|CHAPTER THIRTY NINE-THE DIARY|

734 25 6
                                    

|CHAPTER THIRTY NINE-THE DIARY|

|VENUS ALEXA|

"anak bakit ka nagiimpake? magtatanan na ba kayo ni Jp?" bungad ni mama pagkapasok niya sa kwarto ko. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng nagaalalang tingin.

"opo ma, magtatanan na kami. Payag ka po ba?" sarkastiko kong sagot. Nakatanggap ako ng batok mula kay mama.

"may nagtatanan ba na nagpapaalam gaga ka talaga!"

"eh kasi naman tinatanong mo eh" tumawa ako ng bahagya para di masyado magmala mmk ang pagalis ko.

"yung totoo bakit ka nagiimpake ha,  Lexa?" naging seryoso ang tingin ni mama at parang bigla akong nakaramdam ng lungkot. Di ko na masyado makikita ang pamatay nyang tingin. Yung literal ha! yung makita mo palang parang maghihingalo kana char.

"hirap po kasi tuwing gabi ma ang layo ng byahe nasama kasi lagi pakiramdam ko sa mahabang byahe kaya hahanap ako ng medyo malapit na mauupahan sa trabaho ko" sinara ko na ang maleta at nginitian si mama. "wag kang magalala ma makikita mo pa din naman ang mala dyosa mong anak kasi bibisita naman ako every now and then"

"ganun ba? sigurado ka hindi kayo magkasama ni Jp? ikaw lang ba talaga magisa sa uupahan mo?" binigyan ako ni mama ng naniniguradong tingin with matching pikit ng isang mata.

Hindi ko siguro muna sasabihin na kasama ko si Jp, baka isipin nan buntis ako kaya magsasama na kami o kaya baka mabuntis kaya baka di pa ko payagan hehe. Naututunan ko simula bata ako, kapag alam mong di ka papayagan wag ka magpaalam. "o-oo naman ma, papayagan ba yun ng magulang niya kita mo naman yun baby'ng baby kasi alam mo na uniko hijo nila" sinundan ko pa yun ng tawa para mukang totoo.

Umismid naman si mama "nako Lexa pag nalaman ko lang talaga hihilahin ko yang buhok mo pauwi"

"ang brutal naman nun" niyakap ko si mama para di na magalit. Mamaya magbago pa isip.

Niyakap din ako ni mama pabalik. Eto kasi yung unang beses na magkakalayo kami. Ever since kasi ako lang yung kasama niya na never siya iniwan. Ayoko naman talaga umalis, natatakot lang talaga ko. Natrauma din ako sa nangyari ng nakaraan kasi parang palala na ng palala.  Sana lang di siya lokohin ng lalaking yun. Sana di siya ganun sa ibang babae, nakakaloka naman kasi may pagkamanyak err.

Nagulat kami pareho ni mama nang magring yung phone ko. Nanakbo ako sa bedside table ko at kinuha yun para sagutin. "hello, wee?"

"si Jp ba yan?" tanong ni mama at lumapit saken.

"opo ma, wait lang" medyo lumayo ako kay mama dahil baka mabuking kami. Agad ko ding pinatay at nagmadali na sa pagiimpake.

"ano gang sabi?" si mama talaga paka chismakers. Huhulihin talaga ko nan eh.

"nasa baba na daw siya at siya ang maghahatid saken" sagot ko at binuhat ko na ang isang malaking maleta pababa.

Tinulungan naman ako ni mama sa pagbubuhat hanggang sa makalabas kami ng bahay "gusto mo bang samahan na kita para may makatulong ka sa pagiimis sa lilipatan mo?"

"wag na po ma kaya ko na po yun at baka mapagod ka pa ha? love you bye naa" binuksan ko na ang gate at bumungad si Jp na nagiintay sa labas. He's wearing his formal suit. Mukhang ihahatid lang talaga niya ko at magdadaretso na siya sa trabaho.

"bye anak" hinalikan ako ni mama sa pisngi bago ako tuluyang makalabas. Kinuha naman ni Jp ang maletang buhat ko. "ingatan mo yang paghatid kay Lexa at lagi mong ipaalala dyan na laging maglalock, mas ulyanin pa yan saken"

"opo, tita ako po laging magpapaalala sa kaniya ng mga bagay na madalas niyang nakakalimutan" sabi niya lang yun dahil makakalimutin din sya tse.

Ipinasok na ni Jp sa back seat ang maleta dahil malamang nasa likod ang mga gamit niya. Nagpaalam na ulit kami kay mama bago tuluyang makaalis. 

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon