Chapter 21: 9 Years Ago

94 6 0
                                    

                "HINDI ba talaga nakakahiyang pumasok?"

                Sabado ng araw na iyon. Kasama niya ang kaklaseng si Angela sa dalawampu't limang taong anibersaryong kasal ng kapatid ng ama nito. Tanaw niya sa labas ng bahay ang malawak na hardin ng mga ito kung saan gaganapin ang nasabing seremonya.

                "Okay ka lang? Ang ganda mo kaya." ani Angela habang nilalagyan siya ng lipstick.

                She's wearing a light green dress na hanggang tuhod ang haba. Ipinares niya dito ang kulay kremang sapatos na may tatlong pulgadang haba na takong na mas lalong nagpatangkad sa kanya. Ito ang regalo ng ina niya noong ika-labing walong kaarawan niya. Nakatali ang lampas balikat niyang buhok sa likod kaya mas lalong halata ang mahaba niyang leeg at magandang hugis ng mukha. She didn't wear any make-up, just a small amount of face powder and a red velvet lipstick Angela's putting on her lips.

                "Squeeze your lips." Utos nito sa kanya. "Perfect. Mapapansin ka talaga ng mga pinsan ko."

                "I told you na di ba? Huwag mo akong ibuyo sa mga pinsan mo."

                "Hindi naman. Ikaw talaga. Para kang praning. Huwag mo na ngang isipin na malas ka sa pag-ibig dahil sa sinungaling mong guro."

                "Ayan na naman tayo. I already moved on. Hindi ko na siya iniisip."

                "Okay sige tara na. Pumasok na tayo."

                Isa-isa nang nagdatingan ang mga bisita. Nakaupo na siya sa kaliwang bahagi at pangatlong linya ng mga upuan mula sa likod. Nang makaupo na ang lahat ay sinimulan ring patugtugin ang byulin hudyat na lalakad na ang bride sa gitna. Halos lahat ng panauhin ay nakaharap ang mukha sa likod maliban sa kanya dahil sa groom siya nakatingin. At sa mga sandaling iyon ay isang direksiyon lang ang tinitingnan ng groom - sa asawang naglalakad.

                Suddenly, she thought of her father. Ganito tumingin ang kanyang ama sa ina sa tuwing nag-uusap ang mga ito. Tinging puno ng pagmamahal. Hindi niya namalayang napaluha siya sa iniisip. Nakikita niya sa mga ikakasal ang kanyang mga magulang. Kung gaano kamahal ng mga ito ang isa't-isa. Kung gaano napagtibay ang kanilang relasyon sa gitna ng mga pagsubok. Kung gaano napatatag ang tiwala at pananalig sa ilalim ng temptasyong ibinibigay ng mundo. At kung gaano siya kasuwerte sa pagkakaroon ng ganoong klaseng magulang.

                Takipsilim na nang matapos ang kasal. Sa hardin din ng mga ito naganap ang salo-salo. Nakatayo siya sa harap ng imahe ni Mama Mary malayo sa karamihan. Sa ibabang bahagi ng imahe ay may katamtamang liit na fishpond na napapaligiran ng sari-saring kulay ng ilaw. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga maliliit at malalaking isdang naroon. Mula sa likod niya'y nagsalita si Angela.

                "Nica. Kanina pa kita hinahanap. Hindi ka pa ba kakain?"

                Hinarap niya ito. "Mamaya na lang siguro. Madami pa kasing tao."

                "Huwag mong sabihing nahihiya ka na naman."

                Ngumiti siya. "Hindi pa naman ako gutom eh."

                "Sumunod ka dun ha?" Babalik na sana ito nang magsalita ulit. "Siyanga pala. Napansin mo ba iyong photographer? Ang gwapo. Kung 'di ako nag-iimagine, palagi iyong nakatingin sa'yo."

Love At First Shot (Accidentally In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon