Lumipas nanaman ang ilang buwan at wala pa rin nangyari. Umiiral pa rin ang pride ko at ang takot kong mapahiya. Balita ko nga, may essay writing contest daw ngayon para sa mga Journalism student. Pero wala akong ganang sumali. Maglalaro nalang ako ng LOL at siguro mamayang hapon baka yayain ko mag-DOTA sila Ace.
Sobrang tamad ko ngayong semester. Graduating na nga ako dapat pero dahil sa lulong ako sa LOL at DOTA, pati yata pag-aaral ko napabayaan ko na. Natulad na yata ako kay Joshua. Nagawa ko ngang iwanan ang ibang mga subjects ko para lang may pambili ako ng gamit sa LOL. Hindi tuloy ako makakagraduate ngayong taon.
Galit na galit sa akin si mommy at daddy dahil sa ginawa ko tapos madalang pa kong pumapasok. As in ayoko talaga kasi nga halos gising ako buong gabi sa paglalaro ng LOL kaya sa umaga hindi ko magawang gumising agad.
Buti nga ngayong araw maaga akong nagising. Nagtimla ako ng kape at diretso na agad sa harap ng aking computer. Ang laki na nga ng eyebags ko, mukha na kong walking dead pero wala pa rin akong pakialam dahil masaya ako sa ginagawa ko at nalilibang ako.
Bandang tanghali nagtext sa akin ang abnormal kong tropang si Ace. Akala ko naman ay siya na mismo ang magyayaya mag-DOTA kaya naexcite ako.
ACE: Tol!
AKO: Oh?
ACE: Pumasok ka na bilis!
AKO: Bakit? May laban ba? Sino-sino?
ACE: Hindi, wala, si Anna kasi wala daw siyang partner sa essay writing contest. Hindi kasi individual ang nasa rules, kailangan may partner.
AKO: Gusto niyo lang akong sumali yata sa contest e.
ACE: Tanga hindi! Tinatanong ni Anna kung okay lang daw ba na ikaw ang partner niya.
AKO: Oo na. Sabihin mo sa kanya payag ako.
Ako naman na impokrito kunyari pa napipilitan lang pero dali-dali akong nagsign-out ng account ko sa Garena at pati sa Facebook. Pinatay ko ang aking computer sabay tayo. Nabakante ang computer chair na kulay gray, Nagmamadali kong kinuha ang puting tuwalya sa plastic drawer kosa gilid ng kama na hanggang ngayon ay gulo-gulo pa rin ang asul na bedsheet at puting kumot.
Agad kong binuksan ang kahoy na pintuan ng aking kwarto at nagtatatakbong bumaba sa hagdanan. Dumiretso ako sa may puting pintuan kung saan sa likod nito ay ang banyo. Maliligo na ako.
Adrenaline rush. Ambilis ko maligo ngayon. Kanina lang ay humihikab pa ako sa sobrang antok habang nasa harapan ng aking computer, ngayon para na akong nakaturbo speed. Para akong nakatira ng ecstacy. Kung kusutin ko ang buhok ko, ganun nalang, para akong naglalaba ng taong grasa costume. Hinihilod ko ang katawan ko ng sponge na para akong nagtatanggal ng sebulok. At ang ngipin ko, kung sipilyuhin ko ay parang nagtatanggal ako ng all-known germs sa tiles.
Humarap ako sa salamin na nakapako sa pader. Kasing laki ito ng isang 1/8 illustration board. Sa baba nito ay ang ceramic sink na medyo namantsahan ng namuong latak ng tubig, Panay ang papogi ko at panay ang rehearse ko ng gagawing pagbati kay Anna.
Nakakahiya ang pinaggagagawa ko. Nakabrief lang ako habang nagpopopose sa salamin. Akala mo naman kung sinong macho.
Paglabas ko ng CR, nakabihis na ako. Suot ko ang light yellow na polo shirt at maong pants at nangangalingasaw ako sa pabango. Kuntodo wax pa ang buhok ko na may kahabaan na. May isang buwan ko na siguro itong hindi napapagupit.
Dali-dali kong kinuha ang bag kong nakabalagbag sa sofa na kulay olive green. Isinukbot ko ito sa aking balikat. Umupo ako sa sofa at sinuot ang paborito kong puting sneakers. Matapos nito ay tumayo ako ng diretso. Inayos ko ang handle ng aking mailbag na black sa komportableng haba at lumabas na ako ng bahay.
Pumara ako ng jeep at sumakay bago ko naalalang hindi pa pala ako nagtatanghalian. Sa sobrang excited ko, nakalimutan ko ng kumain. Wala na akong nagawa kung hindi ang iabot ang bayad ko sa driver at tahimik na sumandal sa medyo matigas na sandalan ng upuan ng jeep habang pinanunuod ko ang iba't ibang mga tanawin at pangyayari na nahahagip ng aking mga mata.
Pumara ako sa plaza malapit sa eskuwelahan. Magtatanghalian muna ako sa McDonalds. Baka pag nalaman nila Ace na nakalimutan kong kumain sa sobrang excited, asarin nila ako. Baka bigla akong mamula at mapangiti pag ginawa nila yun, malalaman pa ni Anna na may gusto ako sa kanya ng di oras.
BINABASA MO ANG
Satanna Salvation (ON HOLD)
General FictionKain-Tulog-DOTA-LOL-Repeat! Wala na yatang mas lalabo pa sa future ni Dylan na nilamon na ng computer games. Mula noong magbreak sila ng ex-girlfriend na si Jane ay isang paulit-ulit na routine nalang ang naging buhay niya. Sinarado na rin niya ang...