|CHAPTER FIVE-AWKWARD PARTY|

2.6K 33 1
                                    


|CHAPTER FIVE-AWKWARD PARTY|

| VENUS ALEXA |

Pinakilala pa 'ko sa ka office mate niya!

"Vee, anak" napabaling ako agad kay tita-mama. Hinahabol ko kasi ng tingin sina Jp. Mukhang nagtatalo sila nung ka office mate niya eh.

"a-ano po 'yon?"

"pwede bang ikaw na ang magprito nitong bistek na baboy? maglilinis lang ako saglit ng katawan. Dugyot na ba? haha di naman pwedeng humarap ako sa katrabaho ng asawa ko ng ganito, diba?" ngumiti pa ito. Now I know where Jp inherited his smile

"opo. opo" naglakad na ito paakyat ng second floor. Whuuut?! iutos niyo na lahat saken kahit maglaba ngayon na, pero wag lang magprito! ayoko pang mamatay!-- hindi sa paso kundi sa heart attack! Takot talaga ako magprito lalo pa sa bistek na baboy? whaaa!! matilamsik yun eh!! Pero kailangan kong magpalakas kay tita-mama to get her blessing. Hanudaw? ano ikakasal lang ang peg? wala pa ngang aminan na nagaganap eh!Pagkatapos kong pakuluin ang mantika ay dahan dahan kong ibinaba sa kawali ang unang bistek. Pussssaaaaaaa!!! natilamsik na agad!!!!

"whaaa!! aray!" lumayo ako ng bahagya at dumampot ng takip ng kaldero. I'm a Cavalier!! hindi pala, Warrior ako! Habang hawak sa kanang kamay ang spatula ay hawak ko naman sa kaliwang kamay ang takip ng kalderong malaki habang naka fighting stand.

"WA-YAHH!!" nadali ko ng takip ng kaldero ang sinumang humawak sa balikat ko.

"aray..." parang robot na sabi ni Jp. Nyehehe si Jp lang pala."paano mo yan maluluto eh ang layo mo masyado?" inagaw nito ang spatula at dumampot ng bistek gamit ang kaliwang kamay at inilapag sa kawali.

Whhhhhaaaaat?!! That easy?!

"di ka ba natatakot masaktan dahil sa tilamsik?"

"nope. Ang masaktan sa tilamsik ng matika ng iyong niluluto ay parang pagmamahal. Sa una masaya sa idea na masarap ang ulam pero bago mo matikman ang masarap na ulam ay kailangan mo munang masaktan sa pag p-prepair niyon. Same as love, para makarating sa happily ever after kailangan mo munang pagdaanan ang pain and hardships to know that the person you want to spend the rest of your life is worth it."

Wow! nagpagusapan lang ang pagluluto napunta na agad sa love?

Hehe kidding aside yan naman talaga ang tama! lagi ko yang sinasabi sa mga caller ko. Pero s'an naman kaya niya napulot 'yon?Lumabas siya kanina ng bahay nila diba? baka sa daan o sa tapat lang nila nuh? Kaloka rin 'tong si Jp eh! Salamat at back to normal na kami. Hoo. Buti naman at hindi naging masyadong awkward ang lahat. Our friendship is save. Eh ang puso ko? Ligtas pa ba? Nandito pa naman. Kailangan ko 'tong ingatan para kapag ibinigay ko na sa kanya ay healthy at buong buo ^_^Tanggapin naman kaya niya?

Si Jp na ang nagluto halos lahat ng bistek.Nakakahiya! bad shot na ba 'ko?

"Sir Primo??" May babaeng tumawag mula sa labas kaya ibinigay ni Jp ang spatula saken.

"hold on a sec" Yung hold on a second ay umabot ng ten years!! sino ba yung babaeng yon?! tapos na ako magluto ng ke tagal tagal gawa ng papatay patay ako ng kalan kada babaliktarin ko at hahanguin para mawala ang tilamsik wala paring bumabalik na Jp?! (taas kamay ng katulad ko magprito!! hoo!)

Arggh!! lumabas ako ng garden nila para makita kung sino ang babae--mga babae pala.

"Vee! nga pala si Kimberly Cavelino Nalaunan, secretary ng Manager ko at si Via Nicole Perez."

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon