Tulad ng gusto ng karamihan sa tropa ko, sinubukan kong makipagkompitensiya kay Martin kahit madalas na ako ang nasasaktan. Ginagawa ko pa rin ang pagsabay kay Anna tuwing pagkatapos ng klase. Tutal, madalas naman ay hindi sila parehas ng schedule ni Martin at siguro naman ay hindi na siya mag-aaksaya na pumunta pa sa College of Architecture na nasa kabilang building pa para lang hintayin si Martin hanggang matapos ang klase nito.
"Pansin ko parang stressed ka nitong mga nakaraang araw. Bakit, nakakastress ba si Martin?" Tanong ko dahil pansin ko na iba ang aura niya ngayon. Haggard siya at malaki ang eyebags na parang puyat na puyat. Maputla rin siya kumpara sa dati niyang mamula-mulang kompleksyon. Pero gayunpaman ay maganda pa rin siya.
"It's not Martin. Ang dami lang projects ngayong patapos na sem. Halos tabi-tabi lang ang deadlines. I need to stay up all night para lang matapos ko lahat." Paliwanag niya ng nakatungo. Maulan ngayon at medyo malamig kaya ang suot niya ngayon ay isang olive green na cardigan na nakapatong sa puting T-shirt. Nakalugay ang buhok niya at walang make-up ang mukha.
"Minsan kasi magpahinga ka naman. Masyado kang seryoso sa pag-aaral mo e." Payo ko nang nakahalukipkip dahil medyo giniginaw ako. Hindi pa rin kasi tumitigil ang ulan kaya naman nakatambay lang kami sa may entrance door ng Communication Arts Building. Hindi pa naman ako sanay na nagdadala ng jacket sa eskuwela kaya hindi ako nagdala ngayon, malay ko bang uulan ng malakas.
"O, sige, dahil gusto mo kong magpahinga, let's chill na lang sa condo ko. What do you think?" Suggest niya sa akin.
"T-tayong dalawa lang? Ano gagawin natin dun?" Tanong ko habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis nito hindi ko na naisip na baka mahalata ni Anna na namumula ako.
"Ba't ba ganyan reaction mo? Hoy! Hindi ako rapist a. Manunuod lang tayo ng movies over pizza and beer." Bigla nalang niya ako pinalo sa balikat.
"Wala akong sinabing ganun! Ang sakin lang kasi baka magalit sakin si Martin, kung ano pa isipin nun. Hindi ba nagdedate na kayo?" Paliwanag ko. Medyo malakas ang impact ng palo niya kaya napahagod tuloy ako sa balikat ko.
"I have told you naman na wala kaming relasyon ni Martin. We have dated, yes, but still I don't allow him to invade my personal life." Paliwanag niya. "Infact, ikaw palang ang makakapunta sa loob unit ko. Hindi naman alam ni Martin yon."
"Hindi ba sabay kayo umuwi nung Battle of the Bands last month?" Pagulat kong tanong dahil ang alam ko talaga ay magkasama silang umuwi nung araw na iyon kaya naman naisip ko na baka pinatuloy na rin niya rito si Martin.
"No! What do you think of me? Not because I like Martin means papasukin ko na siya agad sa unit ko. You're such a stereotype a, don't compare me to ladies na kapag may crush ibibigay na lahat." Tanggi niya na medyo nadisappoint yata sa akin.
"Sorry kung pinag-isipan kita ng ganun. Ikaw naman kasi kung nakapagkwento tungkol kay Martin, parang excite na excite palagi." Sabi ko sa kanya.
"It's okay, natural lang naman na mag-isip ka ng ganun kasi hindi mo pa naman ako masyadong kilala." Sagot niya.
Noong tumigil na ang ulan, umalis na kami sa kinauupuan naming sofa sa lobby ng building. Tumayo siya at inayos ang kanyang buhok habang nakasukbit sa balikat niya ang kanyang shoulder bag. Ako naman ay kininis ang aking T-shirt pagkatayo.
Lumakad na kami paalis patungo sa karaniwang matao at mausok na sidewalk dito sa kahabaan ng Maynila. Tahimik kaming nag-aabang ng paparang jeep sa tabi ng isang poste. Paulit-ulit kong hinihiling sa aking sarili na sana ay walang tao sa tabi ng driver's seat ang jeep na papara. Pero mukhang bigo ako dahil isang jeep na halos siksikan na ang pumara. Sabi ni Anna ay dun nalang daw kami sumakay. Wala sa itsura niya ang makipagsiksikan sa loob ng jeep. Akala ko nga nung una ay pangkotse lang ang beauty niya. Mukha kasing mayaman.
BINABASA MO ANG
Satanna Salvation (ON HOLD)
General FictionKain-Tulog-DOTA-LOL-Repeat! Wala na yatang mas lalabo pa sa future ni Dylan na nilamon na ng computer games. Mula noong magbreak sila ng ex-girlfriend na si Jane ay isang paulit-ulit na routine nalang ang naging buhay niya. Sinarado na rin niya ang...