Kinabukasan ay inatasan kami ng prof na magusap-usap tungkol sa aming gagawing proposal para sa thesis. Gagawa kasi kami ng documentary at sisimulan namin ito sa isang proposal. Pinagtabi-tabi niya ang magkakapartner kaya naman no choice ako kundi ang tumabi kay Anna.
"I guess we have no choice but to get used to each other again." Sabi ni Anna na seryosong nakatitig sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil medyo naiilang ako.
"Sanay naman ako sayo, ikaw lang naman ang gustong umiwas dyan." Paliwanag ko habang nakatungo at kinukutkot-kutkot ng aking kuko ang pintura ng armchair. "Ba't ka nga pala pumayag maging partner ko?"
"Because mahirap gumawa ng documentary." Sagot niya.
"So, kailangan mo 'ko dahil nahihirapan ka mag-isa?" Tanong ko na hindi pa rin magawang tumingin sa kanya.
"Let's face it, we need to work together dahil sa thesis." Sagot niya. "Could you afford doing the survey alone in the busy streets? Saka saan tayo kukuha ng budget for the photographer and videographer?"
"Walang problema yun sakin dahil kuya ko yung photographer mo dati na si Skyler." Pinaalam ko sa kanya. Kunyari ay medyo masungit ang dating ko dahil may sama pa rin ako ng loob sa pagiwas-iwas niya sakin at pagsama niya kay Martin.
"Really? I have no idea. Small world talaga. Anyways, you sound like ayaw mo kong partner. Kung ayaw mo I'll talk to Ma'am habang maaga pa." Tanong niya habang nililinaw ang desisyon ko tungkol sa pagiging partner namin sa gagawing thesis.
Napatingin ako sa kanya na nagpapakita ng kaunting sama ng loob sa aking mga mata. "Bakit may sinabi ba ko?" Patanong kong sagot.
"Wala but, what's that glare about?" Sinagot rin niya ako ng isa pang tanong. "You know, ang drama mo. Can we just get along for the sake of this huge project?"
"Hindi ganung kadali yun." Sagot ko na medyo nagmamatigas pa rin.
"What? Ano ba gusto mong gawin ko? If you do not cooperate, I'll take care of everything even if it means getting help from your kuya Skyler." Buong pagbabanta siyang nagtaas ng boses sa akin. Napakahalaga kasi sa kanya ng pag-aaral.
"Sige na, sige na! Basta wag mo lang kontakin si kuya. Ako na bahalang makipag-usap sa kanya pag kailangan natin ng mga equipment." Dahil sa banta niya, napapayag ako ng 'di oras. Natatakot kasi ako na baka pag kinausap niya si kuya dahil ayokong makicooperate, kung ano pa isumbong niya dun tungkol sa'kin.
"Good! So, at my place or at your place after class? May OJT ako tomorrow 'til Saturday so , we have to work on our proposal as early as possible." Nilinaw niya sa akin.
"Sa unit mo nalang." Sagot ko. Ayoko kasing pumunta siya sa bahay dahil alam kong uulanin kami ng intriga dun. Lalo na sa dalawa kong kapatid na babae, grabe mang-asar yun pag alam na babae kasama ko.
Hindi kami aligned ng schedule ngayon, ito na ang last subject niya para sa araw na ito. Kaya naman naisipan ko na wag nalang pasukan yung isa ko pang klase mamaya. Aaminin ko na kahit may tampo ako sa kanya ay excited pa rin akong makasama siya.
Minsan naiisip ko na ang tanga-tanga ko. Hindi ko rin maintindihan sa aking sarili kung bakit ba ang lakas ng tama ko sa kanya. Unang-una hindi naman siya yung sobrang bait na babae tapos lagi pa niya kong sinasaktan. Pero sa kabila ng lahat ng kapintasan niya, mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong magalit sa kanya, isang tingin at isang salita lang niya sa akin, nawawala na lahat ng galit na dapat kong maramdaman.
Kaya heto nanaman ako sa unit niya. Yun nga lang iba ang set-up namin ngayon, sobrang seryoso namin sa thesis. Wala kaming ibang pinag-uusapan kung hindi ang tungkol doon. Nakaupo kami dito sa kanyang malambot na sofa. Nakapatong ang kanyang pink na laptop sa coffee table habang may hawak siyang yellow pad at ballpen.
BINABASA MO ANG
Satanna Salvation (ON HOLD)
General FictionKain-Tulog-DOTA-LOL-Repeat! Wala na yatang mas lalabo pa sa future ni Dylan na nilamon na ng computer games. Mula noong magbreak sila ng ex-girlfriend na si Jane ay isang paulit-ulit na routine nalang ang naging buhay niya. Sinarado na rin niya ang...