Chapter 4 - That Was Close

13 2 0
                                    

Makalipas ang ilang buwan, magtatapos na ang semester, pero kahit isang salita hindi ko manlang nagawang sabihin para makausap si Anna. Mabuti pa si Nathan, nakausap na niya ito. Hindi naman daw ito suplada. Matalino raw ito at palaging nangunguna sa kahit anong subject. Napapahanga daw nito ang mga college professor.

Balita pa nga sa akin ni Nathan, na presidente ngayon ng gazette, kinuha daw niya itong writer ng gazette. Hindi naman as article writer, nagbukas kasi ng bagong section doon si Nathan kung saan may series na aabangan ang mga readers at si Anna ang magsusulat nun. Nabasa raw niya kasi ang mga isinulat nitong nobela at napahanga siya sa mga plot nito.

Isinama nga niya ako para daw makita ko si Anna. Pupunta kami ngayon sa gazette office. Andun daw si Anna, nagsusulat.

"Hay nako Nathan, sinabi ko na sayong hindi naman ako obsessed kay Anna, Oo maganda siya at matalino pero idol ko lang siya kaya hindi mo na ko kailangang isama dun." Reklamo ko. As usual, umiral nanaman ang pride ko. Natatakot kasi akong magmukhang tanga, baka pag nalaman ni Anna na may gusto ako sa kanya, taguan na niya ko at mailang na siya sa akin. Hindi kasi ako yung tipong bagay sa kanya. Mukha ngang mas mataas pa siya sa akin pag nakaheels.

"Edi chill ka lang. Kunyari napadaan ka lang." payo ni Nathan.

"Sige na nga!" Sagot ko na kunyari ay pilit.

Tumungo kami sa lugar kung saan nandoon ang opisina ng gazette. Nakasarado ang pintuan na kulay dark gray. Bilugan ang knob nito. Malapit ito sa hagdanan pababa ng lobby. Sa taas ng doorway ay may nakadikit na plaka sa pader at nakalagay ang mga katagang "Publications".

Habang dahan-dahang binubuksan ni Nathan ang pinto, ramdam ko na parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Medyo nanlalamig at pinagpapawisan ako. Tumayo ako ng tuwid at huminga ng malalim.

"Hi Anna, okay ka lang diyan?" Bati ni Nathan.

Dumampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon na may halong amoy ng pabango ng babae. Lalo tuloy tumindi ang kaba ko. Hindi nanaman ako makaimik. Para bang nababalot ng kuryente ang buong katawan ko.

Ngumiti si Anna at tumango. Nakaupo siya sa upuang plastik na kulay beige habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa long table na gawa sa kahoy. May hawak siyang ballpen sa kanang kamay at ang kaliwa naman niyang kamay ay nakapatong sa yellow pad sa ibabaw ng long table. Dito siguro siya nagdadraft.

"Crush ka nito o!" Biglang sambit ni Nathan sabay turo sa akin.

Agad akong napalayo malapit sa pintuan baka kasi mahalata ni Anna na namumula ako. "Gago!" Napamura tuloy ako ng wala sa oras. Humahalakhak si Nathan ng walang tigil. Walanghiya siya, bakit niya sinabi yon kay Anna? Lalo tuloy akong pinagpawisan.

"Bakit? Sabihin mo na tol para makapanligaw ka na." Mahinang pagkakasabi nito sabay sarado ng pintuan ng gazette office.

"Sinabi ko na nga sayo, ayoko pa ng lovelife ulit. Okay na ko sa DOTA!" Mahina kong sagot. "Saka hindi mo pa nga sigurado kung single yun."

"Single yon at malamang maraming manliligaw yon. Sige ka baka maunahan ka pa." Banta nito na sagling sumandal sa pader ilang pulgada ang layo sa pintuan ng gazette.

"Basta, ayoko ng lovelife kaya wag mo na kong ireto kay Anna. Okay na sa akin yung idol ko siya." Paliwanag ko.

"Wag mong sabihing hindi ka pa nakakamove-on kay Jane? E, sa itsura mo kanina mukhang move-on na move-on ka na." Sabi pa niya.

"Basta loyal ako kay Mirana!" Giit ko.

Sa totoo lang marami lang akong insecurity sa katawan. Paano naman nakakasiguro si Nathan na mananalo ako sa mga manliligaw ni Anna? Sa ganda niya baka mayayaman at artistahin pa mga nanliligaw dun. Asa naman ako. Ni hindi nga niya ako napapansin kapag nagkakasalubong kami sa corridor.

Saka isa pa, mataas si Anna at sexy. Hindi siya bagay sa akin na payat at hindi naman kataasan. Sa una palang ramdam ko na ang papalapit na pagkakafriendzoned. Takot akong mapahiya kaya iniiwasan ko nalang siya.

Naaalala ko pa na binati ko siya noong birthday niya sa Facebook. Ang comment niya ay, "Thank you po", sabay like. Tapos ay nagchat ako ng "hi" pero hindi naman siya nagreply. Kung interesado siya sa akin sasagutin niya ang message ko sa kanya pero nakakailang "hi" na ako sa kanya, deadma lang siya. Mukha lang akong tanga.

Satanna Salvation (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon