Chapter 9 - Mission Failed

10 2 0
                                    

Gusto kong makahanap ng konkretong ebidensiya na may pag-asa ako kay Anna. Ayoko kasi na aasa nalang ako sa wala. Kaya naman isang araw naisipan ko na dumistansiya muna sa kanya para makita ko ang magiging reaksyon niya. Panaw kantsaw na rin kasi yung mga tropa ko sa amin. Hindi naman sa nahihiya ako pero sa ginagawa nila lalo lang akong umaasa na may patutunguhan tong pagkakaibigan namin.

Nahihirapan na rin ako sa paglilihim ng nararamdaman ko kaya gusto kong subukan kung ano ba ang magiging reaksyon ni Anna kapag lumayo ako sa kanya ng ilang araw. Sinimulan ko ito sa pakikipagkaibigan sa nililigawan ng tropa kong si Vince na si Myra. Gusto kong ipakita na may iba akong kasamang babae at nawawalan na ko ng oras sa kanya. Madalas kasi ang tunay na nararamdaman ay nakikita lang kapag may kakompetensiya na.

Although mahirap hanapan ng kakompetensiya si Anna dahil maganda siya. Hindi siya yung gandang pangselfie lang. Maganda siya sa kahit anong anggulo. Pero sinubukan ko pa rin. Hindi ako sumabay sa kanya pauwi ngayon kundi kay Myra, nagpapasama rin kasi ito sa akin dahil nagpapatulong mamili ng regalo para kay Vince. Inisip ko na ito na ang pagkakataon ko.

Nitong nakaraang linggo kasi tinitiis ko ang sarili kong magchat sa kanya. Hindi ko rin siya masyadong kinakausap at nakikipagkaibigan ako sa ibang babae. Pero ngayon pagkagaling palang namin ni Myra sa mall para ibili ng regalo si Vince sa darating na birthday nito, hindi ko na matiis na hindi siya kausapin sa Facebook. Kaya naman nagchat na rin ako.

AKO: Sorry a, di ako nakasabay sayo pauwi, nagpasama kasi sakin si Myra.

ANNA: Okay lang yun. Hindi ko naman hawak oras mo. Kaya pala di kita makita kanina.

AKO: Sorry ulit, di na ako nakapagpaalam.

ANNA: That's okay. I just got used na kasabay kita palagi pauwi. I waited for you nga pero naisip ko baka umuwi ka na.

AKO: Nagmamadali kasi si Myra. Ayan di na tuloy ako nakapagpaalam.

ANNA: Ayiee. Lumalovelife ka na yata ah. I thought you don't believe in love.

AKO: Hindi a. Nililigawan yun nung tropa kong si Vince. Bukas pakilala ko sayo.

ANNA: What if hindi siya nililigawan ni Vince? Looks like you're interested kaya I noticed na lumalayo ka sakin nowadays.

AKO: Sus, sabi ko naman sayo ayoko ng lovelife. Diba pareho tayo? Saka hindi ako lumalayo, busy lang ako.

ANNA: Hey, I didn't say that I don't want a lovelife. I only said na ayokong magseryoso.

AKO: Change topic na nga alam mo namang allergic ako sa ganyang usapan. Saan mo ko hinintay pala?

ANNA: Sa campus grounds pero nung medyo nainip ako, I went to the gymnasium. I was texting you pero nakaoff naman yata phone mo kaya di ka nagrereply. So I decided to watch the bands practicing nalang. May bigla pa nga tumabi sakin, nagpakilala, si Martin daw siya. He was nice and handsome.

AKO: O, ikaw naman pala lumalovelife dyan.

ANNA: Not really. Umalis naman agad ako. Hoping na makita ka pa sa campus grounds. Kaso wala ka pala.

Napangiti ako. Mukha yatang mission accomplished ako. Ngayon ang problema ko nalang ay pagkuha ng tiyempo para sabihin ang nararamdaman ko. Bumalik na ko sa dating gawi kung saan buong gabi kami nag-uusap ni Anna sa Facebook. Biruin mo isang tipikal na estudyante, hinihintay ng isang chicks.

Natulog ako ng may ngiti sa mukha. Kinabukasan ay ipinakilala ko si Anna kay Vince at Myra tulad ng pinangako ko. Mabait si Anna kaya madali naman niyang nakapalagayang loob sila Myra.

"Vince anong course mo?" tanong niya dito habang nakaupo kami malapit sa entrance ng campus. Nakaputing sleeveless siya ngayon, khaki na cropped pants at puting flats. Nakalugay ang buhok niya at wala siyang salaming suot.

"Architecture." Sagot ni Vince na nakastriped polo shirt na ang mga kulay ay naglalaro sa blue, black, white at gray. Nakafaded maong pants ito at itim ng sneakers.

"Anong year mo na?" tanong ulit ni Anna.

"Irreg ako. Dapat kasi fourth year na ko kaso nagtransfer ako dito, may ibang subjects na hindi nacredit." sagot ni Vince.

"Since architecture course mo, may kilala ka bang Martin? Kasi kahapon may nagpakilala sakin sa bleachers, Martin daw siya, second year architecture." Usisa pa ni Anna.

"Martin, Hmm. . . Martin Alvarez? Ayun ba? Yung poging vocalist na kasali sa Battle of the Bands?" Patanong na paglilinaw ni Vince.

"Oo, gwapo nga siya! I have no idea na kasali siya sa Battle of the Bands." Sabi ni Anna na parang kinikilig pa. Gumaganti ba siya sakin? Sabi niya umuwi siya agad kahapon na parang di naman siya interesado dun sa Martin na yun tapos ngayon bigla nalang siyang naexcite dahil nalaman niyang kasali yung sa Battle of the Bands.

"Vacant ngayon yung si Martin alam ko." Balita ni Vince na limilinga-linga. "Ayun o!" Bigla niyang tinuro ang isang matangkad at maputing lalaki malapit sa gwardiya sa entrance gate. Mabibilog ang mga mata nito, mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at maninipis ang labi. Ang buhok niya ay parang yung kay Ace na fauxhawk kung tawagin. Maganda siya magdala ng damit. Nakaitim na three-fourths shirt siya na may skull print at grunge style na jeans. Itim rin ang sneakers niya at may nakasukbit siyang guitar case sa balikat. Papalabas na yata siya ng campus. Nakakainis ang porma niya, masyadong papogi. Lalabas na nga lang isusuot pa ang bonet niya ng dahan-dahan, parang nagpapacute pa sa mga babae.

"Ang yabang naman nun!" Bulalas ko.

"Mukha lang mayabang yun sa unang tingin, pero mabait yun." Depensa ni Vince na mas nakakakilala dito.

"Really? OMG! I like him na." Sabi ni Anna na mukhang interesadong interesado dito.

Bahagyang naaasar na ko sa ikinikilos ni Anna. Hindi ko lang ito pinahahalata kaso hanggang sa pag-uwi puro Martin nalang ang bukambibig niya. Hanggang sa jeep ito pa rin pinag-uusapan nila ni Vince at Myra habang ako naman ay nananahimik na.

"Nakakainggit naman kayo. Hayaan niyo, may ganyan na rin ako, soon." Sabi ni Anna habang nakatingin kila Vince at Myra na sweet na sweet na nagliligawan sa byahe.

"I know kung sino, si Martin no?" Kantsaw ni Myra sabay appear kay Anna.

"Ang galing mo girl! Alam na alam mo!" Kinikilig na sang-ayon ni Anna.

"Ano ba meron dun?" Tanong ko na medyo nagpapahalata na ng pagkaasar. Parang bumabaligtad yat sikmura ko sa mga naririnig ko.

"Gwapo, talented, mataas, maganda ang katawan at kahit mukhang bata pa, mukhang matured na mag-isip." Todo puri nitong si Anna na akala mo naman kilalang-kilala na si Martin. Parang nanliit ako sa mga sinabi niya dahil mukhang talented lang ang meron ako sa lahat ng iyon.

"Tama!" Buong pagsang-ayon naman ni Myra.

Nakakainis ang mga babae. Pagdadating sa mga lalaking gwapo nagkakaisa ang diwa. Nakakainggit si Vince na kahit hindi naman lumelevel sa itsura ni Martin ay mukhang malaki pa rin ang tiyansang maging sila ni Myra. Samantalang ako heto, halos ayaw nang humarap kay Anna dahil feeling ko ay sinasadya niya kong inisin. Parang yung planong akala ko ay successful, sa akin nangyari. Sige Anna tuloy mo pa yan. Panalo ka na. Ikaw na.

Ang bigat sa dibdib. Parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong bigat sa dibdib. Nanlalamig ako, naiinis, naaasar, nagseselos. Moral lesson: Huwag subukang pagselosin ang isang babae dahil baka sa huli pagsisihan mo.

Satanna Salvation (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon