Chapter 17 - Better Late Than Never

15 1 0
                                    

"Dylan ano ba? Akala ko papasok ka nang maaga?" Sigaw ni mommy habang nagkakakatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko ito pinansin, sa halip nagtalukbong ako ng kumot at tinakpan ng unan ang mukha. "Pag ikaw bumagsak nanaman dahil sa kakaabsent mo, hindi ka na namin pag-aaralin ng daddy mo! Sinasabi ko lang sayo!" Dagdag pa niya. Umagang-umaga sermong umaatikabo nanaman ang inabot ko. Paano ba naman graduating na ngayon pero kahit isang beses hindi ko pa pinapasukan ang aking mga klase. May isang linggo na nga simula nung nagstart ang semester. Tamad na tamad kasi talaga akong pumasok.

Dahil sa walang humpay na pagkatok at pagsesermon ni mommy ay napilitan na akong idilat ang aking mga mata. Sinalubong ko ang umaga sa isang hikab sabay itinabi ko ang unan at kumot na pinangtakip ko sa mukha ko kanina. Kinusot kusot ko ang aking mga mata. Ayoko pang tumayo, tinatamad ako. Isa pa nakakahiyang tumayo kapag may morning wood. You know, boys' thing.

"Bumaba ka na dyan Dylan! Malilintikan ka sakin, hindi ka nanaman nagpapapasok!" Galit na galit na sigaw ni mommy. Tapos nun ay narinig ko ang mga yapak niya na papalayo na sa kwarto ko. Sumuko na rin siya katatawag sa akin.

Nakatulala ako sa kisame habang kinakamot ko ang aking tiyan. Hindi ko makalimutan ang nakita ko nung isang gabi. Papunta ako nun sa bahay nila Simon para makipag-inuman, alas diyes na noon. Balak kasi namin ay sleepover. Magiging masaya na sana ang gabi ko kaso nung dumaan ang jeep sa harap ng condo na tinutuluyan ni Anna, nakita kong lumabas doon si Martin. Ang dapat masayang birthday celebration ni Simon, nauwi sa paglalasing ko. Suka daw ako ng suka, yakap-yakap ko na daw yung toilet bowl sa sobrang kalasingan. Dahil dun lalo akong nawalan ng ganang magpapasok sa eskuwela. Araw-araw nanaman parurusahan ako ng mga nakikita ko at naririnig ko.

"Hoy! Tama na yan, ang aga-aga nagjajakol ka!" Sigaw ng nakakatanda kong kapatid na si kuya Skyler sabay katok sa pinto ng kwarto ko.

"Pakyu!" Sigaw ko naman sa kanya. Ganyan talaga kami mag-usap ni kuya. Pero kahit maloko yang kuya ko, malayo na ang narating niyan. Isa siyang senior graphic artist sa isang malaking kompanya. Bukod dun, isa rin siyang freelance photographer. Ang dalawang nakababatang kapatid ko naman na si Venice at Paris ay humahakot ng mga awards sa kanilang eskuwelahan. Siguro kung extra-curricular activity ang DOTA, marami na rin akong naiipon na medal at trophy. Kaso nga hindi, kaya ako ang black sheep ng pamilya.

Pinilit kong iangat ang sarili ko. Tamad na tamad talaga ako pero pag si kuya ang tumawag sa akin napapatayo talaga ako ng di oras.

Kamot ulo akong lumabas ng kwarto. Sabay pa kami ni kuyang lumabas sa sari-sarili naming kwarto. Kinuha siguro niya ang kanyang laptop bag na naglalaman ng kanyang laptop at iba pang gamit sa trabaho.

Desenteng-desente si Kuya, nakalongsleeves polo na gray at black slacks. Suot niya ang isang puting necktie at hamis na hamis ang kanyang buhok. Halos magkamukha lang naman kami ni kuya, mas makapal lang ang mga labi niya. Mas mataas rin siya at mas malaki ang katawan. Masipag kasi siya mag-gym.

"Classmate mo pala si Anna Diaz?" Bigla siyang tumigil sa harapan ko at nagtanong.

"Oo bakit?" Patanong kong sagot.

"Chicks yun e, kinuha ko yung sexy model dati." Kwento niya.

Nagulat nanaman ako sa nalaman ko na magkakilala pala sila ni kuya at sexy model pa siya nito dati. Hindi ako nakaimik.

"Close ba kayo? Nagkausap kasi kami kahapon pagbaba ko ng station sa Pedro Gil. May kasama siyang pogi tapos matangkad na lalake. May mga piercing, mukhang rakista. Boyfriend niya yata yun." Dagdag pa niya.

"Wala akong pakialam dun!" Bulalas ko. Nagmamadali akong maglakad patungo sa hagdan at pababa ng sala. Siguro nagtaka rin si kuya sa naging reaksyon ko. Ayoko na kasi talagang marinig ang tungkol kay Anna at Martin.

Inulan na nga ako ng sermon ganun pa maririnig ko. Kabwisit naman tong umaga na to. Padabog akong bumaba sa hagdanan. Napatingin tuloy sa akin ang dalawa kong kapatid na babae. Ang totoo ay kambal sila, highschool student.

"Ano tinitingin-tingin niyo?" Tanong ko na nakakunot ang noo.

"Kuya, ano ba problema mo? Umagang-umaga ang sungit-sungit mo na." Nakairap na reklamo ni Venice. Siya yung mas mahaba ang buhok sa kanilang magkakambal. Nakaupo sila sa sofa habang nag-aayos si Venice ng bag na pamasok, yung isa naman ay nagsusuklay. Naka uniporme na sila at ready na sa pagpasok sa eskuwela.

"Wala naman kaming ginagawa sa'yo. You're so mean!" Nakapout na reklamo ni Paris. Nakakatuwa mga pangalan nila. Sabi ni mommy kaya daw ganyan ang pangalan nila dahil pangarap niya noon na makapunta sa Europe.

Pagbaba ni kuya ay tinapik ako nito sa balikat. "Ano bang problema? Bakit ka nagsusungit?" Tanong nito.

Nakairap lang ako at pailalim ang tingin. " Ayokong marinig yung pangalan ng babaeng yun!" Singhal ko.

"Sino ba? Si Anna? Bakit, binasted ka ba nun?" Usisa niya.

"Hindi!" Matipid kong sagot. "Basta ayoko!"

"Ay naku kuya Dylan, gay ka siguro, nagagalit ka sa babaeng hindi ka naman binasted." Sabi pa ni Venice.

"Tumigil ka, kundi kukutusan kita!" Banta ko.

"Ay, tignan mo yan kuya Skyler pumapatol sa babae!" Sumbong ni Paris sabay appear nila ni Venice.

Nagwalk-out ako sa inis. Pumasok nalang ako sa C.R para maligo. Pati sa bahay nabibwisit ako. Ayoko nalang sila patulan kasi baka si daddy makisawsaw pa. Sermon nanaman aabutin ko.

Pumunta na ako sa paliguan. Hinila ko pasara ang shower curtain na may alon-alon na print. Binuksan ko ang shower sabay upo sa malamig na tiles sa semento habang hinahayaan ang aking sarili na mabasa ng malamig na tubig mula sa shower. Matagal-tagal rin akong nagbabad dito habang nakatulala sa kawalan.

Ang tanging motivation ko nalang sa pagpasok ay ang nagbabantang laban namin mamaya sa DOTA, ay nag-upgrade na pala kami, DOTA 2 na. Ayoko na kasi talaga, lalo na't kaklase ko pa si Anna ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso pasok na ako. Nawalan na kasi ako ng gana mag-agahan. Bigla ko nalang naalala na ngayon nga pala ibibigay ang topic at pointers para sa thesis namin. Late na ko, ilang minuto nalang matatapos na ang klase ko. Nagmamadali akong umakyat sa classroom namin. Masungit pa naman daw prof namin dun sabi nila Lloyd.

Pagkarating ko sa harap ng classroom ay unti-unti kong binuksan ang pintuan sabay pasok na rin. Napuna agad ako nung prof. "Mr. Natividad, it's good to see you. Napakaaga mo naman yata." Nakataas ang isang kilay niya sa akin. Mataba siya at maitim. Nakasuot siya ng salamin at ang buhok niya ay maikli at naka full bangs. Para tuloy siyang si Dora the Explorer. "Kahit never pa kitang nakita in this class, alam kong ikaw yan dahil ikaw lang ang hindi present ngayon!"

"Sorry po ma'am! Hindi na po mauulit." Paumanhin ko nang nakatungo.

"Ms. Diaz!" Tawag niya. Teka bakit bigla niyang tinawag si Anna?

"Yes ma'am?" Magalang na sagot nito.

"Since ikaw lang ang walang partner, is it okay na kayo nalang ni Mr. Natividad ang partner sa thesis?" Tanong nito. Bahagya nitong binaba ang kanyang salamin.

Natigilan ako. Papaupo na sana ako sa tabi ni Eric nang magkatinginan kami ni Anna. Hindi ko alam kung ano ba mararamdaman ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay ng isasagot ni Anna.

"Yes ma'am, that's okay!" Sagot niya sabay tango. Halatang hindi ito ang gusto niya at napipilitan lang siya.

"Good! Ikaw na ang bahala mag-explain sa partner mo na sobrang punctual ah? It's time to dismiss this class!" Sabi ni prof sabay kuha ng mga gamit niya sa mesa. Lumabas na ito at sinarado ng malakas ang pinto.

Ano ba yan, bakit si Anna pa ang partner ko sathesis? Sinasadya ba ko ng tadhana?

Satanna Salvation (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon