"Ba't hindi ka man lang kumontra sa mga sinasabi ng Daddy mo kanina?" Padabog na tanong ni Monica kay Wesly.
Nasa public park silang dalawa ngayon pagkatapos nilang kumain sa restaurant na kinainan kasama ang kanilang mga ama. Pagbaba pa lang niya ng kotse ay sinugod niya agad ito sa driver's seat. Nang bumaba na si Wesly ay nakipagtitigan siya dito. Mga ilang segundo siyang nakipagtitigan dito ngunit hindi niya kayang labanan ang panuksong titig nito sa kanya. Tumalikod siya at nakapamaywang. Hindi niya alam ang gagawin ngayon. Eveything is getting more complicated. Kung sana lang hindi siya tinaksilan ni Stephen. Maaalala pa lang niya ang pangalan nito ay bumabalik sa kanya ang eksenang hinalikan nito ang babae. She tightly closed her eyes trying to control her emotions. She doesn't want her feelings be covered by hatred. Naramdaman niya ang kamay ni Wesly na hinawakan ang kanyang balikat.
"I'm sorry. Hayaan mong ako ang umayos nito." He said in a sincere tone.
Dapat siyang magalit dito dahil hinayaan niyang maniwala ang Daddy nila sa kanilang "kunwaring" relasyon. And now she's worried because any time today her Mom will know. Of course her father will tell her.
She let his hands go from caressing her shoulders and moved inches away from him. "Ba't 'di mo na lang kasi gamitin ang girlfriend mong sinasabi ng Daddy mo?"
"I'm sorry for bringing you into this. And please don't be mad at me."
Hindi kumibo si Monica. Ayaw na niyang magsalita. Napapikit siya ulit habang inaalala ang mga eksena sa restaurant.
Nagsimulang kumakain si Monica sa inorder niyang dish nang pumunta si Wesly sandali sa men's comfort room.
"Wesly is so lucky to have you hija." sabi ni Tito Ed. "Alam mo bang wala pang ipinakilala si Wesly na babae sa amin ng Mama niya? Totoong napakamalihim ng anak ko. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan nito simula ng makauwi siya. Palagi na lang itong busy sa mga events na dinadaluhan nito. Huli ko na ngang nalaman na nag-aral pala ito sa New York Institute of Photography for nine months. Ewan ko ba diyan sa anak ko parang walang interes na humawak sa kompanya. Palagi na lang busy sa pangunguha ng litrato. He's very active when it comes to outdoor activities. 'Di na nga masyadong dumadalaw sa bahay. 'Yung Mommy niya minsan ay nagtatampo na dito kasi madalang lang magpakita. May isang araw umuwi ngunit lasing naman. Kailan lang ay nagkainteres itong humawak sa proyektong binuo ko months ago. Kung hindi ako nakipagsundo sa kanya 'di pa siguro ito magiging seryoso sa buhay." Mahabang sinabi ni Tito Ed tungkol kay Wesly.
"Tama lang talaga sigurong pinagtagpo ng tadhana ang mga anak natin kumpadre." Her dad exclaimed. "Ito namang anak kong si Monica, wala na masyadong time sa sarili. Trabaho na lang lagi ang inaatupag."
Sa isip ni Monica'y parang walang pakialam ang mga magulang nila na kaharap siya ng mga ito. Hindi nagtagal ay bumalik sa si Wesly. Nang umupo na ito ay may ibinulong siya rito.
"Can we go out here as soon as possible?" Bulong niya kay Wesly.
"Dad." Putol ni Wesly sa usupan ng kanilang mga ama. "Meron kaming pupuntahan ni Monica. Mauna na kami pagkatapos kumain." Magalang nitong wika.
"That's not a problem." Sagot ni Tito Ed at tumingin kay Monica. "Monica hija, is it okay if I'll invite you to have dinner with us on Monday next week. Gusto lang makita ng Mommy ni Wesly ang babaeng magiging parte ng pamilya. Ok lang ba?"
BINABASA MO ANG
Love At First Shot (Accidentally In Love)
RomanceAnother love story that can certainly give you hope and inspiration. Love can be very hurtful and can break your heart into pieces. It can make you stop feeling it. But just when you thought about it, a new kind of love appears either by accident, b...