usapan pa nila ito.
Kapagkuwa'y huminga siya ng malalim at nagdesisyong lumabas.
"Saan iyong mga newest delivery natin Letty?" Tanong niyang nakatuon ang atensiyon sa mga Anthuriums na nakapatong sa isang malaking lamesa. "Bakit halos lahat ng narito ay kulay pink at pula? Wala ba silang isinamang puti?"
"Pumunta na po si Waldo sa Ortigas upang kunin 'yung apat na balde ng puting anthurium." Si letty na lumitaw sa pagkakatago sa mga flower stands. "Akala po kasi namin doon po idi-deliver ang mga puti. Ititext ko na lang po at ipadala ang iba rito."
"Alright. Ilista mo na lang lahat ng bagong na-ideliver na bulaklak at ibigay mo sa akin mamaya. Isama mo na rin ang bulaklak na dadalhin dito ni Waldo."
"Opo Ma'am. Siya nga po pala. Tumawag po ang Papa ninyo kanina. Pupunta daw po sila ng Mommy mo sa Batangas bukas. Sana daw ay makasama ka."
"Iyon lang ba ang ibinilin niya?"
"Iyon lang po."
Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil sa pangako niya sa ama na sasama siya papuntang Batangas. Everyone was ready except for herself na nagsusuklay pa ng kanyang basang buhok.
"Monica hindi ka pa ba tapos diyan? Tatanghaliin na tayo doon." Kunwa'y sigaw ng amang naghihintay sa veranda.
Paglabas ng kwarto ay bitbit niya ang katamtamang laking Chanel bag na kumbinasyon ng kulay puti at itim. She's wearing a faded skinny jeans and a printed shirt which added emphasis on her curvacious body. Isang pares ng 'havaianas high' ang ginamit niya dahil uuwi rin naman sila pagsapit ng gabi. Hindi na rin siya nag-abalang maglagay ng make-up dahil sa probinsiya naman sila pupunta.
Paglabas niya'y bukas na ang makina ng sasakyan. Nakabukas na ang pintuan ng sasakyan sa likod kaya dumiretso na siya kaagad at pumasok. Naroon ang kanyang ina na naghihintay. Apat silang pupunta doon kasama ang driver. Ang kanyang ama'y may kinakausap pa sa telepono nito. Nang matapos ay agad itong pumasok sa unahan ng sasakyan katabi ang driver.
BINABASA MO ANG
Love At First Shot (Accidentally In Love)
RomanceAnother love story that can certainly give you hope and inspiration. Love can be very hurtful and can break your heart into pieces. It can make you stop feeling it. But just when you thought about it, a new kind of love appears either by accident, b...