Katulad ng inaasahan ko, talo sa amin sila Macky. Panalo nanaman kami sa pustahan. May isang daan nanaman ako pambili ng siomai at gulaman. Kaya minsan masaya pa talaga magDOTA kaysa mag-girlfriend, may foodtrip ka na, may sukli pa. Nakangiti nanaman ang wallet ko sa tuwa. Hindi katulad nung kami pa ni Jane, lagi nalang akong walang pera. Ang laki ng ininvest ko sa kanya tapos bigla nalang mang-iiwan. Nakakainis at nakakalungkot, sa dahilang hindi na siya masaya, bigla nalang nakipaghiwalay.
Hindi naman ako babaero. Suplado nga ako sa mga babae at lahat ng atensyon ko nasa kanya lang. Siguro dahil boring akong tao kaya niya nagawa yon. Hindi kasi ako sweet at expressive talaga. Ang corny kasi pag ganun. Ewan ko ba pero hindi ko talaga maimagine ang sarili kong nagpapahayag ng mga sweet nothings sa isang babae. Kaya ayoko na rin mag-girlfriend. Alam niyo naman ang mga babae, mahilig sa pa-sweet effect.
"Ang bobo talaga ni Macky, pinasugod lahat ng kakampi niya sa mid, akala niya lahat din kami makikipagclash sa kanila. Nalimutan siguro na ubos na yung tower niya sa taas at baba. Ayun, tatlong hero lang namin sumugod sa mid tapos yung dalawa hindi niya alam iniisa-isa na yung town nila. Gulat sila megacrypts na yung amin. Tapos siya pa galit na galit sa mga kakampi niya, e, siya naman yung bobo." kwento ko kay Nathan, yung tropa kong dumating sa eskuwela na sa sobrang late wala nang inabutang klase. Pati tuloy laban namin di niya inabutan.
Nakatayo kami sa sidewalk habang naghihintay ng paparating na jeep. Hapon na yun, palubog na ang araw. Sayang naman attire ni Nathan. Nakathreee-fourths polo pa man din, may date yata. Checkered pa yun a with matching brown pants. Hipster na hipster, saan kaya galing to? Nakakatawa mukha siyang silahis sa porma niya.
"Kailan ba tumalino yung si Macky? Puro hangin lang laman ng utak nun. Magseseven years na nga yun sa school hindi pa rin graduate." Sabi ni Nathan sabay halakhak.
"Teka nga, maiba tayo, bakit ba ganyan porma mo?" Usisa ko. Ngayon ko lang kasi siya nakitang pumorma ng ganun.
"Nakipagkita kasi ako dun sa katext ko, si Lucy. Sayang nga porma ko. Di naman maganda. Sabi niya kamukha niya si Ellen Adarna. Pasado yung katawan pero pre, tikbalang yata. Parang galing comedy bar, sobrang kapal na nga ng make-up, ang pangit pa rin." Kwento niya habang nakakunot ang noo. Mukang fail yata ang EB niya sa kanyang so-called Ellen Adarna.
Napahalakhak ako. "Sayang naman kasi may babae kaninang dumaan. Abot tenga nga ngiti ni Ace kasi chicks daw."
"Chicks nga ba?" May pagdududang tanong ni Nathan. Alam kasi nito na wala namang taste sa babae si Ace.
"Pwede na pero maganda pa rin talaga si Mirana." sagot ko habang nakapasok ang dalawang kamay sa aking mga bulsa.
"Sino kamukhang artista?" Nanlalaki ang mata at mukhang interesadong-interesado si Nathan.
"Sandara Park? Ewan, hindi naman ako nanunuod ng mga TV show." Kibit balikat kong sagot.
"Ayun ba brad?" Patagong kalabit ni Nathan sa akin sa bagay tingin sa bandang kanan.
Napasulyap ako sa bandang kanan at andun nga yung babaeng nakita ko kanina. Kasama niya ang isang babaeng naka-pixie cut na buhok. Pamilyar ang mukha nito sa akin. Parang siya yung kaklase ko dati nung highschool.
Posturang-postura si mysterious girl. Nakamaong siyang pantalon, midcalf boots na itim at kulay puti at pulang guhit guhit na T-shirt. Nakakainis naman, bakit ba parehas kaming pula ang damit ngayon?
Inalis ko na ang tingin ko sa kanila. "Oo, siya nga yun." Tugon ko habang nagpipigil ng ngiti.
"Dude ang ganda. Ano kayang course niyan?" pabulong na sabi ni Ace na laking paghanga sa babae.
"Aba ewan ko. Hindi naman ako interesado diyan." Sagot ko.
"Dahil kay Jane? Ang loyal mo namang boyfriend. Tumingin ka naman minsan sa iba. Tingin lang naman." Payo niya sa akin na para bang wala pa siyang kaalam-alam na break na kami ni Jane.
"Break na kami nun. Di ko lang talaga type yung mga masyadong maganda." Paliwanag ko.
"Ha? Break na kayo? Bakit?" Gulat na tanong niya.
"Ewan ko dun. Ayaw na daw niya. Ang gulo talaga ng mga babae. Daming kaartehan sa buhay." Sagot ko sabay buntong hininga.
"Kaya pala ayaw mo sa chicks. Broken-hearted ka pala." Pabirong sabi ni Nathan sabay tapik sa balikat ko.
"Hindi ako broken-hearted, masaya nga ako kasi bawas gastusin na, bawas problema pa. Masyadong demanding yun. Kaya mas okay na ko na single." Paliwanag ko. Alam kong isang kasinungalingan ang sinasabi ko dahil kahit papano ay masakit rin sa akin na iwanan ako ni Jane.
Pumara ako ng jeep. Tumigil ito at sumakay kami ni Nathan. Pumwesto kami sa bandang unahan. Syempre, tamad mag-abot ng bayad. Ikinagulat ko lang nung sumakay rin sa parehas na jeep si mysterious girl. Mukha siyang suplada. Hindi manlang makatingin sa amin kahit alam niyang parehas kami ng pinapasukang university. Tikom ang mga labi niyang nangingintab sa lipstick. Hindi rin siya ngumingiti. Nakalapag sa kandungan niya ang shoulder bag niyang kulay itim. Binuksan niya ito at kinuha ang itim na wallet. Napansin kong nagbilang siya ng mga barya sabay abot nito sa driver. Malapit kasi sila sa driver nakapwesto kaya hindi na kailangang ipaabot sa iba ang bayad.
Yung kasama naman niya ay pasulyap-sulyap sa akin na para bang minumukaan ako. Ako naman, nagpanggap nalang na hindi siya namumukaan. Si Nathan bulong ng bulong sa akin.
"Type ka yata nung kasama niya." bulong nito.
"Tanga hindi, kaklase ko yan nung highschool kaso di kami close kaya di ko na tanda pangalan." pabulong kong depensa.
Biglang nagkaroon ng katahimikan. Walang naguusap-usap sa jeep maliban sa driver at kanyang personal dispatcher hanggang sa pumara si mysterious girl at yung kaklase ko dati.
Nauna yung kaklase ko sa pagbaba tapos nginitian ako nito sabay pakilala sakin kay mysterious girl. "Classmate ko siya nung highschool." Sabi nito. Sa ginawa niyang iyon, ngumiti rin tuloy sakin yung babae. Mas maganda pala siya kapag nakangiti. Labas ang dimples niya. Napangiti rin tuloy ako.
Yung tingin sa akin ni Nathan parang mapang-asar. Pinid ang mga labi niya tapos nanlalaki ang mata at taas na taas ang dalawang kilay. Para bang yung meme ni Peter Parker. Hinintay niya lang makalayo ang jeep sa dalawang babae saka niya sinabing, "Napangiti ka a. Umamin ka na. May gusto ka dun no?"
"Ngumiti sakin, edi nginitian ko. Baka mapahiya pag inisnob ko. Gumagawa ka nanaman ng kwento." Buong tanggi kong sagot.
"Sus, medyo may kilig factor kaya. Pansin ko parang nagblush ka pa." Giit niya sabay tawa ng malakas.
"Tumigil ka nga! Ang dami mong alam." Saway ko sa kanya. Kunyari ay nakairap ako pero sa totoo pigil na pigil talaga ako sa aking ngiti.
"Aminin mo na. Wala namang ibang makakarinig maliban sakin at sila manong." Kulit pa niya.
"Oo na, oo na! Masama bang humanga?" Sagot ko sabay tingin sa taliwas na direksyon kung saan hindi niya mapapansin na napapangiti ako. "Pero hindi ibig sabihin ipagpapalit ko na si Mirana." Dugtong ko pa.
"Si Mirana o si Jane?" tanong niya.
"Si Mirana," paglilinaw ko. "Pwede ba DOTA nalang pag-usapan natin!"
"Chill, biro lang. Masyado kang hot." Biglang bawi niya. Siguro ay nahalata niya na medyo naaasar na ako. Ayoko na kasi talagang pag-usapan si Jane. Tapos na kami.
BINABASA MO ANG
Satanna Salvation (ON HOLD)
Fiction généraleKain-Tulog-DOTA-LOL-Repeat! Wala na yatang mas lalabo pa sa future ni Dylan na nilamon na ng computer games. Mula noong magbreak sila ng ex-girlfriend na si Jane ay isang paulit-ulit na routine nalang ang naging buhay niya. Sinarado na rin niya ang...