Chapter 12 - Battle Of The Bands Or Hearts?

9 2 0
                                    

Eto na ang gabing pinakahihintay ni Anna. Ang gabing mapapanuod niya si Martin onstage. Grabe, parang sikat na banda yung inaabangan niya, panay silip niya sa backstage. Eto namang si Myra pabor na pabor sa kanya, tuwang-tuwa silang dalawa at pinag-uusapan si Martin. Pati si Vince nakikitawa rin.

Nainis ako dahil OP ako. Pag nakikita ko siyang nagkakandarapa kay Martin, hindi ko maiwasang sumama ang loob. Kaya umalis muna ko kasama si Lloyd na ngayon ay naka-asul na poloshirt.

"O, bakit mukhang pisong lukot yang mukha mo?" tanong nito habang papalabas kami ng campus.

"Nakakainis kasi si Anna. Martin ng Martin, nakakarindi na." Sagot ko na bahagyang nakakunot-noo.

"Nagseselos ka?" Tanong niya pa habang nakangiti ng pang-asar.

"Gago hindi! Ikaw, kung sayo ko paulit-ulitin pangalan ng crush ko na wala ka naman talagang pakialam, hindi ka ba maririndi?" Tanggi ko sabay palusot na rin.

"Wag ka na nga magdeny. Tol, lalaki rin ako kaya halata ko na nagseselos ka." Giit nito.

Natahimik ako ng sandali dahil totoo naman ang sinasabi niya. Hindi ko lang maamin dahil pinipigilan nanaman ako ng pride ko. Lagi nalang.

"Bakit di mo pa sabihin kay Anna na may gusto ka sa kanya? Sa pogi nung Martin na yun, baka mamaya lang pagtapos ng event, sila na agad ni Anna. Tandaan mo, hindi uso kay Anna ang magpakipot." Payo ni Lloyd habang naglalakas kami sa mataong sidewalk patungo sa plaza.

"Pwede ba, hindi naman pogi si Martin!" Bulalas ko.

"Hindi nga pogi para sayo. Paano naman kay Anna? Tingin niya nga dun prinsipe." Paliwanag niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi nga ako nagseselos!" Tanggi ko. Medyo nagtaas ako ng boses dahil naiinis ako at naiisip ko kung paano kiligin si Anna kay Martin.

"Hindi ka pa nagseselos niyan a? Puwet mo! Wag mo ko lokohin. Yan ang hirap sayo, hindi mo maamin sa iba nararamdaman mo." Sermon ni Lloyd sabay kutos sa akin.

"Oo na! Nagseselos na kung nagseselos. Ayoko kasi mapahiya kaya hindi ko masabi kay Anna. Tignan mo naman yung mga tipo niya." Paliwanag ko sabay buntong-hininga. Medyo nabawasan ang bigat sa dib-dib ko sa ginawa kong pagtatapat kay Lloyd.

"Insecure ka kay Martin? Ang hina mo naman kasi pare, hindi mo ba nahahalata na gusto ka rin naman ni Anna?" Tanong nito.

"Ayoko mag-assume, gusto ko yung sigurado." Dahilan ko.

"Paano mo malalaman e hindi ka naman naglalakas loob na magtanong kung gusto ka ba niya? Saka isipin mo nalang, bakit siya magtitiyagang umuwi kasama mo araw-araw, hintayin ka pag di kayo aligned ng schedule, pakisamahan ang tropa mo, at higit sa lahat, sa ganda niya at sa dami ng puwedeng magkagusto sa kanya bakit wala pa rin siyang boyfriend? Pare hindi magtatagal sumama ang babaeng ganung kaganda sa simpleng lalake kung hindi niya yun gusto." Paliwanag ni Lloyd.

"Malay mo naman dahil parehas kaming officer ng gazette. Saka baka dahil nagkakasundo kami kaya ako lagi niyang sinasamahan. Isa pa sinabi ko na rin sa kanya na di ako naniniwala sa pagmamahal, syempre sasamahan niya ko dahil sigurado siyang di ako magkakagusto sa kanya." Sinabi ko sa kanya ang nga ispekulasyon ko.

"Ayun na nga yun, sinabi mo na hindi ka naniniwala sa pagmamahal. Syempre si Martin nalang gugustuhin niya imbis na ikaw. Sa kakatago mo ng nararamdaman mo lalo mo lang pinapalayo si Anna sayo. Tandaan mo ang tunay na lalake, malakas ang loob." Para akong sinampal sa mga sinabi niya sa akin. Natameme ako at napa-isip.

"O siya, kung ganun, balik na tayo." Biglang buwelta ko. Baka nga sa kakamukmok ko ay tuluyan na maagaw ni Martin ang atensyon ni Anna.

"Hay naku, magyoyosi muna ko. Nakakastress ka e!" Reklamo ni Lloyd sabay iling. Bumili ito ng yosi at candy sa isang sidewalk vendor.

Dahil sa mga narinig kong salita, bahagyang gumaan ang loob ko. Dahil hindi naman ako nagyoyosi, hinintay ko nalang si Lloyd matapos. Sumandal ako sa barikadang naghihiwalay sa sidewalk at sa daanan ng mga sasakyan. Nagmuni-muni muna ako at binalikan ang mga pangyayari sa buhay ko kasama si Anna.

Gusto nga ba ko ni Anna pero bakit hindi niya ginawa sa akin yung ginagawa niya kay Martin ngayon? Kahit pa palagi kaming magkasama hindi ko siya nakitaan ng kilos na ganun, kay Martin lang niya ito ginawa. Hindi ko naman pwedeng ibalik ang oras. Kung pwede lang sana hindi ko na siya sinubukang pagselosin at layuan, edi sana hindi niya nakilala si Martin.

Matapos magyosi si Lloyd ay bumalik na kami sa campus. Pumunta kami sa gymnasium kung saan buhay na buhay ang magarbong stage na may malaking sceen sa likod ng nakaset-up na drumset kung saan seryosong tumutugtog ang drummer ng banda. Ang mga iba't ibang kulay na ilaw ay tila sumasayaw habang kumakanta ang bokalista at tumutugtog ang mga gitarista. Naghihiyawan ang mga audience. Nangingibabaw ang tili ng mga babae.

Hinanap namin si Anna sa daan-daang estudyanteng nakatayo at todo-cheer sa kanilang mga pambato. Binuno namin ang siksikang lugar hanggang matagpuan namin si Anna na nakaupo sa isang sulok malapit sa stage kasama si Myra na panay ang dutdot sa cellphone niya. Seryosong nanunuod si Anna, walang ngiti sa mga labi niya.

"O, anong problema?" Tanong ni Lloyd pagkakita niya dito.

"Hay naku wag niyo yang kausapin. Masakit lalamunan niyan sa kakatili dun sa VTR ng interview niya kila Martin." Kwento ni Myra na kahit nagsasalita ay nakafocus pa rin sa cellphone niya.

"Kaya pala seryosong seryoso." Sabi ni Lloyd sabay halakhak. Palihim niya akong siniko. "Bakit ba naman kasi tumitingin pa sa iba, andito naman si Dylan." Biglang tinapik nito ang balikat ni Anna.

"Wag mo kasing istorbohin! Nirereserba niya boses niya para sa performance nila Martin mamaya!" Utos ni Myra na baghagyang napatigil sa pagtetext.

Napatingin nalang ako sa taliwas na direksyon kay Anna. Parang bumabaliktad nanaman ang sikmura ko. Akala ko naman kaya siya tahimik ay dahil napansin na niyang nagwalk-out ako, yun pala, dahil nanaman kay Martin.

Satanna Salvation (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon