|CHAPTER FORTY EIGHT-FAREWELL GOODBYE|

679 24 15
                                    

|CHAPTER FORTY EIGHT-FAREWELL GOODBYE|

|VENUS ALEXA|

Bukas na pala 'sana' ang fourth monthsary namin. Hindi ko na napigilang mapaluha. Kung hindi ba 'ko naginom at nagkasala ng gabing yun, kami parin kaya? Kung inintindi ko ba siya kami pa kaya? Kung pumayag akong LDR kami, may kami pa kayang matatawag? May 'we' pa kaya? Ang tanga ko talaga. Dapat pumayag na lang ako eh. Para nga diba yun sa future? Sa future niya! Pero wala na...ang masakit don ay hinayaan niya lang ako, kung hindi niya 'ko hinayaan I won't end up drinking hays. Pride wins!

Natigil ako sa pageemote nang may tumawag. Unregistered number? so kelan pa kumalat ang number ko? Sinagot ko nalang.

"hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"Venus?" sagot naman nito. Wait? si Chant ba 'to? paano naman nakuha ng babaerong 'to ang number ko?

"saan mo nakuha number ko?"

"di na mahalaga yun okay?" he sighed "makinig ka, Alam mo ba..."

"hindi pero kung sasabihin mo ay baka malaman ko" napairap ako.

"eto na namimilosopo pa eh" naiinis na sabi nito "Ganito kasi yun...after we pay him off he immediately booked his flight"

Shit! Pinigilan kong hindi maluha nang marinig ko yun. So itutuloy niya talaga yung plano niyang iwan ako? I sighed "o-oh? Tapos? Anong gagawin ko? Mag-goodbye sa kanya at sabihin ayos lang na iiwan niya 'ko gan'on?"

"hindi naman sa gan'on...pero parang ganon narin" bahagyang tumawa ito "today is his last day para ma-i-celebrate ang Despedida Party niya ano a-attend ka ba?"

Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Kaya naman tinakpan ko muna ang speaker para hindi ako marinig sa kabilang linya. Nang humupa na ang luha ko ay nagsalita na ulit ako "h-hindi ako pupunta boset siya!"

"Di ka manlang ba magf-farewell goodbye? bahala ka...baka magbago pa isip n'on at hindi na umalis kapag pumunta ka d'on--"

Nabuhayan ako ng loob at pinahid ang luha ko. "PUPUNTA 'KO, PUPUNTA 'KO!! SAAN YUNG PARTY?"

"hey don't get excited kailangan mo ng bilisan matatapos na yung party sa condo niya kaso aabot ka pa kaya?"

"oo ngayon na mismo pupunta na 'ko!" sabi ko agad na nanakbo palabas ng kwarto ko. Hindi na 'ko nagabalang magpalit kaya kahit naka sando at pajamas lang ako nagmadali na 'kong umalis dahil baka di ko na siya maabutan.

Nang makarating ako sa building ng condo ni Jp ay agad akong nagtungo sa elevator pero ilang sandali pa lang akong nagiintay ay tila ba naiinip na 'ko. Nangangabang hindi na siya maabutan pa kaya naman pinili ko nalang gamitin yung hagdanan.

Habang naglalakad ako papalapit sa mismong condo ni Jp ay nanginginig ang mga kamay ko. Paano kung wala na siya? hay nako kailangan ko magisip ng positibo. Huminga ako ng malalim kahit hapong hapo na bago magdoorbell. Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko at hinahabol naman ang aking hininga. Ilang sandali lang ay narinig ko ng bumukas ang pinto. Pag-angat ko ng tingin ay wala manlang nagabalang tumingin sakin. Lahat sila ay nakataas ang kamay at nakatutok kay Jp. Pinapalibutan nila si Jp kaya hindi ko ito halos makita. Pinag-p-pray over nila si Jp.

Sabay-sabay nilang binanggit ang "AMEN" Tumayo ako ng ayos at pilit pinigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Parang hindi na nagulat ang lahat nang makita ako sa tapat ng pinto. 

Isa isang nahawi ang mga tao at lumitaw si Jp sa harapan ko na nakakunot ang noo. "why are you here?" 

I blink twice "ahm ah..." di ako makahanap ng tamang sagot.

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon