Chapter 7 - Modern Woman

11 2 0
                                    

Dahil nanaman sa pagiging sobrang tensed ko. Hindi kami umabot sa oras. Ayan nasira ko tuloy ang dapat maganda at tiyak na pagkapanalo ni Anna. Kainis! Naiinis ako sa sarili ko. "Sorry Anna! Dahil sakin di tayo umabot sa oras. Sorry talaga, ang bobo ko, wala akong matinong naisulat." Walang humpay ko paghingi ng paumanhin dahil kahit magsulat, hindi ko magawa ng matino.

"It's not your fault. Napansin kong hindi ka comfortable sa topic. Masyado kasing sensitive yon, siguro ayun talaga ang challenge. Kailangan maitawid pag-usapan ng magkateam ang topic para manalo." For the second time around, buong puso niya akong inintindi. "Teka, bakit nga ba parang nahihirapan ka sa ganung topic. Wala ka pa bang experience?" Biglang tanong niya habang papalabas kami ng campus.

"M-meron naman pero hindi umabot sa point of intercourse." Sagot ko habang pinipilit wag ipakita ang aking pagiging balisa sa kanyang tanong. Tama naman si Nathan, nasa edad na kami para sa ganitong usapan pero bakit parang hindi ko magawang maging komportable?

Tumango si Anna. Hinahabol niya ang tingin ko pero hindi ko talaga magawang tignan siya ng diretso. "Well, that's cute. Half-a-virgin." Sabi niya sabay ngiti ng matamis.

"Laki ka ba sa ibang bansa?" tanong ko. Masyado kasi siyang cool sa mga sensitibong topic. Parang hindi dalagang PIlipina ang dating tapos mukha pa siyang Koreana.

"Hindi, ganito lang talaga ko. Modern woman." Paliwanag niya habang naglalakad kami samataong sidewalk.

"Cool. Saan ka pala nakatira?" tanong ko pa.

"May unit ako dito lang din sa Taft. Gusto mo hangout tayo sometime?" Alok niya.

"Wow condo girl. Edi mayaman ka pala?" Dahil hindi naman ako lumaki sa condo at ang karamihan sa mga kaibigan ko naman ay hindi rin lumaki sa ganitong lugar tulad nung ibang mga classmate naming pabonggahan ng kotse, syempre iisipin ko agad na mayaman siya.

"Not really. It's a prize for my hardwork. Pinagtrabahuhan ko yan." Sagot niya. Kahit simple lang ang ayos niya masasabi kong elegante pa rin ang dating niya.

"San ka nagwork before?" Tanong ko na medyo uminglish din para naman bumagay sa pakikipag-usap sa kanya.

"Sa call center. Pero bago ako magwork dun, sa fastfood muna ko namasukan as working student. Then dahil nga I want to earn more, sinantabi ko muna pag-aaral ko tapos nagwork ako sa call center. Sobrang stressing nga ang work dun pero pag nakikita ko yung unit ko hindi ko pinagsisisihan na minsan ako naging call center agent." Kwento niya.

"Kung ganun, ilang taon ka na?" Tanong ko dahil sa pagkakakwento niya ay parang may katandaan na siya kaso kung titignan naman, mukha siyang kakadebu palang.

"Twenty-two lang ako. Masyado lang bata nung natuto sa buhay," Sagot niya.

Hiyang-hiya naman ako dahil isang taon lang pala ang tanda niya sakin pero nakapagpundar na siya ng condo unit. Samatalang ako, eto, nagpapakalulong sa computer games, pinababayaan unti-unti ang pag-aaral.

"Alam mo let's talk somewhere else, masyadong matao at mausok dito sa sidewalk like somewhere na may food. Gutom na rin kasi ako." Biglaang yaya niya sa akin.

Parang nagmakaawa ang wallet ko sa akin na, "Please si Mirana nalang uli ang mahalin mo." Kaya naman tumanggi ako. "Ah, siguro next time nalang tayo mag-usap. Mukhang di ko afford mga gusto mo e." Nag-aalangan kong sagot.

"Dyan lang naman tayo sa mamihan at isa pa KKB naman. Hindi naman ako maarte katulad ng iba." Sabi niya ba ikinagulat ko.

"Sure ka? Sa itsura mong yan, mukha kang mayaman." Gulat kong tanong.

"Mayaman your face! Ganito lang talaga kong magsalita dahil nahawa ako sa mga colleagues ko sa call center. Pero hindi ako mayaman, nagjijeep nga ako kasi wala naman akong sariling sasakyan." Paglilinaw niya.

Sa wakas, tadhana na rin ang naglapit sa amin ni Anna. Simpleng-simple lang pala siya. Kahit lagi siyang nakapostura, hindi siya nagpapanggap na mayaman at hindi niya ikinahihiyang kumain sa isang hindi kilalang lugar. Lalo na naman tuloy akong humanga sa kanya.

Buong gabi kami magkachat sa Facebook. Lahat na yata napag-usapan namin. Sa tingin ko na ay may pagkakaparehas kami ng mga hilig bukod kay Abby Hahn. Ang sabi niya, marunong din daw siya mag-DOTA pero hindi daw siya magaling dahil hindi na niya ito napagtuunan ng pansin noong magsimula siya magtrabaho. Noong highschool daw siya at hindi pa uso ang DOTA 2 at LOL, sinubukan daw niya maglaro nito.

Bukod pa sa DOTA, parehas rin kami ng paniniwala. Malayong-malayo siya sa ibang babaeng nakilala ko. Hindi nga rin daw siya ang babaeng mahilig sa masyadong madrama at maarteng relasyon. Ayaw nga daw niya ng lalaking masyadong mapaghanap ng lambing. Parang ako lang na ayaw rin ng babaeng mapaghanap ng lambing at mga regalo. Independent woman daw siya at hindi siya kailangan asikasuhin masyado dahil kaya niya ang sarili niya. Nabuhayan tuloy ako ng loob. Kaso noong sinabi niya na ang gusto niyang lalake ay yung responsable at seryoso sa buhay parang nagdalawang isip ako kasi hindi ako yun.

Hanggang ngayon nga ay wala pa rin akong pangarap sa buhay. Puro computer games lang ang inaatupag ko. Ngayong gabi ko lang yata kinalimutan ang pagbukas ng Garena ko. Iba na kasi ang bisyo ko, si Anna.

Satanna Salvation (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon