SEARCHING // NINE

738 17 3
                                    

Warren POV:

Wala talaga akong ka ide-idea kung anong nangyayari. Pinaiyak ko si Krisha??!! What the??! Grabe naman. Torture na yunn. Simula nung araw na yun, hindi ko na nakakausap si Emil. Ang bestfriend ko. Siya pa naman yung nakakaintindi sakin.. BAKIT BA??!!!

Medyo close na din sila ni Krisha.. Pero patay malisya lang sila.. Sana!! Sana!! Sana nga, walang malisya yung kanila.

Haay.. >__________<

Sa amin naman ni YATS, ganun pa rin.. Kumakalat na na kami na daw? DAFUQ! kumbaga i-rate natin sa 1-100 siya ay 40% na din ng buhay ko.. si Krisha ay 60% naman.. :P Ang hindi ko maintindihan talaga, kung pano ko napaiyak si Krisha, napiayak ko ang taong mahal ko?!

KARMA ba to sa pag-loko kay Mikka.? Medyo irita lang kasi ako sa mga babae, For you to know, I have an ex girlfriend. Siya si Angie. Medyo na-obsessed ako sa kanya, lahat binigay ko , pero sa huli, ako at ako ang pa din yung naloko at nasaktan. Alam kong mali ako para gumanti sa mga next girls ko. 

O__O

BTW, mag iisang buwan na ako sa panliligaw kay YATS. Malapit na rin ang birthday niya. May party daw eh. Invited lahat ng classmates namin.

MIKKA POV:

Bakit kaya nag-away si Emil at si Warren. Kawawa namansi YATS BABY. Ang plano ko, Sa birthday ko ibibigay kay Warren ang isang SWEET YES!!! Ininvite ko lahat ng classmates ko, para lahat sila saksi. oh diba.. bongga... AHAHAHAHAHA..

Umupo siya sa armchair ko at ako naman sa chair ko talaga. (gets niyo??) basta yun, Kinukurot niya yung pisngi ko.. tas kumakain kami ng chips pero share kami.. TAMESS!

"YATS BABY, wag kang mawawala sa birthday ko ah.."

"Syempre naman, importanteng araw ata yun ng babaeng mahal ko" ^___^ medyo napangiti naman ako nun,, Actually, nag tinginan yung mga kaklasi namin

Recess namin kasi yun.. Lahat kami nasa room na kasi 5 mins. nalang time na namin. Except pala sa besties namin ni YATS BABY..

SI Krisha at Emil..

 Napansin ko na lagi silang magkasama. Napagkamalan na ngang sila ng iba at syempre kami din ni Warren, Pero mangyayari na yun!! FOR REAL!

1 week to go! EXCITED. 

KRISHA POV:

Sa Bleachers:

kasama ko ngayon si Emil. Hanggang ngayon, alam niya na nasasaktan pa din ako. Lalo kasi silang nagiging sweet. Hindi na rin ako nakakasama kay Mikka, Kasi naman eh, hatid-sundo ni Warren..

:(

"Emil, kailan kaya ako magiging masaya" yumuko siya.. May nasabi ba akong mali??

"Bakit? problema?" Inangat ko yung mukha niya. Aba naman.

"Hindi ka ba masaya na kasama mo ako? >3< 

AHH. MALI GRAMMAR KO..

"Ah, ang ibig kong sabihin eh kailan ba magiging masaya ang lovelife ko? By the way, Thank you for being here for me"

"AAAAAAHHH.. no prob. pupunta ka sa birthday ng bestfriend mo?" Oo nga pala, malapit na ang birthday ni Mikka. Takte, magpapaka hunger strike na naman ako para sa regalo niya.. 1 linggo nalang..

"Syempre, ata, oo, hindi, ewan.. ikaw?" Hala. ano yun? Alin dun yung sagot?! haha. Siya na bahalang umintindi na yun :)

"Naiintindihan kita.. Alanganin din magiging sagot ko kung ako sayo eh.. Titingnan ko sched ko." Buti naman at di ko na kailangang mag-explain.. Pakshit! Time na pag tingin ko sa relo ko.

"EMIIIIIIIIIIIIIIIL!!!!!!!!!! TIIIIIME NAAAA!!!!!"

Hinila ko siya at tumakbo na kami pabalik sa room.. At late na nga kami ng 3 mins. 

"Sir, sorry po, hindi po namin namalayan ang oras eh"

"Sir sorry" Sabi din ni Emil

"Aysya, for your punishment of both of you, kayo ang mag-e-erase ng blackboard, At mukha ngang di niyo namalayan. Mukhang nagkakamabutihan pa kayo eh" Sabi ni Sir. HALA, ano daw? dun ko namalayan na nakahawak pa din pala ako sa kamay ni Emil kasi nga hinila ko siya..

"SIR hin.." angal ni Emil

"umupo na kayo" Sagot agad ni Sir.

Umupo na kami. Medyo masama ang tingin samin ni Warren. Ewan. Basta tiger look. Kung sa pagkakaalam niyo, hatid-sundo ako kay Emil. Hindi niya kasi ako pinapalapit kay Warren. Kaya yun. Last subject na namin si Sir kaya di ako masyadong nakinig. MWAHAHA!

Naglakad nalang kami, kasi nga medyo tipid ako ngayon.. 

Okay magkakasama kaming apat nina Emil, Mikka, at Warren. Pero nasa likod kami nilang dalawa. Kaya kita ko ang mga nakakapangselos na kulitan nila.. :'(

"Krisha, unahan natin sila sa paglalakad" Sabi ni Emil at hinila ako. Okay. Buti alam niyang nahihirapan ako silang makita ng ganun. Medyo maalikabok yung daan kasi ni-rerenovate. Hanggang kamalas-malasan, Napuwing ako!

"Arrrraay"

Sabay hawak ng mata ko. Hate this. Hinipan naman ni Emil yung mata ko, kaya medyo okay na. biglang *cough-cough* si Warren yun. parang nasasamid-samid ata. Tuloy-tuloy na lang kami sa paglalakad..

Warren POV:

Okay, medyo sweet kami. Pero tinalbugan kami nina Krisha. Akala ko hahalikan na ni Emil, pero napuwing lang pal. Kaya hindi ko sinasadyang sirain yung moment nila.. kunyari nasamid ako. oh diba.

"YATS BABY, okay ka lang?" Clingy talaga ni Mikka

"Oo, okay lang..ehe-ehem.."

Pagkahatid ko kay YATS, dumeretso ako sa SM. Kahit one week pa yung birthday niya, binili ko na yung pinaka malaking teady bear sa blue magic at chocolates na din.. Bili nalang ako ng flowers sa day ng mismong birthday niya, para fresh. I bought a diamond necklace too. Okay na ba to? hayaan na nga lang..

Pinabuhat ko nalang sa driver ko yun..at bumili na rin ng pang dinner..

MIKKA POV:

Excited na talaga ako mag birthday.. every year naman eh laging may party sa bahay pag birthday ko. At isa pang even ang masasaksihan ng lahat!!! WHAAAA!! dapat tong malaman ni Krisha.. tawagan ko siya ngayon.. As in now na..

"RRRRRIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGG"

"he-hello?"

"KRRRRRIIIIIISSSSSHHHHAAAA!!!!"

napasigaw ako sa sobrang excited! Siguradong matutuwa to..

"Array, ang sakit sa tenga.. Hindi ako bingi Mikka"

"Sorry.. May sikreto kasi ako.. Sayo ko lang sasabihin, but promise me you don't pagsabi ah"

"ok, Anu ba yun?"

"Sasagutin ko na si Warren sa birthday ko, kasi feeling ko I'm her princess na eh"

"AAANOOO?!!!!"

Anyareh? galit yata siya..

"Oh bakit galit ka naman?"

"Hindi, nabigla lang ako.. ang bilis naman.. tyaka, talagang nakaplano ah.."

Nag sniff siya.. umiiyak ba to o may sipon?

"Syempre, diba masaya yun, double event.. umiiyak ka ba?"

"hindi, sinisipon yata ako eh..o-oo masaya yun.. Congrats ah.."

"sige, bye na.. I just want you to know"

dial tone.

Searching for the REAL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon