|CHAPTER FIFTY SIX-CHANGE OF PLANS|

713 27 26
                                    

|CHAPTER FIFTY SIX-CHANGE OF PLANS|

|JUSTINE PRIMO|

"sure na po ba kayo sir sa 30k na budget?" nagaalinlangan namang tanong ni Cess. "kasi sir kung church kasi may entourage pa, then yung reception, yung foods, floral arrangements sa church and reception pa, then yung invitation cards pa ninyo and para sa wedding giveaways. May bayad din kasi sa church, sa pari pa, at yung paggamit ng amenities sa church is may dagdag expenses pa. Normally kasi mga 70-100k simple church wedding pa lang yun, depende pa din sa dami ng guests tapos yung ilalaan lang natin 30k baka kapusin po tayo kasi yung 30k na yun halos payment nyo lang po samin kung tutuosin" dagdag paliwanag pa nito.

Ctto:mitchsh

Naintindihan ko naman ang paliwanag ni Cess. Nakapangako na kasi ako kay Venus na sa Baroque Church kami magpapakasal baka naman magbago ang isip nitong pakasalan ako kung sasabihin kong mag civil wedding nalang kami. Mas magkakaproblema pa ako hays.

"okay susubukan kong itaas yung budget kahit sana 400k to 500k. Akala ko siguro birthday lang 'tong pinaplano natin, silly me. For now ito muna ang paguusapan natin gusto ko kasing marinig din ang opinyon ng fiance ko" I said before sipping my coffee. 

"baka naman kasi sir hindi nyo pa ito napaguusapan ng mas malalim at mas matagal pansin ko kanina may hindi kayo pagkakasunduan hindi naman ata maganda na habang nagpaplano tayo ay magkaaway kayo magiging chaka tulad ni Barbie ang kakalabasan ng kasal" sabi pa ni Cess.

"you're right Cess thank you for making my wedding happen in no time...thank you for your time at sayo din Barbie" nakangiti kong sabi sa kanila.

"thank you din sir dahil samin nyo piniling magtiwala, see you in two weeks" pagpapaalam naman ni Barbie.

"no, make it in next week" I suggested since may hinahabol akong oras.

"sure sir kayo pong masusunod" nakangiting sagot nito.

"gown picking po next week pasabi nalang po kay ma'am Venus" sabi ni Cess.

"madali lang yung pagpili ng gown eh pwedeng last na yun? baka madagdagan pa kasi ang sukat ni Venus baka hindi na magkasya yung mapipiling sukat mahirap na mahal pa naman magparepair" I suggested.

"wow kaloka naman talaga 'tong si sir sobrang tipid" pagbibiro ni Cess.

"kaya nga sir ang laki laki netong mansyon nyo oh" dagdag pa ni Barbie.

"nagiging praktikal lang ako baka kasi maghiwalay din kami" biro ko.

"hala ka sir?" gulat na reaksyon ni Cess.

"just kidding" bawi ko naman at tumawa ng nakakaloko.

"ay sya sige sir mauuna na kami" pagpapaalam naman ni Cess.

"sige sir gorabels na kami" sabi pa ni Barbie.

"Nako Naru saan ka ba nagpunta?" inis na tanong ni Cess sa lalaking dumating, yung kaninang lumabas.

"diyan lang sa labas" naiinis na sagot nito.

"oh siya buhatin mo na yung mga magazine" utos sa kaniya ni Barbie.

Tinitigan muna ako nito ng parang sinusuri ang buong pagkatao ko. There's something in this guy na nakakainis. 

Nang makaalis na sila ng tuluyan ay kinuha ko ang cellphone ko at nagdial.

"hello, Primo?" sagot nito sa kabilang liniya

"yes, it's me" sagot ko naman. "change  of plans...itataas ko yung budget sa wedding gagawin kong less than 500k"

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon