|CHAPTER THIRTY EIGHT-IN ONE ROOF|

883 33 10
                                    

|CHAPTER THIRTY EIGHT- IN ONE ROOF|

|JUSTINE PRIMO|

Nakayuko ako sa balcony at pinipigilang hindi mapaiyak. Sobrang lungkot lang dahil wala na si lolo Port. Napabaling ako sa sariling balcony nila Vee. Nandun din pala siya at pinagmamasdan kung gaano ako ka-frustated. Pinilit kong ngumiti upang hindi ito magalala pa sakin.

"Wee...I love you " she shouted from their balcony at some point ay ikinagaan 'yon ng loob ko. Parang yung bagahe sa dibdib ko ay nawala nalang bigla.

"I...I love you too, Wee" I gave her the best smile I could give right now.

"okay ka lang?" she mouted.

I just nod and gestured that I'm going inside now. I can't let her know na malungkot ako dahil kilala ko yan si Vee, kung anong nararamdaman mo mararamdaman din niya at ayokong malungkot siya.

Maliligo na 'ko dahil pupunta ako sa burol ni lolo .Ang hapdi pa pala talaga ng tattoo ko sa palad. Pagkalabas ko ng bahay ay nasa labas din si Vee na parang sinadya niya talagang intayin ako.

"s-san punta mo Wee?" nakangiti niyang tanong.

"wala..." matipid kong sagot.

"wala? Eh nakaporma ka... Sama ako" pilit pa niya.

"hindi pe-pwede Venus Alexa..." lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. Kapag seryoso ako or galit...I call her by her full name.

"nakaligo na ako kaya please sama ako" pilit pa niya.

Hayy... How could I resist her?? "okay...isasama kita kaso commute tayo hah?"

"oks lang basta magkasama tayo" inakbayan ko siya. Napangiti na lang ako. This girl is my laughing gas.Kapag wala siya ay baka hindi na 'ko makatawa pa.  As ussual sa charity na naman ako at siya sa upuan. I'm trying my best na maging gentle man...now that she's already mine. 

Pagkarating namin sa chapel kung saan nakaburol si lolo ay nagulat siya."who??" Di ko nga pala nasabi sa kaniya na sa burol ang punta namin. Nakawhite naman siya pero red ang manggas ng long sleeves niya. Napa iling ako. Bakit hindi ko ba siya pinagpalit muna.

"my lolo Port " nagiwas ako ng tigin.

"sorry...kung alam ko lang...di na sana ako nagpumilit sumama tapos ganito pa suot ko, haharap ako sa mga kamag anak mo tapos ganto ayos ko" tarata niyang sabi.

Hinubad ko ang jacket kong suot. May shirt naman ako sa loob kaya okay lang "ssshhh let's get inside "inabot ko sa kaniya ang jacket kong black "eto, suotin mo nalang balak ko din na ipapakilala kita sa iba ko pang kamaganak "

Nagulat ang lahat sa pagpasok namin. Nakaakbay lang ako kay Vee."Everyone she's my girlfriend....Venus Alexa Va--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may pumutol non.

"Vasco..." si lola pala ang nagsalita. "ang anak ng kabit ng lolo mo...bakit mo dinala 'yan dito?? At girlfriend mo pa?"

19 years ago nagkaroon ng issue sa pagitan ng pamilya namin and that's the reason behind the seperation of her parents. Hindi ko siya maipagtanggol. Hindi ako makapagsalita. 

"paalisin mo yang anak ng kirida dito!" sigaw naman ng tita ko na pinsan ni papa. Napabitaw ako sa pagkakaakbay kay Vee at nanatiling nakatayong parang bato.

Tiningnan ako ni Vee na para bang hinihintay niya 'kong ipagtanggol siya. Pero walang boses ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya dapat ipagtanggol o dapat ba.

Luhaang lumabas siya ng Chapel. Naiwan ako d'ong nakatayo ."bakit po kayo ganyan? Di nyo manlang po ginalang ang burol lolo...bumisita po siya dito bilang girlfriend ko at hindi bilang anak ng kabit o kirida ni lolo Port...mahal ko po siya...at alam kong mamahalin nyo rin siya dahil mabait po siyang tao...iginalang niya ang desisyon nyo at lumabas lahit walang magandang rason..." tatalikod na sana ako nang magsalita si lola Julia.

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon