|CHAPTER FORTY ONE-STALKER|

807 25 19
                                    

|CHAPTER FORTY ONE-STALKER|

|VENUS ALEXA|

Nakakapanibago naman gumising sa ibang kama at ibang kwarto. Comfy naman pero parang di lang ako masyado sanay. Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa kurtinang bahagyang nakabukas. Mula siguro dito sa malaking glass door na 'to ay makikita ko ang magandang view at malamang ay makikita ko din dito ang building ng station namin. Buti nalang at malapit talaga 'tong condo unit ni Jp sa trabaho kaya medyo lusot ako kay mama just in case bumisita siya. Kailangan ko lang siguro itago si Jp kung pupunta man si mama. 

I stretched my arms and yawn but I got shocked when I felt something. Marahas akong lumingon sa kabilang direksyon at napasigaw nang may makitang nakatalukbong.

Tinanggal niya ang pagkakatalukbong at nagkahampasan kami ng kamay sa gulat namin sa isa't isa. "waah!" sigaw ko.

"aray! wee masakit!" sigaw naman nito at pinigilan ang magkabila kong kamay sa patuloy na paghampas sa kaniya.

"pano nakakagulat ka, kagabi wala ka naman diyan tapos ngayon makikita kita diyan," binawi ko ang kamay ko na mahigpit niyang hinahawakan " what happen to your safety chuvanes?"

Napakamot naman siya sa batok "ah...kasi nagsasalita ka kagabi na parang binabangungot ka and as a loving and caring boyfriend binantayan kita"

"daming alam jusko sasabihin lang na gusto ko makatabi di pa masabi diyan ka na nga" tumayo na ako at nagtungo sa shower. Ewan ko ba kung anong naisip ko at maliligo na agad ako pagkakagising ko. I was about to pull down my dress when someone carry me.

"Venus naman why on earth are you taking a bath this early?" hiniga ulit ako nito sa kama. "alam ko night shift ka, uunahan mo pa 'ko maligo imbis magluto ng almusal natin"

"nagagalit? aakitin lang naman kita kasi feeling ko ginawa 'tong shower room na 'to para sa pangaakit"

He gave me unbelievable look "are you out of your mind? umagang umaga magseseduce ka?"

"why? are threaten?" I laugh.

"what ever magluto kana bago ko pa maisipang ikaw ang kainin"

I gasp. "WHAT!" did the word really came out of his noble mouth?!

"syempre joke lang di ka naman masarap" the he went out of the room.

Gago yun ah anong di ako masarap! baka kapag natikman nako charot ang halay na umaga naman neto. Lumabas na 'ko ng kwarto at naghilamos sa cr. Nasa sofa si Jp at malamang ay nagmml na naman.

"umagang umaga ml? ano yan nalang almusal mo?" inis kong sabi at padabog na kinukuha ang kasangkapan.

"tulog pa kasi mga bata walang cancer" sagot naman nito habang busy padin sa pagdutdot sa cellphone.

"cancer cancer, imbis tulungan moko dito"

"wag kana magalit diyan mommy"

"anong mommy ka diyan!"

"mommy ng magiging anak ko bakit?"

"ewan ko sayo" sabi ko nalang at nagsimula ng magsangag ng natirang kanin kagabi. Mga lalaki talaga alam na alam ang kiliti ng mga babae nila. Di ata lilipas ang isang oras na inis ako sa kaniya sa galing nya mangbola.


"ang sarap ng luto mo mommy"

"wee ang endearment natin talaga" inis kong sabi.

"mommy na pala gusto ko kasi parang asawa na din naman kita eh"

"wee nga kasi!"

"okay po, wee. Inis na naman ang future asawa ko eh" he said then massage my right shoulder na agad ko namang hinawi dahil nakikiliti ako.

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon