|CHAPTER TWENTY- URGES|

1.1K 18 0
                                    

 |CHAPTER TWENTY-URGES|

|JUSTINE PRIMO|

Di ko alam kung matatawa ba ako or maiinis sa mga dati kong kaklase. Ang lakas parin nila mang asar. Napagusapan na namin kung magkano ang ambagan. Actually ang babayaran na lang namin ay yung cottages or rooms na i-o-occupy namin dahil nagdonate na ang isa naming kabatch dati na si Erza Borja na nasa US ngayon for the food.

Sa Laiya Beach kami mag re-reunion kasama ang dati rin naming adviser na si Mrs. Dacena at ang anak niyang kaklase rin namin dati na si Mariel Dacena. Nandun rin ang dati naming muse na umamin saken dati na si Kiana Avril na parang pinagseselosan ni Venus. Alam ko naman yung babaeng yon lahat ng feeling niyang mas maganda sa kanya kinaiinggitan niya.

Nasa kotse na ulit kami ni Venus. Hindi ko siya kayang tiisin kahit palagi niya kong iniinis.

"Maganda ba dun sa Laiya ?" tanong ko. Para naman may mapagusapan kami.

"malay ko? Nakapunta na ba 'ko d'on?" iritable niyang sagot. Ano na naman kayang problema ng babaeng to. Ako dapat yung galit dahil dun sa ginawa niya. Wheather it is accident or not. I hate to admit this but I hate it when she does that to me. It kills me.

"ang sungit naman...balita ko kasama si Keifer..." si Keifer ay yung inaasar ko sa kanya lagi. Lagi ko kasi siyang nahuhuling nakatitig d'on.

"sino?"

"si Keifer. Yung dati mong crush-"

"sinong nagtanong?"

Grabe na ang kasungitan ng babaeng 'to. "meron ka pa ba?" di ko mapigilang itanong.

"wala na ano isang buwan akong may regla?" at nakita ko sa peripheral view ko na nag pout siya.

"so bakit ang sungit mo? Tell me...insecure  ka ba kay Kiana? Haha" pangaasar ko

"hindi noh! Bakit ako magseselos d'on eh gluta lang ang laban n'on saken! Tyaka mas maliit ang bewang ko d'on at-"

"at may fiancee na siya. Nakakatawa ka talaga Vee ang sabi ko insecure hindi selos"

|VENUS ALEXA|

Nainis talaga ako dun sa Kiana na yun. Napansin ko kasing mas lalo siyang gumanda kesa sa saken! at napansin ko rin na dumadaan ang tingin ni Jp kay Kiana. Ganun ba siya kaganda na para pati si Jp maattract sa kanya nakakainis talaga.

Halos buong biyahe lang naman ako nagiisip kung paano tatalbugan yung Kiana na yun. Mag two piece kaya ako? at nakakainis lang! inaasar na naman niya 'ko sa Kiefer na yun! Ang kulit naman! Nagiisip ako dito eh! Di ko naman kaya naging crush yun! Pero... Kung naasar ako kay Kiana... Baka maasar rin siya kay Kiefer... At kapag naasar siya tulad ko... Eh di nagseselos siya. At kapag nagseselos din siya tulad ko. Baka mahal niya rin ako. Lakas ko rin umasa noh? Pero unti-unti narin naman akong napapagod. Siguro last na 'to... At after nito ay baka umayaw na 'ko. Na baka yung pag-asa ko na magiging kami ay baka maglaho na...

Pagka-uwi namin ay hinanda ko na ang mga isusuot ko. Dapat lahat ay daring. Napairap ako. Tanga lang? may mga two piece ba ko? eh heram ko lang lahat yun kay Kath.

Agad kong tinawagan ang pinsan kong si Kath. "hello? Chacka! bakit ka napatawag?"

"may kailangan ako sayo!"

"wag mong sabihing mangungutang ka ng andabels? wala akong pera!" matawa tawa niyang sabi.

"lukaret! magdala ka ng mga two piece mo! Mamimili ako"

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon