Chapter 7: Call Me By My First Name

152 8 0
                                    

"What are you doing here?"

                Alas onse y media na ng gabi nang bumalikwas sa kanyang kama si Monica dahil sa katok ng katulong. Naroon si Stephen sa kanilang bahay at lasing na kinakalampag ang kanilang gate sa labas. Pagkuha niya sa kanyang roba ay lumabas siya kaagad upang harapin ito. Lumabas siya ng gate at doon nakaupo sa sahig si Stephen.

                "It's almost 12 midnight and why are you drunk?" Kunot noong tanong niya dito.

                "Can I talk to you?" Tanong nito na hindi na halos mabuka ang mga mata sa labis na kalasingan.

                "I can't talk to you especially when you're drunk like this. Umuwi ka na." Napansin ni Monica na may sasakyan itong dala. "How did you even get here?" She already raised her voice.

                "May problema ba tayo babe?" Pagkasabi niyon ni Stephen ay sumuka ito sa mga damuhan.

                Wala siyang magawa kundi himas-himasin ang likod nito. Nag-utos siya ng mainit na tubig sa isang katulong.

                "Uminom ka muna nito."

                Ipinainom niya rito ang mainit na tubig habang himas niya ang likod. Ayaw niya itong papasukin sa loob baka magising ang mga magulang at magtaka kung sino ang lalaking lasing nitong oras ng gabi.

                "Pagkatapos nito ay ipapahatid kita sa driver. I can't let you drive alone."

                "Can I sleep with y..."

                "No you can't." She quickly answered without him finishing the complete sentence.

                "I love you babe. Please say you love me too. Please." He's almost begging.

                "Get inside your car now."

                "Please..."

                Malaking abala ang ginawa ni Stephen. Pati ang driver nila'y pinakiusapan niyang ihatid ang binata sa kanilang bahay.

* * * * *

                "A penny for your thought?"

                Hindi namalayan ni Monica na lampas trenta minutos na siyang nakatutok sa computer monitor. Hindi na rin niya namalayang pumasok si Wesly sa loob ng kanyang opisina sa Flower Shop.

                "Anong iniisip natin?" Tanong ulit ni Wesly.

                "Nothing." She gave him a simple smile.

                Ang totoo'y nag-iisip siya kung kailan niya sisimulang buksan ang panibagong Flower Shop na pinaplano niya...nilang dalawa ni Stephen.

                Itatayo niya ito sa loob ng isang Mall. Sa katunayan ay may nakuha na siyang space at inaayos na ito sa ngayon.

                "I brought you pizza. Hoping you're hungry." He grinned.

                "Nag-abala ka pa."

                Binuksan nito ang box ng Yellow Cab pizza at linanghap ang amoy na nanggagaling dito. Bagama't nakatingin si Monica sa computer monitor, hindi naman doon nakatuon ang pansin niya.

                She tried to ignore his presence. Bagay na palagi niyang ginagawa. Ngunit sadyang hindi niya mapigilang hindi ito mapansin. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas simula noong pumayag siyang magpanggap na girlfriend nito. Palagi itong bumibisita sa Flower Shop at nagtatagal doon ng higit dalawang oras. Sinubukan niyang tanungin ito kung bakit lagi itong pumupunta sa Flower Shop ngunit hindi siya binigyan ng malinaw sa kasagutan. Kesa daw wala itong magawa sa bahay at boring ang mamalagi sa kanyang trabaho.

Love At First Shot (Accidentally In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon