|CHAPTER EIGHT-THE TRAP|

1.6K 31 5
                                    

|CHAPTER EIGHT-THE TRAP|

|VENUS ALEXA|

Hanngang ngayon iniisip ko padin yung sinasabi ni Caster. 

May meaning ba mga sinasabi ng lalaking yun? may topak din ata yun tulad ng pinsan nyang si Jp. Kung may sasabihin ayaw nalang deretsahin. 

Sayang yung ice cream kagabi huhu bat ba kasi nya hinulog yung baso. Tanga tanga talaga yun si Jp. Pero bat ba kasi may pa-ice cream pa? pafall na naman? eh ano pa ihuhulog ko e hulog na hulog na nga sagad pa sa simento jusq. 

Nakalimutan ko na pala yung pangseseduce ko hays. Nagmove on lang ako dun sa kiss namin last time. Sobrang saya sa feeling at the same time nakakapangsisi. Paano kung mahalata na nya yung plano ko diba?

Pano kung layuan nya ko bigla? gosh hindi ko kaya yun!! 

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama ng tanghaling tapat. Bibili akong yelo ang init din kasi. Tyaka need ko makausap ulit si Aj. Kailangan ko pa ng tactics kasi nauubusan na ko!!

Kumuha ako ng payong at lumabas ng bahay. Medyo malapit lang naman yung tindahan nila Aj. 

As usual tambay padin sa tindahan tong si Alfonso Juaquin.

"hey. pabiling yelo" bungad ko. Kaso tutok ang loko sa pagmml.

Kinalampag ko ang bintana ng tindahan nila gamit ang baryang dala ko.

Nagulat naman sya at nagbaling ng tingin sakin.

"pabiling yelo" at inabot ko ang baryang limang piso.

"bibili ka ba talaga ng yelo o manghihingi ka na naman ng seducing skills?" sabay irap nito na parang buryong sa buhay.

"pwedeng both? charot! bibili talaga ko bilisan mo" pumasok sya sa loob at bumalik ng may dalang yelo.

"sure ka di kana manghihingi ng tulong? suko kana? ano sakin ka nalang?" tumawa pa ito.

"alam mo Alfonso Juaquin baka gusto mong binabasag ko sa ulo mo yang hawak mong yelo. Ano gusto mo ba?" inirapan ko ito .

" 'to naman napaka seryoso hot na hot e eto na yung yelo mo ng lumamig naman yang ulo mo" inabot naman nya sakin ang yelo at nagbayad nako. "bye!!"

Humakbang na ako at tumalikod sabay humarap ulit.

"ano nagbago na isip mo? magpapatulong ka na naman?"

"grabe sa na naman ha! HAHAHA pero parang ganun na nga hehe" nginitian ko ito ng abot tenga.


"All you need is eye contact with pleasure desires"

"grabe naman sa pleasure chuchu di naman ako rapist" natawa nalang ako sa nasabi ko sabay palo sa balikat nya.

"alam mo Vee matalino ka pero may pagka-slow" 

"hehe sorry naman aba explain mo kasi saken"


|JUSTINE PRIMO|

Nagiging weird nako sa totoo lang pansin ko din sa sarili ko. Baka isipin ni Vee nagiging possessive akong kaibigan na kahit pinsan ko ayokong kaibiganin nya. 

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon