"Surprise."
Malapad na ngiting sinalubong niya ng yakap ang inang kararating lang sa kanilang bahay nang buksan niya ang pinto. She missed her mother so much. Mahigpit niya itong niyakap.
"Where's Dad?"
"Nasa labas pa siguro. How are you?" ani Cecilia habang hinahagod ang pisngi ni Monica. "Look at you. You really changed a lot. Mas lalo kang gumanda anak."
"I miss you Mom." Maluha-luhang sambit ni sabay yakap ulit sa ina. "Kumusta na kayo?"
"Sabi ng doctor ko, tumataas na daw ang aking resistensiya."
Mula sa pagkakayakap ay pumasok sa pinto ang ama. Sinalubong niya rin ito ng yakap. "Dad. Ang pogi mo na lalo. I missed the both of you."
"One thing that was not changed, napaka-iyakin mo pa rin." Wika ni Timoteo habang ginugulo nito ang buhok ng anak.
"Akala ko po ba next week pa ang uwi ninyo. Ba't napaaga?"
"Sinadya talaga naming sabihing next week pa kasi gusto ka naming masorpresa." wika ng amang sinabayan ng malutong na tawa.
"I was surprised indeed. Hindi man lang ako nakapag-prepare ng pagkain. Kumain na po baya kayo?"
"We're full hija. We ate during our stop over in Taiwan. Gusto ko nga munang magpahinga. Ang haba din masyado ng flight." ani Cecilia na tumayo sa pagkakaupo at sinimulang maglakad sa kanilang kwarto na nasa first floor lang.
"Okay Mom. Ipasusunod ko na lang sa maid ang mga bagahe ninyo."
Pagsapit ng gabi ay lumabas silang tatlo mag-anak upang kumain sa labas. They were having a great at dinner. Madaming kwentuhan at tawanan. Kung pwede lang sanang manatili na lamang ang mga magulang niya sa Pilipinas.
* * * * *
"Saan ba tayo pupunta?" Inis na tanong niya kay Wesly.
"Don't worry, darating rin tayo 'ron." Walang abalang sabi nito.
"Look Mr. Hermosilla. You ambushed me in the middle of a meeting and you won't tell me where we are specifically going?" Panggigigil na wika niya.
Dumating ito kanina sa flower shop kung saan nakikipag-usap siya sa kanyang mga empleyado. Dahil na rin sa pagpupumilit nito ay lumabas siya upang kausapin ito. But now she's in his car. A newly released Fortuner model. Bago pa siya nakasakay dito ay binuksan niya ang pinto sa likod ngunit pinigilan siya nito kaya ngayon katabi niya ito sa front seat ng sasakyan. Ayaw niyang tumingin sa gawi nito dahil alam niyang panay ang tingin nito sa kanya. Nakatanaw lang siya sa bintana. Ayaw niyang makipagtalo dito hindi dahil alam niyang talo siya ngunit alam niyang may gagawin itong hindi maganda kapag ginawa niya iyon.
"Lumingon ka naman sa ibang direksiyon baka magka-stiff neck ka niyan." Basag ni Wesly sa katahimikan.
"As if you care." aniyang hindi man lang tumingin dito.
"You really amazed me baby. Ikaw itong may kasalanan sa akin tapos ikaw pa ang nagtataray." Wika nito na parang tuwang-tuwa pa. "Let's just say I'm just getting the payment for the damaged you've caused me. Tinanong mo ako noon kung ano ang magagawa mo. You'll see later."
Sasagot pa sana siya dito ngunit hininto na nito ang sasakyan at ipinarada sa isang sikat na restaurant sa Makati. She doesn't have any idea what will they do there. Baka kakain sila. He didn't tell her anything.
Bago pa niya buksan ang pinto ay ito ang nagbukas para sa kanya. Lihim siyang natuwa sa ginawa nito. In fairness, hindi niya inakalang ito pa ang magbubukas ng pintuan para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love At First Shot (Accidentally In Love)
RomanceAnother love story that can certainly give you hope and inspiration. Love can be very hurtful and can break your heart into pieces. It can make you stop feeling it. But just when you thought about it, a new kind of love appears either by accident, b...