|CHAPTER THIRTY FOUR-SEDUCING HER?|

1.1K 36 35
                                    

|CHAPTER THIRTY FOUR-SEDUCING HER?|

|JUSTINE PRIMO|

"pero ako? okay lang masaktan?" sabi ko sa basag na boses. Umiiyak ako sa harapan ng babaeng mahal ko. Sa mga oras na 'to lahat ng pagpapanggap at pagtatago ko ng nararamdaman ko ay bigla nalang sumabog sa isang iglap. Yung mga luha na pinigilan ko at emosyon na tinago ko ay kusang kumawala sa loob ko. Hindi pala masakit na magpanggap na okay kahit hindi, ang mas mas masakit pala ay ang makitang hawak ng iba ang taong mahal mo. Sobrang sakit lalo na kung kikimkimin mo lang. Oo nasaktan ko siya pero nasasaktan din ako.

Oo dati pa lang mahal ko na siya. Siguro nagsimula yun sa simpleng pagkacrush lang dahil sobrang kalog talaga ng babaeng yan. Mabait siya at thoughtful, madali mo ding mapatawa  at mapasaya. Hindi ka makakakita ng arte maliban nalang kapag nakakadiri talaga ang ipapakita mo. Sinubukan kong pigilan kasi baka nalilito lang ako pero habang tumatagal mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi agad ako umamin kasi gusto ko munang siguraduhin yung nararamdaman ko at gusto kong habang binubuo ko yung nararamdaman ko sa kanya ay binubuo ko din ang future para sa kaniya at samin balang araw. Hindi ko lang hahantong sa ganito ang lahat. Hindi ko ineexpect na magkakasakitan kami ng sobra. Love is really unpredictable.

It took a few moments before she answer. She wiped her tears and stood firm. "Ayokong may nasasaktan ako actually kasi alam ko kung anong feeling ng masaktan at umasa. Kung nasasaktan ka man kasalanan mo din yun dahil naging duwag ka, si Vin he is man enough para umamin at ipagtapat ang nararamdaman niya" may pumatak na namang luha sa mata niya at bago ko pa yun mapansin ay agad niya yung pinunasan ng mabilis. "Di ko siya basta pwede iturn down dahil lang umamin ka...You need to fight fair. Hindi porket mahal kita ikaw na agad ang pipiliin ko, you need to win my heart first"

After shedding tears for this woman I still manage to laugh a bit "win your heart even though it is beating for me in the first place?" Bigla siya natigilan. She blushed and I find it cute. "why can't you just choose the one you really love? bakit kailangan mo pa 'kong pahirapan pati ang sarili mo?"

"well...I want to be fair with Vin and even though wala naman si Vin kailangan mo padin ako ligawan. Remember puso ko lang ang nakuha mo pero hindi ako mismo. You need to earn my trust first"

I just nod slowly "okay fine liligawan kita and I will do everything to win your heart...well I already have your heart so trust nalang" then I winked at her.

I was about to hugged her when someone in a security guard uniform approach us. "sir, maam curfew hours na po at bawal po PDA dito"

Nagkatinginan kami ni Venus at parehong nagpipigil ng tawa "Okay po sir, sorry uuwi na po kami" at agad kong kinuha ang kamay ni Venus at niyakag nang umalis.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at naglakad na patungo sa passenger's seat. Nang makaupo ako ay at pinaandar ang makina ng kotse ay nagsalita naman si Venus.

"papahirapan kita kaya humanda ka" umirap pa ito at nilabas ang phone niya. Wow may bago siyang phone? katulad ng 6s ko.

"ready naman ako mahirapan basta makuha ko ang matamis mong oo"

Natawa naman siya "ang corny ha"

"corny daw pero kinilig naman" pangaasar ko.

"baliw ka!"

Bumaling ako sandali sa direksyon niya "baliw sayo" nginitian ko pa siya para lalo siyang kiligin.

Seducing Mr. Virgin (PRIMO/Virgin Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon