Tatlong araw ng nagkulong at hindi lumalabas ng bahay si Monica dahil iniiwasan niyang makita si Stephen. Sinabihan din niya lahat ng mga katulong sa bahay na huwag sabihing nasa bahay lang siya. Ibinilin na lang niya 'pag may naghanap ay sabihan silang pumunta siya sa Cebu at binisita ang kanyang abuela. She also turned off her phone for three days now. Pasikreto na lang siyang tumatawag sa tatlong branches ng Flower Shop upang mangumusta.
Meron pa siyang isang pinoproblema. Uuwi ang mga magulang niya sa susunod na linggo dahil gusto nilang makilala ang nobyo niya.
Mahigit dalawang taon nang naninirahan ang kanyang magulang sa America pagkatapos maoperahan at matanggal ang bato ng kanyang ina sa obarya. She was there when her mother underwent operation. Pagkatapos ng operasyon ay sinabihan sila ng doktor na makabubuti sa kalusugan ng ina niya kung manatili ito doon kung saan may malamig na klima. Her parents chose to stay but she didn't. Ayaw niyang mapalayo sa magulang ngunit hindi niya hahayaang isakripisyo ang sarili at personal na kasiyahan. Ayaw niyang tumira doon ng matagal. And she was thankful that her parents understood her decision not to stay. Kahit kailan man ay hindi siya nakarinig ng pagtutol sa mga magulang.
Mayroon silang lupa sa Batangas na tinataniman ng niyog, saging, mangga, pinya, abaka, tabako at kape. Ito ang naging hanapbuhay ng kanyang mga magulang sa loob ng dalawampu't dalawang taon. Ngayon ay ipinaubaya pansamantala ng kanyang magulang ang pamamahala sa pinagkakatiwalaan nilang tao, si Mang Erning. Kinausap siya ng ama na bisitahin buwan-buwan ang sakahan at upang kumustahin na rin ang mga taong naging dahilan kung bakit lumago ang kanilang negosyo. Binibisita rin niya ang food factory nila sa Valenzuela dahil sa pakiusap rin ng kanyang ama.
Apat na beses rin niyang nabisita ang mga magulang sa States. Sa katunayan, she spent the last christmas with them.
A few hours ago ay tumawag ang mga ito to tell her the confirmation of their arrival date next week. She missed her parents but she doesn't want them to know her situation right now. Ayaw niyang sabihin dito na nakipagkalas siya sa boyfriend niyang walanghiya. Hindi pa sila nag-usap ni Stephen dahil hindi pa niya kayang harapin ito. Wala man itong ideya na alam na niya ang pinanggagawa nito, hindi pa rin niya kayang makipag-usap dito. Hindi siya duwag ngunit mahina siya. Natatakot siyang baka 'di niya mapigilang mapaiyak at makmukhang kaawa-awa. May natitira pa rin siyang pride sa sarili at dito siya humuhugot ng lakas upang unti-unting makalimutan si Stephen.
Just thinking about the scene when Stephen kissed and hugged the girl made her heart cried a thousand times. Pero hindi dahil nagseselos siya kundi naiinis siya sa ginawa nito. She doesn't deserve someone like Stephen. Patutunayan niyang nagkamali ang binata sa ginawa nito. She needs someone to help her doing that.
Kailangan niyang makahanap ng taong magagamit niya upang paghigantihan si Stephen. From now on, she'll never cry again because of him. She made sure she'll be over him as soon as possible.
Lahat ay gagawin niya upang pabagsakin ito. Saka na siya titigil kapag nakita na niyang naghihinayang ito sa pagkawala niya.
"Ahhhhhhhh" she sighed in frustration.
Sino kaya ang gagamitin kong tao? Ayaw niyang isiping gagamit siya ng tao. Hihingi lang siya ng tulong. Pero kanino naman kaya? She closed her eyes and laid on her bed. Patihaya siyang nakahiga habang nakatutok ang mga mata sa kisame ng kanyang kwarto.
"I will give her all the care she deserves. She'll be safe with me."
Napangiti siya sa mga salitang iyon. Naalala niya ang taong hiningan niya ng pabor na magpanggap bilang isang kaibigan na matagal na niyang 'di nakikita. Malaki ang naitulong nito sa kanya.
The man just appeared from nowhere at nagawa nitong tulungan siya without begging him. He helped her without asking for any reason. Naging madali ang mga pangyayari sa mall dahil dito. She should thank him.
BINABASA MO ANG
Love At First Shot (Accidentally In Love)
RomanceAnother love story that can certainly give you hope and inspiration. Love can be very hurtful and can break your heart into pieces. It can make you stop feeling it. But just when you thought about it, a new kind of love appears either by accident, b...