Linggo ng araw na iyon. Alas singko y medya pa lang ng umaga ay gising na si Monica upang sumama sa magulang na magsimba. Nakasanayan nilang magsimba tuwing linggo na magkasama. Ginagawa rin nila ito kahit naroon sila sa America. Sa Saint Augustine Church kadalasan sila nagsisimba kahit nung bata pa siya.
"I'm ready." Naglagay lang siya ng kaunting lipstick at pabango. "Let's go?"
Pagdating nila sa simbahan ay wala pa masyadong tao kaya nakaupo sila sa ikalimang hanay ng upuang malapit sa altar. Lampas kinse minutos bago nagsimula ang misa. Lalong dumarami ang mga tao sa loob ng simbahan hanggang halos mapuno na ang mga upuang bakante kanina.
Nakatayo at nakapikit siya habang nakikinig sa Gospel na binabasa ng Pari. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin hanggang sa nakaupo na ang lahat. Nabigla na lamang siyang may bumulong sa kanya.
"Good morning baby."
Ang mukha ni Wesly na nakatingin sa nagsasalitang pari ang sumalubong sa kanya nang lumingon siya sa kanyang tabi. He's wearing a v-neck semi fit white shirt with a little print on front of it and his usual fitted jeans. He looked absolutely handsome with his newly shaved face. Napakamaaliwalas tingnan ng mukha nito. Animo'y isang lalaking nagbibinata.
He moved his head towards her. "I'm trying to focus on the homily but you're distracting me." He whispered.
She quickly shifted her attention.
Matapos ang sermon ng pari ay kinuha niya ang atensiyon ng magulang upang ipaalam na naroon si Wesly.
"You looked lovely today." He said while slowly moving his head close to hers, enough for her to hear him.
"Thank you. You looked handsome too." She didn't bother to turn her head to his side. Baka magtama ang mukha nila. "How did you know we're here?"
"I was on my way to your house when I called your phone. It kept on ringing so I called your house phone. A maid answered it and told me you're heading here so I just drove straight here."
"I'm sorry I left my phone."
"Mabuti at nakaabot ako. Mabuti rin at walang nakaupong ibang tao sa tabi mo."
"Galing ka lang ba sa bahay niyo?"
"No. I stayed at my condo last night?"
"You have a condo?" She was surprised but tried to hide it. "You haven't mentioned it before?"
"I rarely stay there so I have it rented to someone. I just got it back 5 days ago kasi bumalik na sa Canada ang umupa. I was busy cleaning it yesterday kaya hindi ako nakapunta sa bahay niyo. Would you like to visit me there sometime?"
"Sure."
Huminto sila sa pabulong na pag-uusap sa tuwing nagsasalita na ang pari.
Now let's sing the song our Father taught us.
"Now you have to hold my hand." He said.
Kahit tapos na ang kanta ay ayaw pa nitong bitiwan ang kamay niya.
Now let's show the sign of peace.
BINABASA MO ANG
Love At First Shot (Accidentally In Love)
RomanceAnother love story that can certainly give you hope and inspiration. Love can be very hurtful and can break your heart into pieces. It can make you stop feeling it. But just when you thought about it, a new kind of love appears either by accident, b...