Warren POV:
Tutal, kakapadala lang nina mom and dad ng pera galing states, itetreat ko si Mikka at ang bestfriend ko na si Emil. Pinapilit ko nalang si Krisha na sumama. Sana pumayag siya. Exams done na naman eh, kaya siguro papayag dun. *crossed fingers*
"YATS BABY, sasama daw si Krisha!" Sabi ni mikka kaya naman nagkaroon ulit ako ng energy. >:)
Yess! kung pwede lang talaga bawiin lahat ng araw na nasimulan ko na ligawan tong si Mikka. Sana siya ang kadate ko, si Krisha. I want time machine.. bigyan niyo ako please!
"Ah okay. Edi mabuti yun.. I love you YATS BABY"
nag-smile naman siya.. kaya yun... parang tinatamaan ako sa mga ngiti niya. Pero hindi pwede. Loko-loko lang to...
Sa MAX's
Medyo nauna kami ni Mikka.. Susunod nalang daw si Emil at Krisha. Kasi ngpasundo si Krisha kay Emil, para payagan. Tyaka para safe din si Krisha. Nakakapang selos naman sila :((
Halos 15 minutes Dumating na sila ng sabay. Ang ganda ni Krisha! Naka dress siya at heels. Grabe.. talbog ang kadate ko! dinaan ko nalang sa banat ang lungkot ko.
"Yhats baby, tumataba ka yata??"
"huh?!!" takang tanong ni Mikka.
"Tumataba ka , at bumibilog hanggang naging mundo ko." :))
"WHAAAAAA" Hay jusku po. Kakornihan ko lang pala ang kailangan sa babaeng ito.
"Yhats baby, May nahulog sayo oh!!!"
"Ano-Alin?" At naghahanap naman siya sasahig.
"AKO" ^^
"Cheesy ka talaga.." Pianlo palo naman ako ni Mikka.
Sana masabihan ko din balang araw si Krisha. Sana siya yung kaharap ko ngayon. Sana Kami nalang. Puro ako sana.
KRISHA POV:
Badtrip ah, naiinis na ako sa mga banat niya.. buti pa siya.. Sana ako nalang si MIKKA. Para naman kasi sa every banat na sinasabi niya, para din niyang binabanatan ang puso ko.. KORNEY!!!
Pero totoo naman.. Magkahiwalay kami ng table.Kadate niya si Mikka at nagkukwentuhan naman kami ni Emil. Pero kahit kami yung magkausap e kay Warren pa din ako nakatingin. Hindi ko napigilan yung sakit, tumayo ako sa harap ng table namin, kinuha ko yung kamay ni Emil. Walang malisya ah!
"Mikka! Punta lang kami sa may taal view. Nakakaistorbo kami sa inyo ehh."
Hinila ko nalang si Emil at tumakbo bago pa makapagsalita si mikka.
Taal View:
Lumapag ako sa sahig na parang bata. Tinayo naman ako ni Emil at inupo sa bench habang humahagulgol.
"Emil, bakit ang manhid manhid niya?!!!"
"sino?"Tanong ni Emil
pinunasan niya yung luha ko from his own panyo..
"Yang bestfriend mo.! Naging babae ako para sa kanya, pero hindi pa rin niya alam na para sa kanya tong ginagawa ko! Ang sakit sakit kapag nakikita silang magkasama ni Mikka, masaklap, Bestfriend ko pa. Ang sakit!"
"Alam mo hindi niya talaga malalaman yan, dahil hindi ka nagtatapat sa kanya" punas ulit ng luha..
"Kahit naman diba hindi magtapat, diba, mararamdaman niya yun.. umiyak na ko sa harap niya, ang sakit kasi na kapag inamin mo sa kanya, ireject ka niya at may Mikka na siya."
"Teka lang ha" Sabi ni Emil at dali dali siyang bumalik sa MAX's. Baka may nakalimutan lang sya. Pero natauhan ako sa sinabi niyang kaya hindi niya malaman kasi hindi ko magawang magtapat kay Warren.. Pero magiging magulo kasi eh. Tyaka babae ako. Mahirap na mag confess ako.
WARREN POV:
Nalungkot ako nung umalis sila.. Medyo magkatabi lang kasi yung MAX's at Taal View eh glass window pa yung sa max's kaya kita ko yung ginagawa nila. Nagtataka ako na bakit umiiyak si Krisha.. Gusto kong sapakin si Emil baka kung anong ginawa niya pero nakapag-pigil sakin nung pinunasan niya ng luha si Krisha. At sa mga sandaling yun, Bumalik si Emil sa table namin.. at hinila niya ako palabas ng restaurant..
Ang higpit ng hawak niya!!! may masama atang mangyayari na wala akong idea.
"Pare, aray ko! bakit ba?!!"
Nang paglabas namin, wlang tao kaya nasapak niya ako ng isa. hindi ko alam kung bakit..
"PARE, Wala sa usapan natin ang magpaiyak ng babae!! Konting respeto!! para yan sa pananakit mo kay Krisha!! Wag na Wag mo muna siyang lalapitan ngayon!! Sobrang sakit ng ginawa mo sa kanya. Wag kang magkamaling lapitan siya, at ako ang makakaharap mo!!" Sigaw ni Emil. Buti wala pa namang masyadong tao dito.
Wala talaga akong idea. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali.. Ang labo..
"Ang Labo mo pare.. Hindi kita maintindihan.. Wala akong ginawa kay Krisha"
Sinapak niya ako ulit.. ang sakit na ah..
"POTEK!! Manhid ka pare.. Hindi ko alam na ganyan ang bestfriend ko!" Sabi ni Emil at umalis na. Eh gag* pala siya e. Hindi ko natalaga alam ang ginawa ko.
__________________________________________________
MAIKLI PA DIN BA TO? HAHAHAHA.. PRAMIS.. MGA ILANG CHAPTERS NALANG , HAHABAAN KO NA HAHAHA.. AYAN NGA PALA SI EMIL... FAN KASI SIYA NI MARCO SA DREAM HIGH SA TOTOONG BUHAY.. HAHAHA.. PAGBIGYAN :D
BINABASA MO ANG
Searching for the REAL [COMPLETED]
Roman pour Adolescentsthis was my very first story. No guidelines or whatsoever!