*Introduction*

106 2 3
                                    

First Day

KRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!

Ayan lang naman ang napaka ingay na bell galing sa school, oo nga pala first day pa lang ngayon at syempre as usual madaming late, madami din absent at madami naman maagang pumasok dahil excited daw sila.

Ako? Heto naglalakad at hinahanap ang aking classroom, section 2A daw ako pero kanina pa ako paikot ikot dito hindi ko pa din makita -_-. Yeah, kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko alam ang mga rooms dito ay dahil bago pa lang ako dito sa Dutch Ford Academy, lumipat kasi kami ng bahay kasi nalipat si daddy ng trabaho kaya pati kami nadamay.

Fourth year highschool na ako, at dahil graduating kailangan magsipag kahit papano, masipag naman ako tinatamad lang talaga minsan. Madami din pala kami subjects dito kesa sa nakaraan kong school public lang kasi yon, samantalang ito ay private. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko doon kasi andun yung mga kaibigan ko kaso dahil nga kay daddy kaya napalipat din ako ng di oras.

Oo galing ako sa public school, hindi naman sa mahirap kami, ayoko lang talaga mag private. Only child lang ako pero dahil mabait ang aking mga magulang nag ampon kami syempre pumayag na din ako kasi gusto ko magkaron ng kapatid at babae din sya, parehas nga kami ng edad eh at dito din sya mag aaral, nauna lang sya sakin pumasok, ano kaya section nun?

***beep***

Tumigil ako sa paglalakad dahil nag vibrate yung cellphone ko.

From : Yanna

"Sis?, asan ka na? Ma late ka na bilisan mo! Ano bang section mo? Asan ka ba susunduin na kita?"

To: Yanna

"Sis, andito ako sa tapat ng section 3B, paki sundo naman ako hindi ko talaga alam kung saan ako eh, alam mo naman hindi ako magaling sa mga lugar lugar"

Habang inaantay ko siya, may napansin ako. May kanina pa nakatingin sakin, bakit kaya ako tinitignan nito? Nasa kabilang part siya ng school at hindi ko masyado maaninag ang mukha nya dahil sa sikat ng araw, kaya di ko sya masyado makita. Hanggang sa naglakad na siya paakyat, nakakapag taka naman, bakit kaya nya ako tinitignan at sino kaya siya? At sa wakas dumating na ang aking kapatid

"Sis!, tara ano ba section mo? Three minutes na lang late na tayo, bilisan mo"

"Sis, section 2A ako, saan ba yon? Ano pala section mo?"

"Parehas lang tayo sis! Ano ka ba! Bilisan mo na dali mamaya ma late tayo, dapat kasi sumabay ka na sakin eh" sabi niya

Tignan mo tong babaeng to kala mo mas matanda sakin! Pasalamat siya at kanina pa ako pagod kaya hindi ako nakikipag away sa kanya ngayon. Mamaya lagot to sakin uulanin ko talaga ng sermon to.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kasabay ng pagpasok namin sa classroom ay ang pagpasok din ng aming guro, lalaki siya at may itsura din, moreno, nakataas ang buhok, may pagka matangos ang ilong at medyo matipuno, mukha din syang strikto at masungit, siguro wala pa siya sa edad na 22? Masyado yata siyang bata para maging guro agad.

At dahil unang araw pa lang ng klase, hindi ito gaanong maingay at dahil na din sa mukhang masungit namin guro na masasabi ko magiging advicer namin. Naka upo kami ni Yanna sa bandang kaliwa at pangatlong row.

Nagsimula na magsalita ang guro namin at napagalaman kong isa pala syang Math teacher, nako mukhang mahihirapan yata ako neto mag recite, nakaka kaba naman kasi yung mga titig niya eh, akala mo galit na galit siya sayo.

Habang nagsasalita siya, lahat kami nasa kanya ang atensyon, lahat kami nakikinig sa kanya. At dahil dun siya ay nagpakilala na samin.

"Good Morning class, I'm your advicer for this school year, I'm mr. Joseph Karlo Viaje, you can call me sir viaje, or sir joseph anything will do *sabay ngiti nya samin*, and now you can introduce yourself one by one" At kasabay nyan ang pag upo nya sa teacher's chair.

Halos matatapos na ang second row at malapit na kami ni Yanna, dahil kanina pa siya dito siguro hindi na siya masyado nahihiya tulad ko. Tapos na ang nasa dulo ng second row at bakante naman ang isang katabi ni Yanna na upuan kaya siya na ang magpapakilala.

"Hello everyone, I'm Yanna Buenavista, new student lang po ako, kasama ko din po dito ang sister kong si Katherine Buenavista *sabay tingin nya sakin at ngiti, at dahil dun napangiti na lang din ako ng di oras* Sana po mas maging close tayo and you can call me Yanna for short" kasabay ng pag upo niya ang kanyang mga ngiti sa aming kaklase, tumayo naman ako dahil ako na ang susunod.

"Hi, I'm Katherine Buenavista, also a new student here in Dutch Ford Academy and as she said a while ago magkapatid po kami ni Yanna, I hope i can meet new friends and sana welcome po kami dito, thank you" sabay ngiti ko sa kanila.

Matatapos na ang introduction namin at halos kakaunti pa lang kami dito sa classroom siguro yung iba tinatamad pa, o kaya na late lang. Sus mga estudyante talaga ngayon fourth yr na kaya?! Uso naman magsipag dahil graduating na.

Nagbigay lang si sir ng konting mga rules and regulations dito sa classroom at nabanggit din niya na mamaya na din ay may isang program sa gym, para i welcome kami. Break time na namin ngayon at halos samin lahat ay papunta na sa cafeteria para bumili ng snacks

Andaming tao sa cafeteria, kahit pala first day ganun na ang tao dito? Kaya nagpasya kami pumunta ni Yanna sa "mini canteen" daw nila, syempre para makapag ikot ikot na din at ma familiarize dito sa school.

Kakaunti lang ang tao dito kesa sa cafeteria bakit kaya? Parehas lang naman ng tinda :3

"Sis, ako na bibili, ano gusto mo?"

"Lasagna na lang tsaka coke?" Sabi ko.

"Sige sige, sis hanap ka na lang ng table natin. Pupuntahan na lang kita after ko mag order"

"Osige sige."

Naghanap hanap ako ng mga upuan at dahil konti lang ang tao dito madaming vacant tables kaya hindi ako nahirapan maghanap pa. Pinili ko yung table na malapit sa chapel, ewan ko lang trip ko talaga dito eh.

Dumating na din ang aking kapatid, at may dala dalang tray. Mukha yatang gutom to ang daming dala eh haha.

"Sis!, may chika ako sayo haha!!"

"Oh, ano naman yon?"

"Kanina sa pila? May gwapo sheeeet!! Kaya nga nagpatagal pa ako ng konti eh haha"

"Gaga ka! Mamaya ma late tayo, sigurado ka gwapo ba? Mamaya pang tindero lang ang itsura ah?"

Nasabi ko na ba sainyo na mahilig kami mag boy hunt netong kapatid ko, hobby na yata namin yan eh. Well sa mga gwapo lang naman kami minsan nagpapapansin pero sa mga pangit syempre who you sila no? Sayang naman kagandahan namin haha. Ang yabang ko na.

Authors Note: Hindi ito yung first or second story ko, actually pang third na ito. I just delete the first two kasi mukha wala sumusupporta. For the readers of " I fell in love with my bestfriend" sorry i deleted it, alam ko madami na kayo nagbabasa, sorry talaga. And please support this story i promise hindi ko na siya idedelete. :)))

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon