|CHAPTER TWENTY SEVEN-HIS EX|

1K 22 6
                                    

|CHAPTER TWENTY SEVEN-HIS EX|

|VENUS ALEXA|

May hosting kami ni Vin sa Padis Point Calamba. Actually siya lang dahil hindi naman ako umakyat ng stage. Nandun lang ako para samahan sya dahil sya ang partner ko pero napagusapan na namin na hindi ako nagpapakita sa fans ko. Nung una nagtaka sya but then inexplain ko naman kung bakit at naiintindihan naman daw nya. Nasa stage sya at nagpapakilig ng mga babaeng nasa Padis. Hay nako yang lalaking yan papaasahin pa ang fans nya sa pakilig kilig na banat nya. Napairap nalang ako sa kinatatayuan ko.

"Hi na lang kay Dj Vee" sabi ni Vin sa mic. Nagulat ako dahil di ko ineexpect na babatiin nya 'ko luko luko talagaaa arrggh!!

"nandito po si Dj Vee!??"

"kyaaahhh!! Nasan po siya?!"

"Yung pinaka magandang babae sa lugar na 'to hanapin niyo na lang..." he said then winked at my direction. Kotong ka talaga saken Vin mamaya!!

Nagkuyari akong fan din ni ng sarili ko "nasan kaya siya" malapit na sa pa-tomboy ang boses ko para walang makahalata.

Nang matapos ay bumaba na si Vin at pinagkaguluhan buti nga sa kanya. Sana matanggalan sya ng tenga! Nagsuot siya ng shades at inalalayan ng bouncers.

Kung hindi lang siguro kami sa trabaho nagkakilala ay baka magwapuhan pa 'ko eh. Nakakagigil kasi ang pagkakakilala namin. Nag suot narin ako ng shades at hood bago pumasok sa kotseng black ni Vin. At tulad ng sinabi ko kanina sa isip ko ay kinotongan ko siya.

"para saan yon! Walanjo!!" sinapo nito ang batok na hinampas ko

"para saan?! Loko ka! Ayoko ngang magpakita eh tapos binati mo pa ko!" sigaw ko at pinaghahampas sya.

He held both of my hands and stared at me for awhile "bakit ba ayaw mo magpakita? Maganda ka naman ah?" namula ako sa sinabi niya.

"e-eh kasi...ayoko ng pinagkakaguluhan...may phobia ako sa masikip at mainit na lugar...buti na lang at hindi ako hinimatay kanina" nagiwas ako ng tingin. Tinanggal na nya ang pagkakahawak sa kamay ko at pinaandar ang kotse.

"okay...sorry. I-t-treat na lang kita sa mall" 

"anong oras na oh mag-nnine na baka sarado na ang SM at baka---

Hindi na ako nito pinatapos magsalita "bukas pa yun ok? in fact hindi nila tayo makikilala, ano ka ba" hinubad nito ang shades at ipinatong sa dash board.

"hmmm....your car seems cozy" pagiiba ko ng usapan.

"that's why sometimes I slept here...but not alone" ngumisi pa ito.

I gave him a disgust look.

"ano ka ba! Nag bibiro lang ako! Napaka seryoso mo naman haha"

"bwiset ka!" sinamaan ko pa 'to ng tingin.

"shhh don't cuss on me babe" he said then gaze at me for a second and lick his upper lip like a maniac.

Napairap na lang ako. Is he actually teasing me?  "sa trabaho mo lang ako pwedeng tawaging babe!!" reklamo ko.

"says who?" at tumawa pa ito

"says the woman you're calling babe! dummy!"

"haha cute ka pala kapag nagagalit, babe"

Grrr!! Tumahimik na lang ako. Hindi ko kayang kumausap ng panusot! di ako mananalo. Parang si Jp lang mangasar hayst. Wait? bat naalala ko na naman sya argh!


"natahimik ka ata? Hindi ako sanay, babe haha nandito na tayo" tinanggal na nito ang seat belt at bumaba na.

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon