|CHAPTER FIFTY FIVE-DOUBTS|

720 30 47
                                    

|CHAPTER FIFTY FIVE-DOUBTS|

|VENUS ALEXA|

Hindi ko nacheck ang phone ko kanina, binaha na pala ko ni mama ng texts. Sinabi kong dito muna ako magsstay sa hacienda nila Jp sa Ilocos Sur pero di ko nasabi kung kelan ako uuwi. Kapag nagyaya na siguro si Jp umuwi. Ang mahalaga nagsabi ako hehe. Pero di ko muna sinabi yung engage na ulit kami ni Jp. Mas maganda kung sa personal para mabatukan niya ko.

Nasa balcony ako ng guest room ngayon. Umalis muna si Jp gamit ang kotse ko para bumili ng maintenance ni tita-mama since sabi ni Cha ay paubos na ang gamot nito.

Iba pala talaga ang ihip ng hangin dito, sobrang sariwa at malamig sa balat hindi tulad sa Laguna mainit maski ang simoy ng hangin. Kaya siguro nung panahong malala pa ang hika ni Jp ay dito sila nagbabakasyon.

Nagulat ako nang magring bigla ang phone ko. Akala ko si mama yung tumawag, si Cheska pala. Sinagot ko ito. "hello bakla, anong meron?"

"hoy gaga ka, sa inyo ni Primo anong meron?"

Napakunot naman ang noo ko. "anong sinasabi mong anong meron samin?" 

"may nakakita daw sa inyo sinabay mo si Primo sa kotse mo, ano kayo na ba ulit?" sabi nito mula sa kabilang linya.

"gusto ko sana sa personal ko sabihin pero since tinanong mo ikkwento ko na" I sighed. "we're engaged!!" masaya kong sabi.

"ano?!! agad agad?? parang dalwang araw pa lang kayong okay engaged na agad?" gulat na gulat na sabi nito sa mataas na tono.

"eh mahal ko eh"

"hoy bakla mamaya ginagantihan ka lang nan ni Jp papaniwala ka agad diyan" 

Napasimangot ako. "hindi naman siguro"

"nakita ko yan kagabi nung bumaba ako sa lobby may kausap sa phone mukhang seryoso pinaguusapan" 

Nakaramdam ako bigla ng pagdududa sa sinabi ni Cheska, what if gumaganti lang siya? what if di na niya talaga ko mahal?

"huh? anong narinig mo?"

"di ko narinig masyado malayo kasi siya, basta puso mo ingatan mo ha marupok ka pa naman"

"awit sa marupok" nawalan ako bigla ng gana. I can't help but to doubt Jp.

"marupok ka naman talaga tignan mo hinalikan ka lang feeling mo mahal kana"

"sakit naman nun" napaupo ako sa simento sa panlalambot. 

"oh ngayon balak mo pa ituloy?"

"di ko alam, in next two months ikakasal na kami. Medyo nagmamadali nga siya"

"hala bakla bakit ganun ang bilis masyado, lalo tuloy akong nagduda. Imposible namang nung isang gabi lang sabi niya wala na siyang nararamdaman sayo tapos ngayon biglang nagbago, gusto kana agad pakasalan"

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang mapigilan ang paghagulgol. Sobrang iyakin ko talaga pagdating kay Jp.

"so sinasabi mo hindi dapat? na hindi niya dapat akong balikan at pakasalan ganon" hindi ko na din napigilang mailabas ang salitang ayokong bitawan, nasasaktan na din kasi ako sa sinasabi ni Cheska na parang iniisip niya na hindi pwedeng magbago ang isip ni Jp na hindi na dapat akong binalikan.

"bakla hindi naman sa ganon, ang sakin lang sana hindi minadali kasi isipin mo naman ang tagal niyang ginawang miserable ang buhay mo tapos babalik nalang siya bigla, hindi masamang maging marupok pero sana naman magisip ka muna para di kana masaktan ulit. Sinasabi ko lang ang opinyon ko ha? wag ka masaktan love ka namin kaya magisip ka muna okay?"

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon